Tinatanong ko sa aking sarili kung bakit ang bansang katulad ng UAE na nasa gitnang silangan ay siya pa ang nangarap na magtaguyod ng isang Green University. Di ba dapat tayo yun? Ang bawat isla ng ating bansa ay punung-puno ng mga likas na halaman, mga hayop at mga insekto na kung tawagin ay “Biodiversity” . Dito tayo nakaka lamang sa ibang mga bansa.
Ang UAE na kinalalagyan ng Green University ay may lawak ng humigit kumulang ng 77,700 square kilometers, walang gaanong halaman o mga punong tumutubo. Ito ay isang malaking disyerto na bahagi ng Arabian peninsula may average temperature mula 20 to 25° C, at ang pinakamainit ay umaabot mula 45 to 49° C at bihirang umulan.

Dubai, United Arab Emirates
Isang bansang nagmula sa agrikultura, pangingisda at sa kasalukuyan ay naging kilalala sa pangangalakal ng langis. Ngunit may nakikita ang mga namumuno — alam nilang darating ang panahon na mauubos ang kanilang likas na yaman kaya naghahanap sila ng alternatibo. Ito ang paglikha ng makabagong bantayog na aakit sa magagaling at dalubhasa sa mundo sa larangan ng agham at teknolohiya.


The Masdar Institute ©Foster + Partners
Samantala ang Pilipinas ay may 7,107 islands na may lawak ng 300,000 square kilometers na may magandang klima at lupa na angkop para sa mga pananim at mga hayop na hindi pa natutuklasan at lubos na naaaral.
Ang BIODIVERSITY ng Pilipinas
Si Lawrence.R. Heaney ay isang PhD graduate ng Kansas University at isang scientist at Smithsonian volunteer researcher ang nagsabi tungkol sa ating bansa
“The natural landscape of the Philippine is one with exceptional beauty, On thousands of islands beautiful golden, white, and black beaches provide a narrow fringe between azure tropical waters and spectacular forest with trees that may reach 50 meters more height. Fertile green coastal plains give rise in many places to sharply-rising, jagged mountains that reaches to 2000 or 3,000 meters in elevation, all choked with verdant forest. In lowlands, the interior of the natural forest is much like a cathedral, with huge trees reaching up from ground like pillars, their canopy spreading out to form a continuous canopy where most species live; little sunlight reaches the ground, so it is spacious and open. The mountains air is cool and moist, with fog wreathing the small, gnarled trees, and moss grows on almost every surface. Connecting all of these places is water, condensing as fog or falling as rain, flowing as streams or moving silently as ground-water, moving eventually to the sea.”
Ayon sa 1.5+ Million Global estimate of described species, ang Philippine Biodiversity ay may 53,328+ describe species kabilang na dito ang 3,308 Vertebrates (mammals, birds, reptiles, amphibians and fishes), 34,940 Invertebrates (insects, molluscs, crustaceans, various phyla and antropods). 15,310 Plants and Lichens (mosses, ferns and allies, gymnosperms, dicotyledons, monocotyledons angiosperms, algae, fungi and protista). Sa 9,916 recognized bird species ng boung mundo meron tayong 577 species na isa sa pinakamataas sa boung mundo. Taon-taon ay may mga bagong tuklas na mga species sa mundo at ayon sa mga researchers ang ating diversity ay patuloy na dadami habang ito ay sinasaliksik.


An aerial view of farms in the Philippines.
Ang aming munting mayamang bukirin
Sa aming munting bukirin maliban sa mga ibon at mga maliit na insekto ay makikita mo ang iba’t ibang uri ng mga puno, halaman at mga damo na may kanya kanyang kagamitan. Isa na rito ang Buko o Niyog na puno na may bitamina, may mataas na uri ng electrolyte na ginagamit na pang blood transfusion nung panahong ng giyera sa pacifico at sa kasalukuyang kilala sa VCO (virgin coconut oil) dahil sa antimicrobial, antifungal, and antibacterial capabilities, nakakatulong sa pag iwas sa mga sakit na dulot ng heart disease, cancer, diabetes, at ibang pang uri infectious diseases katulad ng HIV/AIDS.”

Coconut trees.
