Magpa-alipin o Manilbihan
AlitaptapIsa akong manggagawa sa isang malaking kumpanya ng isang telebisyon network dyaan sa Maynila... habang ang aking asawa ay nagtra-trabaho naman sa isang malaking accounting firm sa Makati. masasabi kong ekselente naman kami sa pareho naming trabaho sa kadahilanang madalas namang natutuwa ang aming mga kliyente at mga pinagsisilbihan.
| Nung nalaman namin ang tungkol sa brownraise, sa bawat attend naming ay unti-unting kinukurot ang ang aming mga puso sa mga nangyayari sa ating bayan… unti-unting tumutulo ang mga luha sa mga dinaranas ng ating bayan. sa pagkakataon ito… hindi na namin ito pwedeng ipag-walang bahala.
Ngunit sadyang mahirap mamuhay sa Pilipinas…sa katunayan… nag asam din kaming umalis ng bansa at manirahan sa Canada. nag padala kami ng aplikasyon sa isa naming kamag anak para maging isang Provincial nominee sa isang probinsya sa Canada at tatagal lamang ito ng isang taong mahigit ay maayos na din ito. |
|
| Nagdesisyon kaming mag asawa na manirahan sa Palawan sa kadahilanang ang aming unang pag-ibig ay ang pagpunta sa mga iba’t ibang dagat ng bansa. Sadyang napakaganda ng ating bayan… lalo na ang ating mga baybayin. Dahil dito… naisip naming ipag patuloy ang aming naisin na mahikayat ang ating mga kababayan na pumasyal sa mga baybayin ng ating bansa… tinawag naming itong “Sandtrails” dahil napansin namin na kapag ikaw ay pumasyal sa isang baybayin… hindi maaaring ‘di ka makakuha, sadya man o hindi, ng buhangin… mada-dala mo ito san ka man pumunta…. gaya ng ganda ng ating bansa… madadala mo ito saan ka man tutungo.
Kamakailan lamang umuwi ang aming kamag-anak galing sa Canada. ang balita sa amin ay nakalimutan lang namin ipadala ang Birth certificate ng aking byanan na lalake para mai-ugnay kami sa kanya at maayos na ang amin papel… at nag bigay sya ng isang taon ulit at maayos na… ngunit may ibinigay siyang alternatibo… |
|
| May isa syang matalik na kaibigan na may ari ng isang kilalang fastfood sa canada at kukuha sila ng 100 na worker dito sa Pilipinas. ang kailangan lamang ay magkaroon ng experience ng 3 months sa katulad na fastfood dito sa Pilipinas at makaka alis na kami sa loob ng 6 na buwan. malaki ang sweldo… at magiging citizen pa kami.
Sa totoo lang… pinangarap ko ito. Na maka alis sa Pilipinas para kumita ng malaki. Napag isip-isip namin mag asawa na pwede nman naming gawin ito… kumita ng malaki at makapag ipon at tumulong sa mga gawaiin sa bansa. PWEDE NAMAN… Pero 2 linggo na lang at aalis na kami patungong Palawan…pangarap namin ito… isang matamis na pangarap. |
|
| Ngunit ang dating matamis ay nawalan na nang lasa sa amin. kami ba ay tutungo sa Canada para kumita nang malaki? PWEDE NAMAN…
Pero kami’y magiging isang alipin muli… Ang dating matamis na pangarap ay nawalan na nang lasa. Kami ba’y magiging trabahador sa mcdonalds o maninilbihan sa turismo sa ating bansa? Maging alipin o manilbihan? Pera o bansa? Canada o Pilipinas? |
|
| Sa panahon natin ngayon na ang lahat halos ng bansa sa asya ay ekselente na… hindi na sapat maging ekselente din tayo para makahabol sa mga bansa tulad ng Malaysia o Singapore. Kailangan na po ng buhay… buhay na po ang sagot. Buhay na ilalaan para sa ikabubuti ng bayan.
