You are browsing the tag: youth.

Ang Tunay na Liwanag ng Kinabukasan

Dapit-hapon noon nang ako ay makipag-kwentuhan sa isang babaeng nangungupahan sa isang maliit na kuwarto sa amin.

Lahad sa sitwasyon nilang mag-iina ang kahirapang dinaranas nila. Pinagtiya-tiyaga niyang magkasya ang kakarampot na kita mula sa paglalaba buong araw upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa pamilya

“Masarap sana ang buhay namin kung madami kaming pera. Kung makapag-asawa nga lang ako ng foreigner, tiyak hindi na kami maghihirap,” sabi ng babae na para bang may gumugulo sa isipan niya.
Ang kakapusan ng kinikita dito sa Pilipinas, gaya ng sintemyento ng babae, ang siyang madalas na dahilan ng ating mga kababayan tuwing sila’y lalabas ng bansa. Kasabay nang pagbabahagi niya ng sama ng loob, ay ang pagtatanong ko sa aking sarili, “Bakit nga ba tulad ng iba pa sa aming mga Pilipino, pag-aasawa na lamang ng kanluranin ang kasagutan sa buhay?
Tumugon ako at nagsabing, “Eh, manang pwede ka namang magnegosyo dito sa bansa natin. Hindi mo na kailangan mag-asawa pa ng foreigner noh! At madami naman dyan na lalaki na bagay sa iyo na Pilipino.”

Hay, kung sana nga mayaman kami.” sabi niya.

Sa pagtatapos ng aming pag-uusap, nalungkot ako dahil hindi ko nabago ang pag-iisip niya.
Ngunit sa kabila nito, ako’y hindi mawawalan ng pag-asa. Ako’y patuloy na mangangarap na sana kung di man ang aleng iyon, ang kanyang mga anak at ang ating mga kabataan ang tunay na magiging mga “Liwanag sa Dilim” para sa ating bansa. Ika nga ni Dr. Jose Rizal “Ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan!” Ang ating mga kabataan ang tunay na liwanag ng kinabuksan.
Mapapasaayos natin ang kalagayan ng ating minamahal na bansa kung sama-sama tayong mangangarap at hahanap ng ating parte para sa tunay na liwanag ng kinabukasan – ang ating mga kabataan.
From: Benjamina B. Santos . 17 years old, 1st year college student, Computer Science, Asian Institute of Computer Studies

Pangarap Ko’y Maging Bayani

Ako po ngayon ay isang 4th year high school student.

Nalaman ko po ang Brown Raise mula sa aking guro. Siya po ang naghikayat sa amin na bisitahin ang website. Noong una, hindi ko muna ito tiningnan, parang binale-wala ko lang. Ngunit, sa unang pagkakataon pong nakita ko ang website ng Brown Raise,  sising-sisi ako kung bakit hindi ko ito kaagad tinignan nang mas maaga. Ang ganda-ganda pala! Gustong-gusto ko po ang iba’t-ibang blogs na mababasa rito. Higit sa lahat, tuwang-tuwa po akong makita na maraming Pilipino ang nakikilahok dito. Isa lamang po akong ordinaryong estudyante… isang ordinaryong mag-aaral na nagnanais ng pagbabago.
Naalala ko noong ako ay nasa grade 2 pa lamang, kapag tinatanong kami ng aming guro kung ano ang gusto namin paglaki, ang lagi kong sagot, “Gusto ko pong maging isang bayani.” Noon, hindi ko naman talaga  naiintindihan ang ibig sabihin ng bayani. Ang alam ko lang, pag bayani ka sikat ka. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti ko na ring naiintindihan ang ibig sabihin ng aking pinangarap noon. Unti-unti ko na ring nasisilayan ang liwanag ng isang pagiging bayani.
Alam ko na ang ibig sabihin ng bayani: pagmamahal na di lamang pansarili ngunit sakop ang kapwa Pilipino. Ang akala ko dati, pag bayani ka kilala ka, sikat ka. Pero hindi kailanman naging batayan ang kasikatan. Ito ay nakikita sa pagiging mabuti sa kapwa. Buong akala ko dati, ang buhay madali lang, ‘di komplikado kasi sarili lang ang dapat mong isipin at asikasuhin. Nagkamali ako. Ang pagiging sakim mo pa pala ang siyang magpapababa sa iyo. Akala ko dati pa-easy easy lang ang buhay. Hindi pala, sa halip, kailangan pala paghirapan ang iyong pangarap. Sa pagiging bayani pala hindi mo iisipin ang sarili mong pag-angat kundi ang pag-angat ng iyong lahi.
Alam kong ako’y bata pa lamang, marami pang dapat matutunan at maintindihan. Ngunit nagpapasalamat ako na natuturuan akong makita ang tunay na sitwasyon ng bansa.
Pinangarap ko dating maging isang bayani. Ngunit sabi nang titser ko, sadyang mahirap daw ang pangarap na iyon. Oo mahirap, napakahirap, pero kaya ko. Kaya mo. Kaya natin. Sa paghahanap natin ng ating magiging parte sa pag-angat ng ating lahi, nawa’y magkaroon at maipapakita ang tunay na pagkakaisa. ‘Yan ang aking natatanging pangarap ko para sa ating bansa, ang tayo’y magkaisa.
From: Daniel Jude. Pending bio.

The Rise of a New Generation

A throng of youth that are seven hundred (700) strong  attended the most awaited event despite the rain, the muddy streets and the terrible traffic. More »

BRYORG on May 5, 2009

Ikaw ba ay palaban na kabataan? Gusto mo bang gumawa muli ng bagong kasaysayan? More »

A Country Where Everybody Wants to be a Nurse

If you want to find out the intensity of the Indian youth when it comes to their future, go to . This reveals why India is rising to become Asia’s intellectual research center.

More »