May mga prutas din naman gaya ng pinya—kilala sa pag control ng goiter, Dyspepsia, Bronchitis, High Blood pressure, Arthritis at constipation. May Manga din na may sangkap ng phenolic compound at antioxidant na panglaban sa cancer, mayaman din sa vitamin katulad ng A(beta-carotene), E and Selenium upang maiwasan ang heart disease. May guyabano para chemotheraphy. Ang saging na may mataas na potassium ay maigi para sa puso, pang control ng blood pressure at utak at maigi rin para sa pagpigil ng asthma at pag iwas sa childhood leukemia. Ang Durian bagaman ay inaayawan ng karamihan ay mainam sa kalusugan upang maiwasan ang cardiovascular and parkinson’s disease, obsessive compulsive disorder, premenstrual syndrome. Sa bandang harap at likuran ay may Cacao na nagbibigay ng pinakamataas bilang ng ORACs (Oxygen Radical Absorbancy Capacity) count or anti-oxidant level kung ihahambing sa Goji Berries ng China. Ang Cacao ay may 2 times more anti oxidant sa red wine at 3 times sa green tea). Ang antioxidant ay tumutulong laban sa pag sugpo sa cancer na dulot ng stress ng katawan. Nakakatulong din ito sa pag iwas laban sa sakit sa puso dahil sa mataas na flavonoid content at pampababa ng high blood pressure, anti-inflammation, anti-platelet function, higher HDL, decreased LDL oxidation”. Ang Bayabas na puno ng vitamin C ay gamot sa high blood pressure, poor circulation, diabetes at asthma. May mga herbs na katulad ng Lemon Grass (Cymbopogon citratus), na kilala sa mga pagamutan ng bansang Israel ay gamot laban sa cancer at hypertension, detoxifier ng liver, pancreas, kidney, bladder at digestive tract. Ang Sili ay pang laban sa inflammation, congestion, prostate and stomach cancer. Ang Luya naman, ay tumutulong sa digestion, pampababa ng high blood pressure, nausea and morning sickness and LDL Cholesterol. Ang Bawang ay panlaban sa stroke at heart disease. Ang Malunggay ay isang miracle tree , na panlaban sa various chronic diseases katulad ng arthritis, cancer, and heart and kidney diseases. May mga damo katulad ng Tawa-tawa na pang gamot ng sore eyes, katarata at panglaban din sa dengue.

Moringa (Malunggay in Filipino)
Sa bawat puno, halaman at mga damo na aking nakikita sa bawat sulok ng aming munting bukirin ay naalala ko ang ating bansa. Saang parte kaya ng 7,107 island sila nagmula. Sa palagay ko kung natural na pagkain at gamot lang ang pag uusapan, dito sa bansa natin halos lahat matatagpuan. Ibang talaga ang yaman natin na di mapapantayan. Bakit ang karamihan ay hindi ito nakikita, hayaan ba na lang natin na ito’y mawawala?
Ang ating magsasaka
Isang malaking palaisipan habang ang karamihan ng ating mga kababayan ay nagpupumilit na mangibang bayan samantala, ay patuloy ang pag dagsa dito ng mga dayuhan. Bakit sila pa ang may nakikita sa pagtuklas at pag-aaral sa ating mga likas na yaman.
Ang ating mga magsasaka ay nawawalan na ng pag-asa at napapagod sa pag-bubungkal ng ating mga bukirin. Wala nang ibang hangarin kundi makapaghanap buhay sa ibang bansa mapa-kanluran o gitnang silangan. Kitang kita ito sa ating mga pampublikong pamahalaan katulad ng DFA, NBI NSO. Ang mga dairy farmers, agriculturists o mga researchers or scientists natin ay nakapila para makakuha ng visa palabas ng bansa.

A Filipino Farmer riding a bike.
Sadya bang tayo’y nagmamadali bakit mas gugustuhin pa nating mag paalipin sa mga banyaga kaysa bungkalin ang ating mga lupain. Ang ating mga luntiang bukirin, gubat at sakahan ay wala kang maidadahilan, walang taong magugutom, basta magsipag lang gumising ng maaga, harapin ang araw at mag tanim. Ang pagsasaka ay isang mataas na uri na profession. Tingan mo na lang ang bansang China ito ay sagisag ng kabayanihan at makikita natin sa kanilang watawat ang apat na tala na sumisimbolo sa mga Manggawa(Workers), Magsasaka (Farmers),Intellectuals at Businessmen. Hindi katulad sa ating bansa, mas ginugusto pa ang maging maid na kumikita ng dollars kaysa mangbungkal ng lupa
Programa ng ating pamahalaan
Subalit sa naglalakihang mga billboard ng ating daan o mga lansangan ay makikita natin ang mga programa ng ating pamahalaan, mga training skills program para ang mga walang trabaho ay mangibang bayan. Bakit di natin pagsikapan at pag aralan ang mga siyensa ng agrikutura, medisina pangkain at pang kalusugan.

