Kalituhan ng isang 6-year-old
AlitaptapIsang gabi ng Enero 2009, ang aking anim na taong gulang na kapatid na lalaki at ang aming ate ay nanunuod ng telebisyon.Medyo malayo ako sa kwartong kanilang kinabibilangan subalit dinig ko ng maayos ang dalawa. Habang ang aming nakababatang kapatid ay naghahanap ng channel upang mapanuod, napadaan siya sa isang channel kung saan ang isang sikat na icon para sa mga bata ay naipakita.
![]() |
Sa ganito humantong ang usapan ng dalawa kong kapatid:
Younger brother: Uy! Si Hannah Montana! *tuwang-tuwa* - Labis nagtaka ang aming ate kung bakit - A: Paano naman nangyari na mas maganda siya kaysa sa akin? Hoy, kapatid mo ko, noh! - Muli, nagtaka ang aming ate at sa ngayon, mas nagtataka. Luminaw bigla ang aking pandinig matapos marinig ang mga sinabi ng aming nakababatang kapatid - |
| A: Bakit naman magaganda at mga gwapo ang mga Amerikano?
YB: Dahil ang mga Amerikano ay mapuputi, matatangos ang ilong, maganda ang kulay ng buhok at matatangkad. - Hindi kami makapaniwala na ginamit niya ang salitang “sila”; ibig sabihin, hindi niya ibinibilang ang kanyang sarili sa lahing Pilipino. A: Sa lahat ng ‘to, ibig sabihin gusto mo maging Amerikano? |
![]() |
| Nadinig ko ng malinaw at ditalyado ang usapan. Akala ko nababaliw na ako matapos madinig ang mga salitang iyon lumabas sa bibig ng aming anim na taong gulang na kapatid. Grabe, anim na taong gulang pa lamang siya, tsk. Ang aming ate ay paulit-ulit na tinanong ang aming kapatid ukol sa pinag-uusapan nila ilang sandali nakararaan. Maya-maya, aking binigyang ideya ang aming ate na i-rekord siya sa video habang nagsasabing, “I want to be American.” Labis na nababasag ang aming mga puso tuwing madidinig ang mga salitang iyon habang pinanunuod ang video ng paulit-ulit.
Siya ay anim na taong gulang pa lamang subalit, nalason na siya tungkol sa kanyang pagkakakilanlan. Nang aming ipakita ang video sa aming ama, napagdesisyunan niyang kausapin ang aming nakababatang kapatid. Tapos, ang mas masaklap, ang aming kapatid na iyon ay nagtanong kung maaring maging Intsik na lamang siya sapagkat ito’y nasa aming dugo. Ibig sabihin, mula noon, lahat ng hindi mukhang Intsik sa aming pamilya ay hindi maganda/gwapo sa kanyang paningin – yung mga hindi mapuputi. |
|
| Dali-dali naming itinama ang aming kapatid ukol sa kanyang opinyon dahil ‘di namin matitiis na ito’y lumala. Maraming salamat po sa The Brown Raise Movement – hindi kami natapos na sumasang-ayon sa kanyang pag-iisip. Kung wala ang TBR, wala sa aming tahanan ang makakapag-tama sa aming kapatid.
Maraming maraming salamat po sa The Brown Raise Movement sa pagiging tulay ng biyaya sa mga nalilitong Pilipino gaya ng aming anim na taong gulang na kapatid. |
![]() |
| From: Geline Saclot, 16 Years Old, 4th year high school, Malate, Manila, Philippines | |



June 4th, 2009 at 06:01 PM
ganyan din sa lugar nmen d2..
yan ang lagi kong ikinaiinis eh..
ung mga babae d2 sa amin laging nasa computer shop para mag hanap ng lalaking amerikano..
lagi silang umaasa na sana makuha sila, minsan nga tinanong ko ng pabiro ung isang babae d2..
anong gusto mo? maging amerikano o maging pilipino?
at taas noo nya pang sinagot na AMERIKANO..
sabi ko naman baket?
ang sagot naman nya ay..
