Bakit Mahirap ang mga Pilipino?

Tampok

Noong dekada ’50 at ’60, ang Pilipinas ang pinaka kinaiinggitang bansa sa Timog Silangang Asya. Ano ang nangyari?  [Isang Bahagi] Ni F. Sionil José

whyarefilipinospoor

Noong dekada ’50 at’60, ang Pilipinas ang pinaka kinaiinggitang bansa sa Timog Silangang Asya. Nang matamo ng bansang Indonesia ang kasarinlan nito noong 1949, 114 lamang mula sa bansang ito ang nakapagtapos sa unibersidad  habang daan daan na ang mga nakapagtapos ng programang doktorado sa mga unibersidad sa Pilipinas. Bakit kaya tayo napag-iwanan? Simple lamang ang paliwanag sa tanong na ito pagdating sa larangan ng ekonomiya. Hindi kasi tayo nakapaglinang ng mga mura ngunit dekalidad na mga produkto.

Subalit ang ganitong klase ng panlabas na kahirapan ay hindi kasing lubha ng mas malala pang kahirapan na bumabalot sa mga Pilipino— at ito ang kahirapan ng diwa/kaluluwa

Bakit ngayon tayo mahirap? Mahigit sa sampung taon na ang nakalilipas, si James Fallows, patnugot ng Atlantic Monthly, ay bumisita sa Pilipinas at sumulat ukol sa baluktot nating pamumuhay na siyang nagpapabagal sa ating pag-unlad. Marami ang hindi sumang-ayon sa kanya ngunit para sa akin ay malawak at malalim ang mga katotohanang kanyang isiniwalat sa kanyang pagsusuri.  

Hindi ko sinasabing sinisisi ko lamang sa kolonyalismo ang malubhang kalagayan ng ating lipunan sa kasalukuyan. Ngunit tunay ngang minana natin sa Espanya ang isang sistemang panlipunan kung saan ang mga mayayaman, upang mapanatili sa kanila ang kapangyarihan, ay tahasang nananamantala sa masa. Gaya rin nang sa Espanya, minana rin natin ang baluktot na paniniwalang ang pagbabanat ng buto ay isang gawaing hindi dapat ipagmalaki bagkus ay dapat pa ngang kasuklaman. Kung noon ay sinapit natin ang kolonyalismo dala ng mga banyaga, ngayon naman ay umiiral ang kolonyalismo na nagmumula naman sa mga mayayaman na siyang may tangan ng kapangyarihan.  

Tayo ay naghihirap sapagkat tayo ay mahihirap. Sa atin rin nagmumula ang ating kahirapan. Tayo ay naghihirap sapagkat marami sa atin ay mga tamad. Araw-araw ay dumadaan ako sa isang lugar na kung saan maraming naninirahan na mga maralita.Walang ginagawa ang marami sa mga matatanda roon kundi mag tsismisan o kaya’y mag-inuman.  

Hindi rin tayo nag-iimpok.  

Bagkus ay ang yayabang pa natin. Tignan mo na lamang kung gaano kagagara ang kasuotan at kung gaano inayusan ang ating mga kababaihan. Si Imelda ang kumakatawan sa ganitong uri ng kalabisan. Samantalang ang ating mga kalalakihan naman ay batbat sa mga mamahaling alahas – mga singsing at kuwintas. Tayo ay sadyang mayayabang kung kaya’t inuubos natin ang ating pera sa mga bagay bagay na  magmumukha tayong mayaman. Ganyan tayo kayabang… 

Tayo ay mahirap sapagkat ang ating nasyonalismo ay mababaw.  

At pinakahuli, tayo ay mahirap dahil wala na tayong moralidad at hindi na malinaw sa atin kung ano ang tama at kung ano ang mali. Hinahayaan natin ang katiwalian sa lipunan at hindi napaparusahan ang mga may sala sa ating kalagitnaan. Walang mabuting idudulot ang katiwalian ngunit hinahayaan lamang natin ito dahil ang ating katapatan ay nasa ating kapamilya o kaibigan, at hindi para sa kabutihan ng mas nakararami.  
Hindi ako naghahanap ng isang banyagang bansa upang ating hamunin. Ngunit mayroon tayong mas malaki at mas malawak na kaaway, isang kaaway na mas masahol pa sa kahit na sinong banyaga na sumakop o magtangkang sumakop sa atin. KAAWAY NATIN ANG ATING MGA SARILI. At kailangan natin ng ibayong tapang at determinasyon, upang baguhin ang ating mga sarili. §

Bookmark and Share

Related Posts



22 Responses to “Bakit Mahirap ang mga Pilipino?”

  1. Philippines ian from Butuan, Philippines Says:

    poor tayo dahil sa mga trapo sa goberno !!!!