The harvest.
Halatang halata na ang pagbagsak ng kanluran at isa nitong palatandaan ang pagbaha ng mga dayuhan na gustong manirahan sa Pilipinas. Di ba tayo natatakot na sa pagbabalik natin ay wala na tayong matitirhan, dahil karamihan ng ating mga lupa ay binubungkal na ng mga dayuhan?
*Si Mag-uuma ay isa sa mga kasapi ng Brown Raise Movement. Siya ay isang magsasakang naninirahan sa dako ng Mindanao.
August 27th, 2009 at 08:02 AM
SUPER ANG PINAS!!!!!
Salamat kapatid sa sinulat mo lalo lang akong nabibigyan ng lakas ng loob na lalong hanapin ang ganda ng Pilipinas sa ibang bansa.Sa tuwing nakikita ko ang ginawa, ginagawa at gagawin ng mga bansang nagpuntahan ko at lalo kong nakikita sa sarili kong mata na ang Pilipinas ang dapat asamin ng bawat pilipino. Naaalala ko noong bata pa ako na ganon na ganon ang kwento ng lugar ng lola ko sa antipolo- ngayon ay antipolo hills na isang subdivision- may cacao, guyabano, palay, malunggay, mangga, buko, bayabas, etc..halos lahat ng sinabi mo kapatid nandoon sa maliit na lugar na yon less than 2 hectare.
Ngayon nandito ako sa University of Adelaide Australia, at magtratrabaho sa isa nilang planta at nakikita ko ang pamamaraan nila ng pagaaral sa kanilang agrikultura,kung paano pagsamahin ang makinarya at sensya, at pagsasaliksik ng mga Phd sa agrikultura para maging mayabong pa ang kanilang ani sa kanilang mga pananim. Hindi sila makatanim ng palay dito kasi nga ‘dry’ ang kanilang hangin dito kahit malamig, di katulad dyan na mamoist kaya ayos sa mga pananim.
Lagi kong tinatanong ito sa sarili ko ” bakit pagnandito ako sa ibang bansa lalo ko nakikita ang ganda at kabighabighani ng bansang Pilipinas?”.
At sa ngayon patuloy pa ring nagtatanong kung ano ang ginagawa ko dito sa sentro ng pagaaral ng agrikultura sa australia, kasi ito ang isa sa mga unang paaralan ng australia sa agham ng pagtatanim at pagsasaliksik para sa pananim.
Sa ngayon inaantay ko ang visa ko na para makapagwork ako sa South Australian Research Development Institute. Mkakasama ako sa Aquaculture Department at super ang kanilang mga malalaking tuna ang kanilang sinasaliksik dito at nagsimula akong magtanong kasi sa GenSan, yan ang pugad ng mga tuna sa pilipinas, dyan dumadaan ang ibat ibang klasse ng tuna sa buong mundo, kaya grabe na talaga ang pilipinas, di lang sa lupa, pati sa tubig, kung maiisip lang natin kung gaano tayo biniyayaan ng Lord…
Ang aking lang dalangin eh sana maging bahagi tayong lahat ng ginagawang preparasyon at paghahanda sa pagangat ng Pilipinas para maging bahagi ng Asian Century.
August 27th, 2009 at 10:09 AM
There’s still lots of land we are still to discover and cultivate. We shouldn’t compare our identity, our capabilities, our strengths and weaknesses to our neighboring countries for we have our own inclination. Agriculture is a hard thing to do, for it involves the land,the maputik na land., the sun and our hard work and patience. We, Filipinos tends to think that whatever work dealing with the sun and the land is a low grade. We are accustomed to what we kept on feeding to our minds, that the better work is if we’re in the office, wearing a tie and a coat. For us, it is more “DECENT” than a work involving of what we called “THE LOW GRADE” work and that is farming. But, not all of us can be FARMERS, some of us have to be Architects, Engineers, Doctors, Nurses, Historians, Anthropologists. The real point is, Is it for our country? Is it for the better of our dear Philippines? Are you happy of what you’re doing?. If yes, then go for it!. Somehow, as what i can see, all we need is to really find of who we really are. Like Dubai, they found of who they are that’s why they were able to rise. But everything starts within our selves. If i may quote a phrase from a song of Michael Jackson “IF YOU WANT TO MAKE A CHANGE, THEN START WITH THE MAN IN THE MIRROR”. If we Filipinos want a better change for our Motherland, we start the change within our selves. It’s not easy though but somehow a little step to changes would be a start of a BIG BLAST change. A change that could make a HISTORY. A history we can be proud of.