kung amerikana daw xa, d na daw xa magpapakahirap na mag chat araw araw.. para lang maka kuha ng gwapong amerikano..
twing nakikita ko nga ung mga babae d2 lagi na lang nawawasak ung puso ko..
kasi naawa ako sa kanila
kaya sana maabot din ng TBR movement 2ung lugar nmen para naman maliwanagan ung mga tao d2… tungkol sa 22o nilang pagkatao
June 4th, 2009 at 06:47 PM
…ate geline… sa ngayon poh talaga ganyan ang nagiging kaisipan ng mga bata dahil sa kanilang napapanuod na foreign movies… nakakadugo poh talaga ng puso ung ganun kasi nawawala na poh ang pagmamahal nila for our country… ganun din poh kasi ung sinasabi ng mga kapatid ko kapag tinatanung ko sila kung sinong mas maganda mga PILIPINO o mga amerikano???… i’m hoping na someday lahat tayong PINOY ay mahal ang ating bansa…
…LET US RAISE THE NROWN RACE…
June 4th, 2009 at 07:30 PM
Tama lang na itama na sya habang bata pa. You could still change the way he thinks.
June 4th, 2009 at 10:29 PM
I like this blog. This shows how the BRown Raise has changed our mindset into good ones. I am happy to know that parents like yours act on this matter right away. My salute to your parents!
June 5th, 2009 at 06:50 AM
nakakabigla namang malaman na meron parin palang mga kabataan ang hindi alam kung ano ba talaga sila…..
kung pilipino ba sila o kaya’y amerikano,instik etc.
dahil sa mga pinapalabas sa media ng mga foreign movies at shows, ay tuloy-tuloy parin na nakukuha ang attention ng mga bata ngayon na isipin na sila ay hindi pilipino.
manghang-mangha ako sayo dahil ika’y nagtitiyaga na ituro sa kapatid mo kung ano ang ibig sabihin ng pagiging pilipino.
at itinatama mo ang kanyang mali.
ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa dahil makakatulong ka rin sa mga ibang kabataan pa ukol sa kanilang mga tanong kung saan talaga sila galing.
“ITAAS MO ANG PAGIGING PALABAN, PARA MAIPAKITA NA BUO TAYO SA DUGO AT ISIPAN NA TAYO AY TUNAY NA PILIPNO!”
Go BRYorg todo!!
June 5th, 2009 at 08:09 AM
kawawa po yung bata, nalilito na kung ano talaga dapat yung lahi niya. sana po maging tama talaga ang tinataniman sa kanya. nakakaburden lang po sa mga kababayan natin kasi po pati mga kaklase ko ganyan din eh. nakakalungkot po talaga.
June 5th, 2009 at 04:45 PM
kawawa naman po talaga ang mga inosenteng isip na nilalason ng kapaligiran yan po kasi ang nasa paligid natin kaya un din ang alam nilang tama. kaya talagang isang regalo ang brown raise sa ating mga buhay sapagkat bukas ang ating mga puso at mata para sa ating kapwa.:)
`chef denice <3
June 6th, 2009 at 07:23 AM
“As far as I knew white women were never lonely, except in books. White men adored them, Black men desired them and Black women worked for them.” –Maya Angelou
“While I know myself as a creation of God, I am also obligated to realize and remember that everyone else and everything else are also God’s creation.”–Maya Angelou
Almost all of us grew like this child. We were all blinded by those downright dumb glossy magazines (hint: those historical and political magazines are excluded), by wacky American TV shows fit for those who are lazy to use that gray matter between their ears, by our own making because we are ideal natives (Jose Rizal), by our lack of sense of history and identity, by our lack of knowledge, by our lack of love for our own, by our lack of reverence to the Genius of God.
What is sad about this story is this–discrediting the beauty of our brown race which is unquestionably God-given is tantamount to spitting on God’s genius to create. It is madness.
Our generation is becoming more and more focused on the non-essentials. Antione de Saint-Exupery is right when he said that what is essential is invisible to the eye. Because of our lack of sensibility we have focused on what glitters–the white, the blonde, the shining shimmering splendid allure of what we see on T.V.–unaware that not all that glitters is gold.