Hindi naman masama mag-ibang bansa kung doon mo maitataas ang bansa mo at ang gagawin mo doon ay ang talagang panawagan mo at para sa iyo. Ngunit sa aming pamilya… hindi iyon para sa amin. Sa panahong ito… ang aming anak ay nag-aaral na dito sa Palawan… unti-unti na naming itinatayo ang isang tour agency para sa Palawan.Gaya pa din ng dati… mahirap pa din ang buhay dito sa Pilipinas… pero mas nais na naming manilbihan kaysa maging alipin. |
|
| From: Rey, aka, Juan di Tamad , Founder – Sandtrails, Palawan, Philippines | |
June 29th, 2009 at 09:58 PM
Nakakaantig po ng puso ang naging disisyon ninyo. Tunay na nga na minsan may mga bagay na hindi maipaliwanag. Marami pong salamat sapagkat nakadagdag po kayo ng apo’y sa puso ko bilang kabataang lumalaban sa bansa natin. Lalo lamang po ako nagkaroon ng puso na lumalaban dahil nakita ko po ang pag-asa sa buhay na pinili niyo. Higit pa pong panalo ang buhay niyo sa mga taong kilala ko pong mayaman at halos kaya ng pakainin ang buong mundo ngunit na ngungulila kapag sila’y nag iisa na lamang, na kaylan man hindi naging masaya dahil sa paghahangad ng bagay na wala siya’t walang ka kuntetohan sa pinagkaloob sa kanya. Salamat po at meron pa kaming mga ehemplong katulad niyo,kayo po ang kaylangan ng bansa; magulang na matapang at pamilya na magiging kontribusyon sa pag-angat ng bansa.Grabe po.
Isa kayong inspirasyon. Tunay na Kayumanggi.
June 29th, 2009 at 10:40 PM
Grabe po, that’s the sweetest choice a Filipino can make for our country today. Ang buhay po talaga natin ay para sa mga layuning pambansa. Nakakatuwa po ang istorya niyo! Nawa ay magkaroon pa ng mga Pilipinong pipili sa tamang landasin…Mabuhay po kayo!
June 30th, 2009 at 04:25 AM
Dakila ka kaibigan!
Sa naging desisyon mo na manilbihan sa sariling bansa ay nakuha mo ang aking galang. GALANG na hindi pangkalahatan kundi may mas mataas na antas. Katulad ng buhay na inialay ng mga bayani, naipamalas mo sa akin ang pagkamatay sa sariling pagnanais at pagnanasa sa kayamanang mauubos rin. Minatamis mo na mag-impok ng yamang maaaring pakinabangan ng mga Pilipino sa hinaharap upag mapabuti ang bansa. MABUHAY KA KAPATID!
Tularan ka nawa ng iba.
June 30th, 2009 at 01:47 PM
madami-dami rin ang gustong manilbihan nalang sa ibang bansa pero sana naman di nila kalimutan ang kanilang pinagmulan.
nakakalungkot na mahirap magdesisyon.
napakaganda ng iyong ibinahagi at marami ako natutunan muli sa iyong ibinahagi.
para sa akin, mas maganda kung dito na lang sa bansa magtrabaho para matulungan natin ang bansa natin.
bilib po ako sa inyo ng asawa mo po kasi nasasabi nyo rin ang katotohanan ukol sa mga pangyayari sa bansa natin ngayon.
GO BROWN RAISE!!
BRYorg todo!!
June 30th, 2009 at 03:10 PM
Dear Rey,
Ang ganda ng iyong sinabi. Excellence is not even the issue. Buhay na ang sagot sa Pilipinas. Para kasing wala sa ating vocabulary ang “sacrifice” para sa bigger picture. Nung isang araw ay nagturo ako sa isang grupo ng mga estudayante at pinanunod namin ang Hero film ni Jet Li. Sabi ko ay type na type ko ang mga pelikulang patay yung bida. Nagtawanan yung mga estudyante. Grabe, ang babaw na talaga nating mga Pilipino. We are incapable of understanding deep things. Kelan pa naging katawa-tawa ang pagsasakripisyo para sa bansa.But your story is a breath of fresh air and truly an example for the rest of us. May you discover for all of us the beauty of the Philippines.. We are 100% sure you will win. Brown Raise supports your dream!!!
