![]() |
|
|
Nasaan ka nuong Bagyong Ondoy at Pepeng? Nasa bahay? Nasa opisina? Eskuwelahan? O di kaya nama’y nasa ibang lugar sa Pilipinas o daigdig? Kung dumaan ka sa mga nasabing bagyo, ang espesyal na seksyon na ito ng Brown Raise Website ay para sa iyo. Kung ikaw naman ay nasa ibang lupalop, ngunit ganuon pa man ay dumaraan din sa iyong sariling version ng Ondoy at Pepeng, ito rin ay para sa iyo, mahal naming mga tagapagbasa ng Brown Raise. |
|||||
Bawat bagyo ay may pangalan: Ondoy, Pepeng, Ruping, Emong, Sisang, Milenyo, Feria, Nitang etc. Ngunit maging ang ating mga bagyo sa buhay ay may pangalan rin tulad ng: recession, cancer, bankruptcy, mga di pagkakasundo at di pagkakaintindihan, asawang di naging tapat, pagkahumaling sa bisyo, utang na di mabayaran, at marami pang iba. Bakit nga ba may bagyo? May tao bang walang problema? May lugar ba sa daigdig na walang dinaraanang kalamidad mula sa kalikasan? |
|
||||
Sabi ng Griyegong pilosopo na si Epicurus, ang mga pinakamagagaling na mga kapitan ng barko ay ang mga yaong dumaan sa mga pinakapeligrosong bagyo at unos. Ang barkong nananatili sa daungan, kahit anong ganda at laki nito, ay hindi tutoong barko hangga’t ito’y hindi lumaot at pinaghahampas ng mga hangin, tubig at alon. Mahirap dumaan sa bagyo, ngunit ang mga bagyo ng buhay ang mga nagpapatapang sa atin, nagpapatibay, nagpapapapalalim ng ating mga ugat, at naglalabas ng ating tutoong kakayanan sa buhay.
Ang mga bagyo ng buhay ay gaya ng kuwento ng isang taga-gawa ng biyolin: A legend concerns an old violin maker who was envied by his fellow artisans because of the superior quality of his products. Finally, he disclosed the secret of his success. While the others went into the protected valleys to cut wood to make their violins, he climbed the rugged crags of a nearby mountain to secure trees which had become severely twisted and gnarled by the storms. From these weather-beaten monarchs of the forest he then fabricated his violins—famous for their tone and beauty. He knew that the fierce trial of the mountain gales caused such trees to strengthen and toughen their fibers. It was this—their storm-tortured heart and grain—that produced the deep, colorful tones when the instrument was played.
Sa espesyal na kabanata na ito ng Brown Raise ay inyong mababasa ang mga kuwento ng kabayanihang dapat tularan tulad ng Ondoy Heroes, mga artikulong nakapag-papagising , mga kuwento sa kasaysayan ng mga taong hinarap ang kanilang mga bagyo, at mga kuwentong alitaptap ng mga pangkaraniwang mga Pilipino na nasalanta ng Ondoy at Pepeng. Kung ikaw ay may kuwentong kakaiba mula sa Ondoy at Pepeng na makapag-papatapang sa ating mga kababayan, huwag mag-atubiling ipadala sa bagyongbuhay [at ] thebrownraise [dot] org . Sana’y dumating ang araw kung saan ang Pilipinas ay makikilala, di lamang “highway ng mga bagyo,” ngunit sana ay makilala rin tayo bilang lipi ng mga tao na kakasa, lalagpasan at matututo sa mga aral ng anumang bagyong kakaharapin natin --- anumang lupit at hagupit ng mga ito. Mabuhay ang Lahing Layumanggi! |
|||||
| Articles | |||
| [Browse all Stories] |
| Ondoy Heroes: | |||
| [Browse all Stories] |
| Inspirationals: | |||
| [Browse all Stories] | |||