We are struggling because we are now awakened. We have seen the real light and not just the shadow of such light inside the cave. And this is a very good thing.
June 6th, 2009 at 11:33 AM
lumuluha ang aking puso nung binabasa ko ung converstion ng magkapatid..pero natuwa pa rin ako dahil ang pamilya ng bata ay may pagmamahal sa bayan at proud maging Pilipino.
kahit naman sa aming probinsya ay may mga taong gumagamit talaga ng glutathione para pumuti. yung mga kaibigan ko nga sinasabi nilang “naku, ang itim itim ko na, ang pangit-pangit ko na tuloy.” hindi ba sila proud sa kulay nila, pero i started sharing them the brown raise movement kaya medyo naiba na rin ang kanilang pananaw sa buhay.
June 7th, 2009 at 06:16 PM
Grabe sana lahat ng tao lalo na mga PINOY, mamulat na sa katotohanan at mahalin nila ang sarili nilang kultura at kulay. Sana din hindi tayo mabulag sa mga dollars nila kasi sa nakikita ko ngayun lola na ang mga PINAY lutang ang utak kumakapit na lang sa kano para yumaman. Kung tutuusin kung pinagiigihan lang natin maaari din tayong yumaman kagaya nila.
At lalo na sana matutunan nating mahalin ang totoong tayo at ang ating sariling kasarinlan.
June 8th, 2009 at 12:37 AM
nakakalungkot isipin na bakit tayo nagpapakalayo at tumira sa ibang bansa,hindi lahat ng pilipino na nasa ibang bansa ay tama ang pamumuhay,may mga ibang kababayan natin dun na nasasadlak sa pang-aapi sa kanila ng mga dayuhan,kung puwede nga lang huwag ng mangibang bansa,kung my pagmamahal tayo sa ating bansa,dapat na ito’y isapuso,hindi lang sa isip sa salita at sa gawa ayon nga sa panatang makabayan,kung ano man ang ating lahi,ang ating kulay at ang ating itsura,dapat na tanggapin natin ito,dahil nasa pilipinas tayo at wala tayo sa ibang bansa,kya nga im proud to be a filipino.
let’s be proud na tayo ay isang Pilipino,lalabas na tayo ay isang makabayan at higit sa lahat,tayo ay maka-Diyos!
June 8th, 2009 at 01:15 PM
Sad to hear coz at an early age, he already come up with that kind of perception in life. Good thing that the family is there to correct, help and support their li’l bro. Congrats..
June 9th, 2009 at 12:16 PM
I dont know if its correct but everytime i hear or read stories just like this I get mad!
I mean it should be in the families where kids are suppose to know who they really are…
Come on parents!if you really want to see our youths be real hopes for our country why not start within your own families?…
June 13th, 2009 at 06:23 PM
lol hillarious.. i live overseas and i can show ur brother pics of my australian friends looking orange from fake tan. people here are desperate to get browner and people in the phil who are already brown wish to be white. hahahahahaha people here will laugh at u if u have pale white skin especially if u go to the beach coz it looks as if u dont have any money to go on a holiday. even the freakin government is devasted by the number of people who die each year from skin cancer. they had a talk last week at our school of how ‘white skin is better and for teenagers especially girls to stop thinking tan skin is better’ hahahahahahahahahaha wat a crazy world we live in
June 13th, 2009 at 10:59 PM
tama nga… hindi naman mali ang maging fan ng mga banyagang celebs basta’t tinatangkilik mo din ang mga produkto, kahit ano basta mula sa ating bansa…=)
June 17th, 2009 at 03:15 PM
sana lahat ng tao maliwanagan kung ano ba talaga sila at ano ang pagkatao nila…parang ikinahihiya nila na pilipino sila dapat ipagmalaki pa nila na pilipino sila..ako ipinagmamalaki ko na pilipino ako…bakit ang ibang mga pilipino gustong maging ibang lahi di ba nila alam na masarap ang maging pilipino?hay…sana maliwanagan na sila please help TBR…
get real filipinos,get real philippines!!!