Yours,
Lipad-Lawin
June 30th, 2009 at 04:56 PM
Grabe! saludo po ako sa inyo! Salamat at mayroon pa ring mga Pilipino na pinipili ang bansa kaysa pera. May kaibigan po kasi ko na sa ibang bansa na nakatira…nalulungkot ako dahil hindi nga daw nya namimiss ang Pilipinas. Kahit anong sabihin ko, kahit anong panananggol sa ating bansa, tila parang sarado na ang isip. Basta mas maganda doon, kaya duon sila. nakakaiyak talaga! Pero hindi naman sil masisisi, ang panget kasi ng pagtrato dito sa mga empleyado. Sabi pa nya, ako rin daw pumunta duon. sabi ko, “ayoko nga! aangat din ang Pilipinas, you just wait and see after 30 years or so.”
Lalaban ba tayo? lalaban ba tayo para sa kanila?
Let’s go BROWNRAISE!!!! BR BR YOUTH ORG!
June 30th, 2009 at 11:49 PM
kakatouch nmn po story nyo mag asawa.. saludo po ako sa inyo!!! nawa maraming pang mga filipino profissional na makabasa nitong story po nyo. para po mabago rin ang mga pananaw nila sa bansa natin.. talaga pong mayamang ang bansa natin!!! kung ikukumpara natin sa ibang bansa. tulad ng saudi arabia, wala nmn silang mga bukid or mga taniman ng mga palay, marami tayo nyan db? sa korea nmn may mga bukid sila pero madalang lang nmn mga puno nila na may bunga. dito satin marami tayo nyan… may langis nmn ang pinas, bakal, ginto at esp. sa agrikultura db!!! mga baybayin natin ang gaganda talaga.. lalo na mga bundok natin.. salamat po sa share nyo sir!!! isa po kayong halimbawa samin!!! mabuhay po kayo!!! brownraise para sa mga filipino!!!
July 1st, 2009 at 09:33 AM
Talagang napakaganda…. ako at ang akin mga kaibigan ay nangarap din na mangibang bansa at doon na lang itutuloy ang aming mga pangarap after sa aming Graduation but after this story at iba pang mga info I really felt the burden on raising this country in my little on ways. Talaga namang hindi masama ang mangibang bansa pero ibang usapan na ang lahat or majority ng mga Pilipino gusto na ring pumuta doon… This movement really transformed me from what I am before cold hearted for my own people but now I have found my path to follow… Halong sakit at kasiyahan ang aking nadarama ngayon… sakit na mamulat ang katutuhanan at tuwa na malaman na hindi pa huli ang lahat para sa atin… Even though hindi na ako makaka-abot sa panahon na buhay na sa puso sa bawat Pilipino ang pagmamahal sa bansa Im so blessed right now to be a part of the transformation this movement has made… thank you…
July 1st, 2009 at 11:32 AM
hindi ko maiwasang pumatak ang luha ko matapos kong basahin ito. kelan lamang ay nakakwentuhan ko ang isa kong kaibigan, ang sabi niya sa akin ay gusto niya mangibang bansa sa kahit anong paraan dahil ang sabi niya ay walang ng kinabukasan sa PILIPINAS, ang sabi ko sa kanya meron, at isa ka sa mga pwedeng maging pagasa, pero ang sabi niya maspipiliin niya ang mangibang bansa. tinanong ko siya kahit na 6,000 lang ang sweldo aalis ka parin? ang sabi niya oo, basta makaalis lang ng bansa. ang sabi ko sa kanya kikitain mo naman dito un ah. ang sabi niya kahit na, iba parin pag sa ibang bansa. then tinanong ko uli siya kahit maging alipin ka? ang sagot niya ng walang pagdadalawang isip. oo basta makaalis ng bansa.tumalikod ako dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko at naiiyak na ako.
paguwi ko ng bahay naguusap ang buong pamilya ko about sa canada. pinapapunta nila dun ang asawa ng kuya ko na may magandang buhay dito sa Pilipinas at nagtatrabaho siya sa makati at maganda naman ang sweldo. ang trabaho na pinapakuha nila sa ate ko ay katulong sa canada. sumungit ako sa kanila, ang sabi ko hindi ba kayo nanunuod ng balita bumabagsak na ang america, canada at mga taga west. ang sabi nila ang pilipinas matagal ng bagsak, then sabi ko ngayon na ang panahon ng east. ang sabi nila hindi kasama ang pilipinas duon. wala akong nagawa kung hindi manahimik nalamang dahil hangang ngayon ay silaw parin ang tao sa ibang bansa.