August 27th, 2009 at 01:59 PM
Hindi ba dapat ang pamahalaan ay ang siyang nag bibigay inspirasyon sa mamamayan? A leader should inspire a nation to dream and to aim high for the Kingdom of God and for the country! Nakakalungkot lang isipin, ayoko man’ manghusga sa mga nakaupo sa pamahalaan, halatang halata naman na pansarili lng nila ang iniisip nila. The Philippines is a GREAT FEUDAL nation. Halatang pamilya o pag hgawak ng pamilya sa isang lalawigan ang concern ng mga a.k.a. public servant natin! For 3 decades only one family controls a city or a province. I’m sure you can anme a lot. May masama ba dito? Ethically siguro meron. But I am speaking of the protection one has in order to rise as an official. Hindi ba sila-sila rin ang may ari ng mga malalawak na lupa sa bawat sulok ng Pilipinas. My heart melts when I heard on TV that a Tubo farmer on Negros is poor as a rat. Hindi natin nirerespeto ang kapwa natin.
Hindi ko naman po nilalahat, pero ayan po ang sistema ng buhay sa Pilipinas eh. A farmer needs to walk from Mindanao to Malacanang just to fight for his land. We do not respect them. Sinasamantala sila!
This election, as a voter, kiala ko na yung mga hindi ko iboboto. Alam mo ‘yung gumagastos ng milyon milyon para lokohin lang ang mga Pilipinonh nagpapaloko. See, sila rin ung nasa mga ratings ngayon.
Ang yaman ng Pilipinas. We just not know how to utilize that wealth because we are after ourselves, our family or our immediate. We stop dreaming. Why because we have nothing to dream of? No because we are already content ed on what we have and that’s a shame on our country.
Did I say we stopped dreaming? Yes we stopped dreaming and have hope for this rich nation. We only dream for ourselves. We dream to go to other country to find our so called green pasture. Walang pinagkaiba ito sa ka-klase ko. She stayed in the US until she was four then she came back last summer for a vacation. Sabi niya sobrang dali raw kumita doon basta masiopag ka. Sabi ko dito rin naman ah, d nga lang ganun kalaki. kinilabutan at maluhaluha ako sa mga huli niyang kataga. Sabi nya’ yung kuya daw niya pag ka graduate daw dito sa Pilipinas gusto nya daw umalis na agad papuntang Amerika para magtrabaho na daw kahit bilang Car Wash boy lang. Sabi ko sa sarili ko sirang-sira talaga ang pagkatao ng mga kabataan ngayon.
By that we could already see the future of this country. We have to do something about it.
We have a fight cause we are seeing something for this country, and we have…
August 27th, 2009 at 04:51 PM
Aasenso din tayo
August 27th, 2009 at 08:47 PM
Karamihan kasi sa ating mga Pilipino, “instant yaman” ang gusto kaya ayaw magbungkal ng lupa. Napakarami ang dapat aralin at matinding pagpapawis ang kinakailangan para umunlad ang isang tao sa pamamagitan ng agrikultura, at ayaw nating pagdaanan ang ganoong klaseng hirap. Hindi natin maintindihan na “lalo tayong magiging mahirap kung ayaw nating mahirapan.”
August 27th, 2009 at 10:15 PM
Tama at ako ay sumasang-ayon sa kuro-kuro at malalim na pangangatwiran at paliwanag. Tunay nga po na ang bansang Pilipinas ay hitik sa likas na yaman. Likas na yaman na patuloy na inaabuso at pinagpapasasaan ng mga gahaman nating kababayan na walang ibang iniisip kundi ang pansariling kapakanan.
Ngayon pong napapanahaon na naman ang pagpili kung sino ang susunod na mamamahala sa bansang Pilipinas, atin pon pakasuriin at isiping mabuti kung ano ang pagkatao ng isang kandidato. Lagi po nating sangguniin ang ating DIOS sa ating mga desisyon at pagpili. Sapagkat sa ganang akin, ito laang ang tanging daan upang mailuklok ng sambayanan, sa pamamagitan ng pagsamo sa ating DIOS, ang isang tunay na pinuno na may malasakit sa tao at kapaligiran.
Atin pong hikayatin din ang ating mga mamumuhunan at mga kapatid sa ibang bansa na namamasukan na bumalik sa ating bansa at magtayo ng negosyo upang umunlad muli ang ating kalakalan. Tangkilikin ang sariling atin at isa puso po ang pagtlong ng walang iniisip na kapalit.
