Miss mo ba ang Pilipinas? Hinahanap-hanap mo ba ang preskong simoy ng hangin, at magagandang mga tanawin? Nasa Pinas ka man o wala, PARA ITO SA IYO.
Get the Flash Player to see the wordTube Media Player.
“Hahanapin Ko”. Composed by Jose Mari Chan, Lyrics by Jimmy Santiago, Sung By Lea Salonga,
Music Performed by the Manila Philharmonic Orchestra. Video edited by the Brown Raise Movement. All images are copyrights of their respective owners.
Music was taken from the album “Songs from Home.” Available .
04/04/2009 at 04:43
Maraming Salamat.
I’ve seen this video several times already and it moves me to tears every time I see it.
I hope that our fellow Filipinos would finally see how amazing, spectacular and breathtaking the Philippines is and how blessed it is to be born a Filipino. How can anyone even think of leaving the Philippines? We have everything that many nations on earth can only dream about. We have Jose Rizal, our national hero and founding father who is up to today unmatched as a genius and patriot.
I am a Filipino and I choose to be a Filipino in a time when millions of my own countrymen choose to leave my beautiful and blessed motherland.
04/04/2009 at 08:05
Sobrang paulit-ulit ko na pong napanuod itong video na ito, pero hanggang ngayon ay hindi ko po ito kayang panuorin nang di po ako naluluha. Punit-punit ang puso ko para sa ating mga OFW at para sa ating mga kababayan. Di lang maganda ang Pilipinas dahil sa ating lupain, pero dahil sa mga kayumangging mga naninirahan dito. God even invented a Rizal only for the Philippines. In my own dictionary, Philippines did not originate from the name of a Spanish King, but from the greek work “phileo” meaning to love/beloved. As Seneca said, “Men love their country not because it is great, but because it is their own.” We only have one country. Only one home always…
04/04/2009 at 16:33
Hahanapin Ko
(note: kay Anthony Castelo na version ang lyrics nato)
Hahanapin ko ang awit at tinig mo
Pag nalayo sa’yo
Hahanapin ko ang
halakhak mo
Kahit na kung saang dako
Hahanapin ko umaga’t tanghali, gabi
Dahil hindi lilimutin kahit na
sandali …
Hahanapin ko ang sikat ng araw mo
Pag nalayo sa’yo
Hahanapin ko dagat mo at buwan
Ang tag-araw at tag-ulan
Hahanapin sa timog, hilaga’t kanluran
Hahanapin ko sa pangingibang ba—yan …
Chorus 1:
At, sa aking paglayo
Dadalhin sa aking paglipad
Babaunin, init ng iyong araw
Sinag ilaw at luningning
Chorus 2:
Sa aking paglayo dadalhin ang lahat
At ng di na hanap-hanap
ka pa
Kung iiwan kita, hanap din lang t’wina
Aanhin pa ang maglalakbay di ba?, hoh …
Instrumental:
Hahanapin ko ang awit at tinig mo
Pag nalayo sa’yo
Hahanapin ko ang halakhak mo
Kahit na kung
saang dako
Hananapin ko t’wina
at kundi makita…
aanhin ko pa
ang gawang iwanan….
ka….
04/04/2009 at 22:56
I never get tired of watching and listening to this video again and again. The first time was breathtaking, gut wrenching.. I could hear my soul wanting to explode. I am extremely proud of being a Filipino… and equally excited of the infinite possibilities that we can do as a Filipino.
How precious we are ! How infinitely unique and gifted. Let us not give up on our country. Not now, not ever …
05/04/2009 at 04:35
Salamat
habang pinapanuod ko iniisip ko ano pa bang kulang bakit kailangan ng iba na mangibang bansa, this video drew closer to know what i really want to do.
God Bless
05/04/2009 at 18:29
“aanhin ko pa
ang gawang iwanan…ka.” – as i watched the video I was blessed, I thank God that I was born to be a Filipino.
06/04/2009 at 00:35
Magandang Hapon po sa inyong lahat!
Napakaganda po ng video na ito sapagkat naipakita niya sa atin na napakaBLESSED nating mga Pilipino. God blessed us with so much wonder pero tayo, hindi man lang natin magawang alagaan at pagyamanin. Nakakaiyak at nakakinis isipin na ang ibang lahi pa, “ibang lahi pa!” ang nakakakita ng ating yaman.