July 2nd, 2009 at 01:16 PM
nakakaantig ng kalooban ang lahat ng inyong naturan.alam ko…sapagkat ang aking anak ay isa nang guro sa isang International School sa Vietnam…Noong una… ako ay nagtataka kung bakit kapag kaming mga matatanda ang kanyang ka-chat ay bahagyang lungkot lamang ang mababakas mo sa kanyang mga mata… ngunit kapag ang kanyang mga batang pinsan na ang kanyang makita pa lamang sa web cam… ay halos di na mapigil ang pagtulo ng kanyang luha….
Minsan nasabi nya… “mama… hindi ko mapigil ang pagtulo ng aking luha kapag nakikita ko ang aking mga pinsang mga maliliit pa… kasi kapag nakikita ko ang mga banyagang aking natuturuan… ang aking mga pinsan ang unang una kong naalala…na sana… magkaroon din sila ng pagkakataong maranasan na sila ay maturuan ko sa sistema ng isang International School.”
Masakit man… pumalaot ang aking anak tungo sa ibang bansa… ngunit hindi ito pang habang buhay na desisyon… bahagi ito ng aming mga pangarap na isang araw… makapagpatayo kami ng paaralan na hahabi ng mga pangarap ng mga batang pilipino.
Noong ako ay nagbakasyon sa Vietnam ng 3 buwan, nakita ko ang kasipagan ng mga Vietnamese… at nakita ko kung gaano nila minahal ang kanilang lahi.Hirap na hirap ako dahil sa halos walang makaintindi ng Ingles doon.At nagulat ako na gamit gamit pa din nila ang kanilang national costume KAHIT SA MGA BANK TELLERS habang tayo dito ay halos pinagtatawanan ang pagsusuot natin ng ating pambansang kasuotan sa mga opisina… na para bagang may KAHINDIK HINDIK AT KATAKA-TAKANG BAGAY DITO?
Ang kuktura ng vietnam ay isa sa mga napakayaman… at DI NILA ITO NALIMUTAN…
Sa ngayon, sa Vietnam… o Canada man… isa lang ang napatunayan ko… kahit saan man ako mapunta… TUTULO AT TUTULO ANG AKING LUHA KAPAG NAISIP KO KUNG GAANO KAGANDA ANG PILIPINAS SA IBANG BANSA… AT GAANO KALAKI ANG NASASAYANG NG MGA PILIPINO DAHIL SA KAKULANGAN SA PAGMAMAHAL AT PAGPAAPHALAGA SA KANYANG LAHI…
Sa isang Buwan, tutulak na ng macau ang aking anak upang magturo at MAG-ARAL kung ano meron sila doon… dito… magsisimula kami ng isang bagong henerasyon kung saan tatayo ang bandila ng bansang pinaggalingan ng isang JOSE RIZAL….sa tulomng ng DIYOS…
mabuhay po ang Brown Raise..Patuloy kong ipadadala ang inyong mga piling sulatin sa aking anak
July 3rd, 2009 at 08:02 PM
ganda, i just remember what my dad always told us.. mahalin nyo ang Pilipinas, KAYO ang may diploma, hindi na kailangan pang madagdagan ng mga panibagong alipin sa ibang bansa..