Sulong Pilipino!
Mizpah,
Wild Sober
August 28th, 2009 at 12:41 PM
Nagmula ang lahat ng pagbagsak nang hayaan natin ang ating sarili na tumunganga at manood sa kinang ng kanluran. Nang dayain natin ang ating sarili sa paniniwalang mas magagandang tao sila kaysa atin. Na mas bongga ang naka-Suit n Tie kaysa “Magtanim ay di biro”. Nang hayaan nating mag-pantasya at paliparin ang isip sa pag-aambisyon na pumorma muna bago magpaka-talino. Hanggang sa ang mga ganitong pagpaparaya ay nasundan na ng mga sumunod na saling-lahi.
Kung noon pa man ay naitama na ang kabuktutan, eh di sana ang kanluran ang naglalaway at naiingit sa buhay ng mag Pinoy ngayon. At hindi sana tayo ang nagpapaka-alila sa ibat-ibang bansa.
Kung pinatid na sana ang mga katiwalian at maling katuruan na iniwan ng Espanya, eh di wala nang susundang yapak ang ating mga liderato ngayon na nagpapasasa sa buwis ng mga taong-bayan.
Haaay nako! matagal na ayusan ‘to, … mahabang lakbayin! Pero unti-unti nang nagkaka-hugis ang hinaharap ng ating mahal na bansa, lalu na’t may magandang simula gaya ng mga naka-gigising na BLOGS dito.
May PAG-ASA mga kababayan! Our time will come, if we never stop working on it. Kaya’t ituloy natin ang kilusang ito, alang-alang sa mga susunod na saling-lahi Walang urungan!!! – Patay kung Patay!!!
August 28th, 2009 at 05:12 PM
Grabe sa sobrang ganda nag pag kalarawan mo sir mag-uuma ay gusto kung gawing awit ang mga sinabi mo. Maraming salamat po
August 29th, 2009 at 01:08 PM
“walang pag-asa ang Pilipinas” dahilan ng mga Pilipinong nangingibang bansa… palibhasa, bulag sila sa kagandahan ng ating bansa… masyado silang nasisilaw sa perang kikitain nila sa paninilbihan sa ibang bansa, hindi ba nila naisip na mas masisilaw tayo sa perang makukuha natin kung tayo mismo ang mag-aalaga sa ating likas na yaman…
at hindi lang naman pera ang usapan dito, ang pagmamahal sa sarili nating bansa… magiging maunlad tayo kung tayo mismo ay nagbibigay halaga sa ating bansa… mapalad nga tayo dahil binigyan ng Diyos ang Pilipinas ng likas na yaman… mula mismo sa salita,”LIKAS” na nangangahulugang natural o maaari ring abot kamay lang dahil … hindi naman talaga tayo makakaranas ng gutom dahil nasa bakuran lang natin ang ating makakain…
sana matauhan ang mamamayang Pilipino sa ating kayamanan…
August 29th, 2009 at 10:43 PM
dami nang mabuting bingay nang diyos sa ating bansa. ngunit hindi ito ginagamit nang tama.
August 31st, 2009 at 03:28 PM
…karamihan sa atin ay ipinagmamaliit ang mga magsasaka…
September 1st, 2009 at 12:48 AM
Tayo bilang mga Pilipino ay may sariling mga kalakasan at kahinaan. Ang mga mauunlad na mamamayan ng ibang mga bansa ay mas may pagpapahalaga sa kanilang mga kalakasan at hindi sila pumapayag na manaig ang kanilang mga kahinaan sa pag-mani obra ng buhay nila. Sa ating kalalagayan, hinahayaan nating ang ating mga kahinaan ang magdikta sa ating buhay. Bakit nga ba karamihan sa atin ay nais na pumunta sa ibang bansa? HIndi ba’t dahil nakikita ng karamihan na mahirap mamuhay sa ating bansa at wala na silang nakikitang pag-asa na mabago ang ating kalalagayan? Bakit nga ba marami sa atin ang nagpapakasal sa mga banyaga? Hindi ba dahil sa nakikita nilang may pinansiyal na kapasidad sila o di kaya’y sila ang susi sa “green card” na minimithi ng karamihan sa atin? bakit ang ating mga mag-aaral ay nangongopya ng gawa ng iba? hindi ba’t dahil wala silang kumpiyansa sa kanilang sariling kakayahan na matapos ang mga gawain?