  2. Philippines aaron from Quezon City, Philippines Says:

    pare, magsimula tayo sa ating mga sarili. :)

  3. Philippines The 110th Filipino from Dumaguete, Philippines Says:

    Ian dear,

    Tal pueblo, tal gobyerno!!! Please read the entire article not just twice but for 7, 107 times. Also, please read F. Sionil Jose so we won’t keep on spitting blames to our corrupt government. Let’s stop blaming and blaming. Let’s start reading and reading.

  4. Philippines Maharlika from Butuan, Philippines Says:

    Tama siya, pare…
    Di natin lahat maaaring ibato lahat ng kasalanan sa Gobyerno…
    Di naman sana tayo magkakaganito kung ang MAJORITY ng mga Pilipino ay corrupt…
    Ang ginagawa naman nila ay ginagawa naman din’ natin…
    Ang pagbabago ay magsisimula sa atin pre… c”,

  5. Philippines Pango from Baguio, Philippines Says:

    Why do we react so violently against Chip Tsao’s accusations? Because it is true, we are a nation of slaves.We cannot admit to ourselves that we are being left behind. Puro hangin lang kasi, pakitang gilas…sarili lang ang mahal. We are apathetic to the condition of our own Motherland-where we are born, where we first saw the break of dawn, where we first realized that we are Filipinos. We do not love her, or even hate her—we don’t care at all.

  6. United Arab Emirates congreshate from Dubai, United Arab Emirates Says:

    ARISE MABUHAY !!! RIGHT IDEAS GO FORWARD ..RIGHT NATIONALISTIC SPIRIT IS THE KEY..MABUHAY ANG FILIPINO..

  7. Philippines Book-lover from Cagayan de Oro, Philippines Says:

    Nararamdaman kong totoo ito dahil nararamdaman ko sa aking puso na sarili ko. May nagsasabi sa akin sa loob ng puso ko na ang sarili nating bansa ang nagrerepresenta ng iba pang bansa. Kahit na sarili nating atin, hindi ina-appreciate. KAILANGAN NATING BUMANGON SA PAGIGING MABABA AT PULUBING BANSA. See, that’s our problem…other countries look down at us, because we are poor. Now, why are we poor? Because when there is only a little percent left of the Filipinos who love their own country, there’s only a little percent chance for our country to change and rise…SO THE FILIPINOS: GIRL, BOY, WOMAN, MAN, YOUNG OR OLD, MUST APPRECIATE THE COUNTRY WE LIVE IN…THE PHILIPPINES, OUR HOMELAND…THIS IS WHERE WE WERE BORN, AND THIS IS WHERE OUR LIVES END..OUR OWN HOME..OUR OWN LAND..OUR OWN SANCTUARY…

  8. Philippines Lakapati from Quezon City, Philippines Says:

    We are poor simply because most of us choose to be poor.

    Just as the message this movement delivers, if we want to be a nation–resembling what Jose Rizal dreamed of–each of us has to make the decision that we are bigger than this so-called “Nation of Servants”