July 4th, 2009 at 06:11 PM
Saludo po ako sa inyo…
…talaga naman pong nawalan na ang tamis na pabgarap…
..ako po ay isang estudyante na nangangarap noon na balang araw ako ay makapag trabaho ng ibang bansa gaya na lamang sa Amerika na halos pinag-uusapan at hinahangaan sa eskwelahan namin maging pa man sa loob ng room…
…without knowing na pabagsak na pala ito ngayon…
…nang dumating ang brownraise dito sa amin, ay sadyang namulat ang mga mata ko sa mga katotohanan… mga katotohanang masakit sa loob.. na halos pinagpupunit-punit ang puso ko sa ating bansa at sa ating mga kababayan na patuloy na nagpapaalipin sa ibang bansa…
…mga taong na parating bumubulong sa aking mga (ears)
BAKIT? BAKIT? BAKIT?
pero ngayon alam ko na kung bakit…
dahil tayo mismo hindi updated kaya umaasa lang tayo sa wala gaya na lamang ng pagpupunta sa ibang bansa para magpapaalipin na naman at mag asawa ng puti…yan ang sakit natin… wala tayong alam kung ano ang nasa puti…kaya puro hanga ng hanga tayo sa kanila ni hindi nga natin alam na pabagsak na pala ang Amerika… hindi talaga tayo updated…
…we don’t love our own kind…
… we always keep on praising those whites in order for us to earn a lot of money…
kaya ang dating matamis ay nawalan na ng lasa… sana po’y mabuka muli ang mga puso’t isipan ng mga PILIPINO!
!RAISE THE BROWN RACE!
July 6th, 2009 at 11:19 AM
Wow.. hanga po ako sa inyo, dahil po sinakripisyo nyo po ang ibang bagay para sa kapakanan na bansang ito…
I’m proud naging kababayan ko po kayo..
Gusto ko rin pong maging katulad ninyo.. nais ko rin pong manilbihan para sa aking bansa..
salamat po sa kwento
July 6th, 2009 at 11:59 AM
ty
July 8th, 2009 at 05:49 PM
Saludo po ako sa desisyon niyong manatili dito. Ipinagpalit niyo ang itinuturing na magandang buhay ng inyong kamag-anak para sa isang pangarap na ngayon ay totoo na
Sa ngayon po parang nagiging masama na sa isip na kung aalis man ako sa bansa at ang matutulungan nito ay ang bansang aking pupuntahan ay wag na lang.
Hindi ko po talaga maisip noon kung papaano ako maninilbihan sa sarili kong bansa.
Ang ganda po talaga ng story ninyo sana po ay marami pang pilipino ang maiimpluensyahan nito.
July 8th, 2009 at 07:57 PM
This story made my day!!!
Maraming salamat sa pagbabahagi mo ng iyong kuwento G. Rey. Kahanga-hanga ang iyong ginawang desisyon. Nakakataba ng puso na merong katulad mo na handang manilbihan para sa bansa…
Hindi ka nag-iisa!
July 19th, 2009 at 09:54 PM
ang ating bansa ay punong puno ng mga likas na yaman… may ibubuga tayo sa tourismo… nakakalungkot nga lang at ibang lahi ang nkikinabang, nakakalungkot na binibinta ang ating mga isla.. samantalang sa ibang bansa nagpapakahirap gumawa ng isla..
nakakataba ng puso na may mga katulad niyo na nakakakita ng potential sa ating bansa at pinipiling paunlarin ang ito..
tayong mga pilipino, walang ibang makakatulong sa atin.. tayo tayo lang din. kaya tama yan na dapat pagsilbihan natin ito!
=)
August 2nd, 2009 at 12:19 AM
magaganda ang mga vidio na kakamis sa pilipinas
August 7th, 2009 at 08:32 PM
Saludo ako sa inyo Sir.Kung meron ka naman stable job dyan sa atin, hindi mo na kailangan mangibang bansa. Sa katunayan, I’m currently working here in Canada as a service crew in McDonalds.I would not be here kung meron lng sana akong nakitang stable job sa atin after na magsara ang Goodyear kung saan ako nagwork before.Sinuyod ko na rin ang Ortigas to apply in a Call Center Company but no one hires me, that’s why I decided to apply abroad. God is so good to me, I was hired to work in U.S. for a year and a half and decided to cross country in Canada afterwards. To give some insight in what kind of jobs you may have here in Mcdonalds. First, are you willing to work with a bunch of 14-17 years old and some of them will be your immediate supervisor. It really hard to work with these kids plus the fact that they don’t respect elders like we Filipino do.But working with mature canadians, well I may say it’s ok. One thing that makes my heart overwhelm, is when I ask my employer the restaurant owner himself. ” Why you choose us ( Filipino ), what are your expectation in us? He said, ” You guys will teach canadians how to work ” . Whoooohhhh!!! that will be a great challenge for us. And so far everyone of us here are doing our job consistently.