mga kababayan, ang bawat isa sa atin ay isang tuldok kung titignan mula sa kalawakan. hindi na halos mapansin. hindi tayo naaalarma sa ating mga maling gawain dahil ang iniisip natin ay hindi naman ito makaaapekto sa atin o di kaya’y sa buhay ng iba.ang tanong, gaano kaya karaming mga kababayan natin ang nag-iisip ng ganito? hindi ka kaya mabagabag kung malaman mong napakarami ninyo na ganito? Sana, matuto tayong pagyamanin ang ating mga kalakasan. sana, magising tayo sa katotohanan na ang balat ng kendi na itinapon sa tamang lagayan ay malaki ang matutulong sa kalinisan ng ating bansa kung ang bawat isa sa atin ay gagawa nito. sana ay palakasin natin ang ating mga kakayahan at talento upang magamit para sa kapakanan ng ating mga pananagutan sa buhay. sana magbago na ating mga puso upang ang pangalan ng ating Diyos ang maitaas.
September 4th, 2009 at 08:52 PM
I remember a lesson from a Fable…
“Necessity brings invention.”
The problem with us Filipinos is that we are too lax… We think that everything is okay. Thinking not of the bigger and wider picture…
Sana,makita ko rin ito tapos makagawa din ako ng invention. not for other nations but for MY COUNTRY. With the help of God, maiahon natin ang lahing kayumanggi…
Sulong po tayo para sa kaunlaran…
+++ RAise the BROWN RACE +++
September 5th, 2009 at 11:37 AM
Disiplina lang sa sarili ang unang hakbang sa pag-unlad. panu uunlad ang bansa kung simpleng bagay di mo magawa, simpleng batas di mo masunod..
September 7th, 2009 at 10:19 AM
“Di ba tayo natatakot na sa pagbabalik natin ay wala na tayong matitirhan, dahil karamihan ng ating mga lupa ay binubungkal na ng mga dayuhan?”
Talaga pong nakakatakot kasi nakita ko po ito ng personal dito sa may Surigao. Binubungkal ang lupain at bukid at kinakarga sa mga barko…sabi ng mga locals doon dadalhin daw sa ibang bansa ang ating mga lupa na mayaman sa nickel, at iba pang mga minerals. Bawal din ang magsalita tungkol dito kasi pinapatay o ginugulo ang pamilya. Mauubos na yata ang ating mga lupain at bukid. Talagang napakasakit kasi habang tinitingnan ko at kinukunan ng pictures naaalala ko po ang ating pagka alipin magpakailanman alipin pa rin tayo. At ang luha ko ay parang walang silbi kasi wala pa akong magagawa sa ngayon…
September 8th, 2009 at 09:10 PM
sa akin pong pananaw, e nasa kapwa pilipino na rin po ang panunumbalik ng kasiglahan ng kalakalan at hanapbuhahay sa bansang pilipinas, kung magkakaisa lang po tayo na pumili ng mga nararapat na manungkulan sa ating bansa, di lamang po sa national government, pati na rin po sa mga pamahalaang lokal, dapat pakapiliin ng mga mamboboto ang mga nararapat na manungkulan sa ating bansang PILIPINAS, wag po nating hayaan na sa mga kamay na mga MAGNANAKAW AT MGA MAPANG-APING PULITIKO ang kinabukasan ng ating bansa, ng ating pamilya at ng mga susunod pang saling lahi,
ang ating likas na yaman ay dapat na bantayan at ingatan ng bawat mga namumuno sa ating mga bayan bayan at ganon na rin ang bawat mamamayan ay maging mapanuri at mapagbantay sa mga kaganapan sa ating bansa,tayo ang nagluklok sa mga pulitiko sa ating mga lugar at tayo rin ang mag aalis sa kanilang palpak na panunungkulan.
MAHALIN NATIN ANG ATING BANSA, MABUHAY KA PILIPINO!!!TAAS NOO KAHIT KANINO, MAIPAGMAMALAKI MO.