  9. Philippines Clarissa Mordeno from Cagayan de Oro, Philippines Says:

    Para sa akin ang website na ito ay hindi lang isang ordinaryong website kundi isa itong espesyal na guide book na susi para maintindihan ng bawat Pilipino ang totoong pangyayari noon at ngayon — mabuti man o hindi. Unang talata palang ay nagulat na ako dahil doon ko lang nalaman na kasalanan pala nating mga Pilipino na naging ganito ang bansang Pilipinas ngayon. Nang nabasa ko ang tungkol sa mga Pilipinong naging “domestic helper” pagdating sa ibang bansa, naalala ko ‘yong tungkol sa sinabi ng pastor namin sa simbahan na kasalanan nating mga Pilipino kung bakit tayo inaalipin pagdating sa ibang bansa at kahit anong antas ng trabaho sa Pilipinas hindi ito nababago ang pagtingin ng ibang bansa sa atin. Ang salitang pilipino ay nangangahulugang “domestic helpers.” Ito ay dahil sa mga pinag gagawa nating mga kalokohan. T ulad ng mga posa natin sa mga friendster at meron namang ibang tao na nagbebenta ng kanilang sarili sa internet para lang makahanap ng kanilang “true love.”
    Kaya naman para sa akin kapag binasa mo itong website na ito malalaman mo ang dapat at hindi dapat gawin para mapaunlad muli ang bansang Pilipinas.

  10. Philippines Tatayo from Butuan, Philippines Says:

    I agree with Clarissa Mordeno

    but

    Actually, ibininta nila ang kanilang sarili not because they want to find their TRUE LOVE but they think that they are hopeless and find that selling theirselves in the net is their only chance to get away from proverty…

    But the big question is, “Will they be happy with their soon-to-be partner?”

    I think not, they are just making their lives misserable…

  11. Philippines Maria Clara from Butuan, Philippines Says:

    Yes! We Filipinos must have the COURAGE, the WILL to change our selves… I felt really bad about our situation now…. We are the only one nation who has a DAMAGED CULTURE… Yes! We hate our own kind!

    Everytime I open this site, my heart breaks…. Knowing that there’s another heart breaking articles….There was no a time that I leave this site without felting bad inside…. A cry of anguish……

    We are poor because we are poor, We are poor because our nationalism is inward looking. And finally, we are poor because we have lost our ethical moorings.

    Masakit man isipin pero ito talaga ang totoo… Dahil na kikita ko talaga to sa dalawa kong mga mata…. At alam kong hindi lang to gawa2x….

    Yes.. we’re just making our own lives miserable…

  12. Philippines philippines golf course directory from Benguet, Philippines Says:

    change begins with one person. i appreciate what this site stands for. instead of blaming the system, lets change ourselves first and influence those around us.

  13. Philippines Abubot from Caloocan, Philippines Says:

    haha oo nga para sa akin…
    maliit lang ang kontribusyon ng gobyerno sa nangyayari ngaun sa pilipinas,
    kasi kahit saan ka tumngin sa paligid mo makikita mo na ang korapsyon!!! kaya u cant the blame on the government itself( haha d ako maka administrasyon ah ^^)

  14. Singapore sanrok_sa_ringring from Singapore Says:

    sabi nga ni F. Sionel Jose; ‘we are poor because our elites have no sense of nationlism” – pero naniniwala din ako na, even the poor also lost there sense of nationalism. malayu malayo pang lakbayin for us to stand really as a nation and i do believe that every one of us has a part and responsibility for this. Team effort po, you & me, mahirap man o mayaman, iangat po ntin ang lahing kayumanggi!!!!

  15. Philippines Yukan from Bulacan, Philippines Says:

    poor tayo dahil mahilig tayo sa easy money..

    taya sa lotto, sali sa gameshow, at kung anu-ano pa..

  16. Philippines Chanta from Quezon City, Philippines Says:

    There are so many reasons why we are poor. Yes, we don’t make products. Do you know why? It is because we are forgetting where we are right here and right now. We keep looking down at ourselves..

    I met this Filipino in a game once and he said “I don’t belong to the Philippines. It’s nothing but trash.” I told him that looking down at his own country wouldn’t help. I told him that some of us do not appreciate the country because they just look at the outside world, but not in the inside.

    The one thing that hurts me the most is that when it comes to us WE CHANGE OUR CITIZENSHIP. I am not happy about that because God placed us here in the Philippines for a reason, but we just don’t see it. The country’s problem here is not only the leaders, the government, but the people under it too. I believe that we are all STILL TOO BLIND to see beyond what we can see.

    When I come home, I listen to a song that gives me hope that the Philippines will rise once again. That song is “Here I am” by Bryan Adams. If you have time you can listen to it and feel the hope. That song inspires me a lot. I also hope this will inspire you too.:3

    Thank You and Mabuhay and Pilipinas!
    ~Chanta :3~

  17. Philippines FLiTz from Quezon City, Philippines Says:

    thanks for this great article. and the comments as well. i’m really inspired. yeah we’ll rise once again!