God bless!!!
Work abroad ” INSHAALAH ” meaning in God’s will……
September 1st, 2009 at 04:03 PM
am so touch hindi lang sa article nato kung di pati narin sa mga comment ng mga kababayan ko.. there are still people like me who would want to help the Phils. even sa maliit na bagay lng.
kahit ngayon ako ay wala sa pilipinas.. pangarap kung umuwi na at magawa ko na talaga ang aking gustong gawin. i always believe that there is always something I can do for my country even in my own little way.
saludo ako sa inyo dahil ako ngayon ay ngpapa-alipin at hindi naninilbihan..
September 14th, 2009 at 10:30 PM
saludo po ako sa inyong katapatan sa ating bayan,at tanging ang ating Diyos ang nakakaalam sa inyong adhikain at layunin.Tunay, na mahirap ng maghanap sa ating bayan ang may dalisay na pagmamahal sa kanyang inang bayan.Sana po, ipagpatuloy nyo ang inyong nasimulan…sa Kabilang banda… ako po’y naninilbihan sa ibang bansa bilang ofw subalit hindi po nagpapaalipin bagkus taas noong nakkipagkompetensya sa mga puti.Hinahangaan at kinikilala ang husay at dunong ng mga pinoy dito.mabuhay!!! ang kayumangging kulay…
September 20th, 2009 at 07:09 PM
ang pagpili niya sa MANILBIHAN kaysa magpaalipin ay talagang magandang halimbawa para sa amin mga PILIPINONG KABATAAN. sapagkat sa aming henerasyon ngayon talagang pangarap ng bawat isa na kapag makapagtapos ng pag-aaral ay lalabas na ng bansa. hindi man gaano magaan ang buhay dito sa PILIPINAS, pero kung ang lahat ay babalik sa PUSO NG PAGSAMBA SA ATING DIYOS ay wala ng makakapigil pa sa pag angat ng Pilipinas. hanggang sa ngayon ipinagdarasal ko na ang bawat pinoy ay matuto ng mahalin ang pagkakabilang sa LAHING KAYUMANGGI. ipinagpupugay ko ang the brown raise movement.
-franz m.
October 30th, 2009 at 11:21 AM
saludo po ako sa naging desisyon nyo. mahirap po isakapalaran and kinabukasan ng isang pamilya, pero huwag po kayo mag-alala, may Panginoon po tayong hindi nang-iiwan kahit kailan. be strong and stand firm po! dapat at kailangan po tayong manilbihan sa sariling bayan, at di paalipin sa mga dayuhan, iyon naman po talga ang ipinaglaban ng ating mga bayani, hindi po ba? Mabuhay po ang mgha Pilipinong may puso sa ating Inang -bayan!
November 1st, 2009 at 02:50 PM
grabe po ito…isa po itong nakakatuwang mensahe. mabuting pinili mo na mannilbi at hindi magpa-alipin. sana mas marami pa pong Pilipino ang makatuklas at makapansin ng mga ganitong bagay. ok lang kahit ika’y mahirapan..pero alam mo namang ginagawa mo ito para sa ikakabuti ng ating lahi..salamat po.maraming salamat po.
December 8th, 2009 at 05:41 PM
Gustong kong umiyak ng umiyak ng mabasa ko ang storya mo. Dati kasi pangarap ko ring mangibang-bayan para nga sa pera at experience na rin. Pero nag-iba na ang pananaw ko ngayon matapos kong mapanood ang Brown Raise dito sa Cebu. Mas gusto ko ng manatili at ipagpatuloy ang laban dito sa sarili kong bayan. Napagtanto kong kailangan ako ng aking bayan at na may pag-asa pang natitira. Alam ko na marami ang hindi nakakaintindi at makakaintindi. Pero mas malakas ang sigaw ang pagkaPilipino ko. Salamat sa inspirasyon. Ngayon alam ko nang hindi ako nag-iisa.