September 10th, 2009 at 09:01 AM
grabe dami ko natututan…. Napakaganda talaga ng PILIPINAS mapalad tau at dito tau nakatira… kung mapangangalagaan lng sana natin ng wasto ang ating Bayan at magpapahalaga sa mga likas yaman di hamak talaga na mas maganda tau sa ibang bansa.. kung may pagkakaisa lng sana at tunay na pagmamahal sa bansa di natin sasapitin ang ganitong kalagayn ngaun.. napakadami pa talaga nating dapat tuklasin na sariling atin … Nabuksan din ung icip ko ng mapanood ko ang makabagong Noli kgv… sana patuloy na mabuksan ang icip ng bawat Pilipino upang magkaroon ang bawat isa ng tunay na pagmamahal sa ating sariling Bayan.. ANG GALING NYO BROWN RAISE marami pa sana kayong maabot na mga puso at isipan ng mga kababayan nating Pilipino salamat at nabuksan ang aking puso at icip sa pagmamahal sa ating Bayan..GOD BLESS =)
September 10th, 2009 at 04:20 PM
Election is getting near and based on my observation, some Filipinos are really into money. And because of that, “Utak lupa nanaman sila”. They don’t see the big picture on how our country will progress. The worst thing is, “Kalahi niloloko pa”. That hurts a lot for me, Mostly politicians, because they do anything and everything even if they know it is not right just for them to have what they want(“power”). I think as christians and as a “True Filipino” that Dr. Jose Rizal started to build , we should make a move in changing the minds and heart of our co-Filipino. It’s either schoolmates,friends,co-employees,etc. My really dream for our beloved country and for us Filipinos is to be respected by other countries especially our co-Asians. We should build a nation of psalm 128 and I know and firmly believed that Filipinos and our country are blessed. We just have to make the right decision in life and follow the right direction in life.
“There are no tyrants when there are no slaves” – Dr. Jose Rizal.+_+
September 12th, 2009 at 06:14 PM
Tama anglahat ng aking nabasa, wala namang mali ngunit paano kaya natin maimumulat ang mga mata ng mga taong nagugutom na ang pamilya at kinakailangang gawin ay humanap ng madaliang pagkita?
September 18th, 2009 at 06:44 PM
im a nurse…seeing myself in those individuals who like to go outside country to earn…uhmmm…i feel sorry for myself that i need to alipin myself outside phillippines…but i oath to myself to raise brow’s dignity…by giving best of myself as filipino…elevating the degrade image of us…i, at end love and would only feel satisfaction in life if i now came home to my beloved phillippines…thank you so much for embracing our nationality…i salute filipinos…
September 20th, 2009 at 04:43 PM
i am salute to you!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!galing
September 20th, 2009 at 04:44 PM
sana vlang arw
September 29th, 2009 at 11:02 AM
It isn’t bad to work abroad. But, what makes it bad is when those people who have worked there, already forgot our mother land. Until there comes the point of migrating to other country. Is it better to come back to our country after we have work abroad and help our fellow men. After working for years, I know OFWs have money to share and prosper. Why don’t they put a business especially agricultural (in the province)busines which will surely provide jobs to their “kababaryos”. The wrong thing is that they rather give dozens of chocolates to their neighbors and tomorrow..back to normal.then after a month, go for “pagpapa-alipin n namn”.
Most of our politicians own the largest land in this country…and I wonder why..A farmer is still considered as poor as a rat…when our politicians always say…we will do our best to serve u.Is that their best? Well, I believe “your (politicians) best is not good enough”.
October 12th, 2009 at 02:48 PM
basic concept: “GIVE A MAN A FISH AND YOU WILL FEED HIM FOR A DAY; TEACH A MAN HOW TO FISH, AND YOU WILL FEED HIM FOR A LIFETIME”
let’s give them a chance to “fish” xDDD
October 12th, 2009 at 05:07 PM
Tunay ngang binayayaan ng Diyos ang ating bansang Pilipinas. Napakayaman ng lupa natin. Iyong maliit na bakuran na tinapunan ng buto ng papaya, ayon at tumubo kahit walang hindi naman talaga tinanim. At dahil sa mga isang buwan ng umulan, ngayon ay malago na at nagbunga. Lalo na kung magkakaroon ng kampanya na taniman lahat ng lupang nakatiwangwag, sana’y di natin kailangan mamili ng bunga ng lupa. Kung lahat lang Pinoy may tanim, bukod sa may sarili ng pagkain, may ibabahagi pa tayo sa kapwa at maging sa ibang bansa. Nakakapanghinayang na isa tayong agrikulturyang bansa, tapos tayo pa namimili sa ibang bansa. Naniniwala ako na kung pagsisikapan lang na isaayos ang sektor ng agrikultura, hindi na kailangan ng mga kababayan ng mangibang bansa. Paano ba mag-umpisa sa sektor na ito ?