June 20th, 2009 at 10:48 PM
Ang masasabi koh lang dito sa kwentong ito.. napakalaking bagay ang media para makainfluencia ng isang tao.. kung ano ang nakikita ng mga bata sa telivision un lang din ang ginagaya nila.. hindi lang mga kabataan ng iisip ng gusto nilang maging americano? pati mga adults.. ngayon nga eh makapunta ka lang sa ibang bansa felling mo kung cno ka? ano ka ba doon isang OFW? isang Alipin ng mga banyaga tapos paguwi mo sa lupang sinilangan mo p english english ka hindi mali gumamit ng english pero ilagay sa lugar.. sa maging mayabang tao sa ating lahi ipagmalaki natin kung cno tayo. ipagmalaki natin ang lahing pilipino ang lahi ng ating dakilang bayani gat JOSE P. RIZAL MABUHAY ANG MAMAYANG PILIPINO
June 22nd, 2009 at 04:11 PM
Natwa ako sandali. Pero naisip ko na may kailangan ako baguhin sa 5yr old na anak ko. Salamat.
June 26th, 2009 at 03:49 PM
righteous parenting dictates untiring guidance, learning and consistent role modeling for parents to lead their children to the correct understanding of self worth and mission.
June 26th, 2009 at 08:22 PM
ganyan talaga pag mga bata, nd pa nila alam ang kanilang gnagawa, nagbbase lang cla sa kung ano lang ang kanilang nakikita.. at kung ano ung nakikita nila, un ang kanilang pinapaniwalaan at ginagaya.. kaya nakasalalay sa matatanda ang ang ikakanda ng bukas ng mga bata, ipamulat sa kanila na tayong lahing pilipino ay walang katulad sa mundong ito.. kaya tangkilikin ang sariling atin upang hindi maging dayuhan sa sariling bansa..
mabuhay ang brownraise! mabuhay ang kayumangging pilipino..
June 27th, 2009 at 10:30 AM
hindi ko mapigilan umiyak dito. ang sakit talaga lalo na dahil meron din akong anim na taong gulang na kapatid. hindi ko maisip kung ano gagawin ko kapag sinabi niya din yan. kailangan talaga natin magsumikap para sa brown raise movement.
July 3rd, 2009 at 02:04 AM
“Children Are Wet Cement”
Habang bata pa ay kailangang ituwid na ang baluktot na gawi at pag-iisip. Habang malambot pa ay ihubog na sa katuwiran at tamang landasin. Enough is enough!!! Matagal na panahon na rin tayong naging alipin sa kaisipan at paniniwala na ang batayan ng anumang mukhang maganda ay kailangang MAPUTI, MATANGOS ANG ILONG, MATANGKAD ETC. Basta hindi mukhang Pilipino. Hindi pa rin umaalis ang Espanya sa Pilipinas. Ang mga dayuhan na nagyuko sa ulo ng ating mga ninuno at namuwersa sa kanila na sumagot lamang ng “Si Senior” – “Opo kamahalan” sunod lang ng sunod. Kaya’t minsang nagkaroon ako ng pagkakataong manood ng TV (pinoy channel) nakita ko na ang mga artistang kinukuha ay mga hindi mukhang pinoy. Mentras Tisoy at Tisay mas pasok na pasok sa panlasa ng karamihan. Paano naman ang mga nanonood na mukhang pinoy? Eh di tingin nila sa sarili nila panget?
At kapag ang apelyido ay Curtis, Crawford, atbp. mas may dating.
Ito ang cancer ng lipunan!
Kaya’t hindi maka-angat-angat ang bansa!
Panahaon na upang ibahin ang landasin ng Pilipinas!
Ituro sa mga bata na mentras mukhang pinoy ay mas maganda. Mentras pango ay mas maganda. Mentras kayumanggi ay mas maganda etsetera etsetera !!!!