  18. United Arab Emirates Malaya from Dubai, United Arab Emirates Says:

    Sana po ay magbago na ang lahat, sana po maibalik na nawawalang dignidad ng mga Pilipino, sana po magmahalan at magtulungan na tayong lahat, sana maiayos na ang wasak na wasak nating kultura, sana maalis na ang kolonyal nating pag-iisip at sana makita na natin ang kagandahan ng ating bansang pinangako at alagaan ng buong puso para sa ating mga anak. Dito tayo isinilang at dito rin tayo hihimlay ng mapayapa.Mabuhay ka kabayan!

  19. United States sherry from California, United States Says:

    we are poor because of our crab mentality that was inflict on us.
    we are poor because there’s no self love in our community
    we are poor because we don’t know who we are
    we are poor because of our organizations that instead of uniting, they keep on dividing.
    we are poor because we pretty much choose to be..( for example we choose to be a nurse instead of a doctor)
    we are poor because we always think of ‘i’ not ‘we’
    we are poor because our mouths are only doing the action
    we are poor because we are expecting others to save us
    we are poor because there’s no energy to power the philippines.. it seems so constant that its okay to fail without even trying.. bahala na mentality..

    i hope someday that we could gain respect in our culture.. in order to do that we have to gain knowledge from the past, the people that made this country an independent one, so that we could have a self love in our country and later we could have a sense on how to fix the philippines…

  20. Philippines Cordapya from Cagayan de Oro, Philippines Says:

    I was asked once by a very young Korean student …. Bat daw wala pa tayong car, sila may KIA at Hyundai na kita wala pa ? … napa tamemme ako di ko na think na may mayroong tayong own brand of car; JP’s [jeep stlye na palaging use nang police noon at ngayon ] ang sa atin na palaging nasa talyer kung umuulan and I could still remember that only a foreign dignitary (or something akin to that title),had used that type of car sa isang alta social na party ( he was asked why he was using it and this happend a long time ago … I wasnt there but I read an article on what kind of car he and his family used ) the other elites kung hindi limo ay magarang sasakyan ( so what kung mamalan ka nang pogi points kung maguse ka nang JP)…. That is how poor we are in spirit/nationalism? we could not even use our own homemade JP …. di din dapat kalimutan ang ating own Jeepney’s sa kalsada …. Kung meron lang sanang magkaguts na edevelop at refine ito, mayroon na tayong sariling KIA at mas marami pang Pilipinong maeemploy natin, more revenues. and kung meron na sana ito support naman dyan mga pare at tangkilikin ang sariling atin…..

  21. Philippines judz from Philippines Says:

    Tama si sherry.
    Nakakalungkot na sa araw-araw ng buhay dito sa pinas, makikita mo ang mukha ng kahirapan – nakakabagbag damdamin. Ako’y naluluha pag nakakakita ako ng gusgusing bata na naglalako ng gulay o kakanin sa mga kalye.

    Paano, nawawala na tayo sa ating direksyon. Napakalakas ng impluwensya ng kultura ng mga banyaga – materialistic. At ang mga Pilipino, nakakalimutan na ang sariling pagkakakilanlan.

    May pag-asa pa kaya tayong umunlad? Sana nga meron pa.
    Kailangan lang na merong magmotivate para kumilos ang lahat. Napakalaki ng magagawa sana ng gobyerno bilang motivating factor, pagkatapos sabay-sabay na kikilos ang lahat ng Pilipino.

  22. Philippines Eilleg from Quezon City, Philippines Says:

    We must change starting from ourselves if we want to change the whole Philippines. A lot of us knows and understands the problem, but in the end nothing is done right. If that’s the case then, I don’t think this country will ever change. The youth is our only hope now, but a lot of us are still lost. We, who want change, must be the one to move them. Studying harder and harder and loving this country more and more are the essentials of moving this country…
    More power PHILIPPINES!!!

Mag-iwan ng Sagot

  Gumawa ng sariling Gravatar!

 characters available