October 14th, 2009 at 12:22 PM
Halos lahat ng kaylangan ng isang bansa sa aspeto ng agrikultura ay nasa atin na. Nakakapanghinayang nga lang dahil kulang pa rin ang suporta ng gobyerno para iangat ang buhay ng ating mga dakilang magsasaka. Nakakalungkot na dito sa’tin ay ang pagiging magsasaka ay testamento ng pagiging mahirap. Sana man lang ay iangat pa ng gobyerno ang suporta sa mga magsasaka natin. Ipatupad ang tamang batas ukol sa kanilang karapatan. Sa ibang bansa, ang pagiging magsasaka ay isang marangal at maipagmamalaking propesyon. Sana dito ay ganon din. Kung mapapagyaman lang natin ng husto ang ating agrikultura, hindi na natin kaylangan pa umasa ng agricultural supply sa ibang bansa o mabawasan man lang ito. Sa ganitong paraan, malaki ang matitipid ng gobyerno at marami pang Pilipino ang makikinabang. This is just a matter of Political will… Kaya, kung gugustuhin…
October 25th, 2009 at 06:49 AM
Napakaganda po nitong article na ito at tunay ngang makatutuhan.
Isang bagay lang po ang ang aking kumento. Pwede po i-correct ninyo ang title kasi mali, dapat ang title ay Green University sa Disyerto ng UAE o Imarate at hindi Arabia, o kaya naman ay Green University sa isa sa mga Disyerto ng Arabs, mas safe na tawagin at mas mainam pa. Oo’t ang UAE ay isa sa mga bansa ng Arab countries pero hindi nangangahulugan na sila ay Arabia dahil ang Arabia ay para lamang sa mga Saudi at yon ang kanilang legal country of identity, ganon din sa UAE sila’y arab people pero bilang mga Imarate at hindi Arabia na para lamang sa mga saudi… Ang arab people ay comprise of indegenious o original people na bumabahagi sa mga bansang kagaya ng qatari, syria, iraqi, iranian, saudi arabia, imarate, yemene atbp. at hindi mo pwedeng tawagin arabia ito in general kundi mga arab people na nakatira sa gitnang silangan na may kanya kanyang bansa. Ayaw ng Imarate na ma-identify sila sa arabia na saudis dahil para sa kanila ay sa mga saudi lang yon at tamad ang saudis umaasa lang sila sa mga foreigner na nagtratrabaho sa kanila..hindi gaya ng mga imarate na arabo masisipag at at talaga naman parang mga Hapon kung mag-isip at very patriotic. Sa lumang daigdig ay pwede mong tawagin na arabia pero sa makabagong panahon ay hindi na. Walang pinag kaiba ito sa asian …tamo ang pilipinas ayaw ipa identify na mga asian tayo kundi pacific islander kasi nga ayaw ng mga instik, hapon, koreano, singaporian, malaysian na tayo’y asia at parang naiinsulto sila na nakiki-associate tayo sa asian kung baga wala tayong “K” sa title na yon at naiinsulto sial.. dahil para sa kanila ang mga asian ay smart at mga masisipag at makabansa at totoong makaDiyos at patriotic.. at malayong malayo tayo sa mga bansang nabanggit….mas mabuti siguro saka na tayo mag claim na part tayo ng Asia kung napatunayan natin na karapat dapat tayo sa tiltle na yun.
February 28th, 2010 at 07:53 AM
ito dapat ang pondohan ng husto ng ating gobyerno, hindi ang mga deal na lalong nagpapalubog sa ating mga pilipino. ito din dapat ang pag ukulan ng pansin ng mga lokal na namumuhunan sa ating bansa. panahon na para pag ukulan ng ng pansin ang mga bagay na matagal ng binigay ng diyos na hindi natin napapasin. habang may panahon pa kumilos na tayo mga kapatid itaas ang lahing kayumanggi.
March 31st, 2010 at 04:59 PM
Sa tingin ko kailangan talaga ng Cultural Revolution ang Pilipinas para mabago ang lahat. Kailangan maintindihan ng bawat isa sa atin ang kahalagahan ng ating yaman. Masyado ng nadadala sa demand ng materyal na pangangailangan ang karamihan sa atin na hindi naman ang tunay nagpapasaya sa buhay ng ato. Hindi dapat tayo nagugutom dahil kahit sa bakuran ng ating bahay pede tumubo ang mga gulay wala pang preservatives. Dapat mabago ang laman ng itinuturo sa mga paaralan natin lalo na sa elementarya. Pagtibayin ang ating pagmamahal sa Bayan at turuan ang mga bata kung paano mamuhay ng marangal bilang isang tunay Pilipino.
July 10th, 2010 at 03:21 PM
tama dapat sa pilipinas itinayo ang green university dahil marami tayong likas na yaman dito na siyang nagpapakita na magada at maayos ang ating kapaligiran