July 10th, 2009 at 06:00 PM
nakakalungkot man pong isipin ngunit karamihan talaga sa mga kabataan ngayon ay ganito na ang pag-iisip. kahit ako, lumaking may ganito na ring pagtingin sa ating lahi. ito kasi ang iminumulat ng karaniwang pamilyang Pilipino. Sabi ko nga, “lumaki ako sa kapaligirang halos lahat ng tao ay ayaw nang maging Pilipino”. Subalit, laking pasasalamat ko pa rin sa Panginoon dahil hindi ako nalugmok sa ganong kaisipan…Dahil na rin sa TBR Mov’t nagising ang diwang Pilipino sa puso ko. Ngayon, hindi na umuubra sa akin kapag may ganitong mga linya ang mga pinsan ko o kahit sino sa aming pamilya…binubulabog ko ang lito na nilang isip, baka sakaling tumining at umayos pa. pero higit sa lahat, malalim at mataimtim na panalangin para sa lahing Pilipino ang atin pang kailangan!
August 6th, 2009 at 07:43 PM
i think this time ang mga bata talaga ngayon ay ganyan na.. it’s so sad to hear this but i know that their trap in their minds already. talagang maliit na ang mga tinging nila satin mga filipinos! i hope that all children here in the philippines will be taught something like that in a way that they will understand how important and special it is to be a filipino. we’ll have no hope if 6 year old children thinks that way already… the next generation will be more worst. keep moving Brown Raisie Movement.
September 5th, 2009 at 12:59 PM
Kailangan po talaga na habang lumalaki ang bata, imulat na nila ang kagandahan ng loob ng Pilipino. Kahit hindi gaano maganda ang pang labas na itsura.
September 5th, 2009 at 01:00 PM
ang ibig- sabihin ko po pala ay imulat ang mata, paumanhin po.
September 11th, 2009 at 10:13 PM
naantig ang puso ko dahil marami akong napulot na magandang aral…salamat sa Brown Raise…
October 29th, 2009 at 07:26 PM
grabe………..talagang nagpapasalamat ako sa Bryorg, BrownRaise and Shire…
♥kayumanggi-MJ♥
KAYUMANGGI!!!!
November 3rd, 2009 at 02:19 PM
Grabe at malala na ang mga nangyayari saatin!Nasaktan din ang aking damdamin nung nabasa ko ito. Kahit ang mga bata ay nagkakaroon ng lakas ng loob para laitin ang ating lahi. Dapat tayo ay maging masaya at kontento kung sino at ano tayo dahil binigay saatiin ito ng Diyos. buti na lang may brownraise.org. Sana magkaroon ng mga bagong buhay ang mga taong naguguluhan. Sana matutunan natin,na tayong mga Pilipino ay mga gwapo at magaganda. Hindi dapat tayo nagpapatalo sa mga banyaga. Ang kulay na balat na kayumanggi ay may mataas na rango. Hindi lamang alam ng ibang mga pilipino na ang kulay na kayumanggi ay mataas. Tayo ay dapat maging taas noo. Dapat natin ipagmalaki ang ating lahi. Iangat ang lahing kayumanggi! Mabuhay ang Pilipinas!
November 3rd, 2009 at 02:25 PM
Dumaloy sana sa bawat isang pilipino ang dugong dumaloy sa ating mga naging bayani.
November 10th, 2009 at 06:55 AM
huuuuh!!!!! ano!!! 1st time lang ako nakakita o nakarinig ng ganito… pero alam ko kung sa meridian yan mag aral mawawala ang kalokohan ng isip nya…..ako ay isang grade 6 ng meridian at dati ako ay isip basura din, akala ko na super panggit ang pilipinas ayun pala number1 … hindi lang kasi sa corruption but kasi sa klang g love 4 our country…….. kc lang sa meridian ako ay christian na at mahal ko na din ang bayan kong pilipinas….. at papromise ko na di ko iiwanin.
February 14th, 2010 at 12:22 AM
am an indian grow up here in philippine, geline youre right you must correct the mistake from verry beginning it also happen to us because children easily adpoted the culuture from there enviroment.