Gusto ko lang po ishare sa inyo sa halos magiisang taon ko dito sa Pilipinas hindi po kasi ako nagaral at nagtapos ng aking higschool dito. Galing po ako ng abroad, noong ako’y pauwi, sa totoo lang po parang ayaw ko nang umalis doon dahil ang iniisip ko na sa Pilipinas hindi safe, maraming mga snatchers at kung anu-ano pang hindi maganda. Pero nung dumating ako dito hindi ko akalain na ang Pilipinas, ang hindi ko kinalakihan, ay siyang nagbigay ng aking mission bilang isang mamamayang Pilipino sa tulong ng Church, Shire at ang site ng Brown Raise. Sa buong buhay kong halos tumira doon dito ko mas natutunan ang kahalagahan ng bawat Pilipino. Na ang ating bansa pala ay talagang NANGANGAILANGAN ng ILAW na kung saan maiaaangat nating muli ang lahing PILIPINO.
Sana magpatuloy ang site na ito sa kanyang mission. At sa tulong ng site na ito unti-unti nating mabigayn ng ilaw ang ating bansa.
06/04/2009 at 01:59
ang galing! Pilipinas Kong Mahal..
06/04/2009 at 05:44
“Hahanapin ko ang sikat ng araw mo
Pag nalayo sa’yo
Hahanapin ko dagat mo at buwan
Ang tag-araw at tag-ulan
Hahanapin sa timog, hilaga’t kanluran
Hahanapin ko sa pangingibang ba—yan …”
The first time I have watched in was in the lecture that was held in Makati. Although I am still a student, this video would simply tell me that God made a Filipino so I that I can spread the light among the people who are around me and tell them that THERE IS HOPE that exists in our country and we don’t need to look beyond borders rather beyond the borders of our country because we have everything and it is up to us on how to use it.
06/04/2009 at 10:29
This song reminds me of what Lang Lang said: “You can take the boy out of China, but you can’t take China out of the boy.”
I hope one day, Filipinos would no longer leave the country just to find finer pastures abroad. I hope one day, when a Filipino goes out, he would bring with him the pride and glory of being brown. That he is Filipino inside out. That the blood of a Lapu-Lapu, of a Rizal is running through his veins. That even when his feet are stepping on foreign grounds, his heart will remain in our country.
I dream of a day when all Filipinos would be dreaming great for our country. I hope we can say this one day: “You can take me out of the Philippines, but you can’t take the Philippines out of me.”
Such a wonderful thing to hear.
07/04/2009 at 04:59
Sa unang pagkakataon na aking napanood ang video na ito sa isang lecture sa makati ay aking naalala ang pangakong binitiwan ko sa aking sarili nuong ako ay bata pa na hindi lumabas ng aking bansa at puntahan ang mga magagandang lugar sa labas ng aking bansa kung hindi ko pa nalilibot ang buong PILIPINAS, sapagkat naniniwala ako na napakaganda ng ating bansa, at napakayaman sa kalikasan.Na kung paano na ang mga dayuhan ay binabalik-balikan ang kagandahan nito, bakit hindi ko samantalahin ang pagkakataong masilayan ang sarili kong bansa na abot kamay lamang.Bumalik sa akin ang kasabikang masilayan muli ang ibat-ibang kagandahan ng bawat bayan sa Luzon, Visayas at Mindanao, habang patuloy kong pinapanood ang video ay punit na punit ang aking puso para sa aking mga kababayan ng hindi nakakakita ng kagandahan ng Pilipinas,Sa aking mga kababayang na kinakailangang mangibang bansa upang mag-trabaho,sa mga personal na kadahilanan, Muli akong napaalalahanan kung paanong ang ating lahi ay pinagkalooban ng punong punong mga biyaya, kinakailangan lamang nating maintindihan kung paano ito pakamahalin at bigyan ng halaga at huwag sayangin ang kaloob sa atin ng Panginoon upang itoy patuloy na pagyamanin at pagmalasakitan.Hindi ko pagsasawaang panoorin ang video na ito,punong-puno ng damdamin,sana maraming mabagbag ang loob, makasaksi at makaalam ng inyong gawain brownraise. Mabuhay! kayong lahat at pagpalaing makapagpatuloy sa mga gawaing kagaya nito…
08/04/2009 at 03:18
Walang sinabi ang bora-bora sa BORACAY natin!
YAY for Pinas!
09/04/2009 at 04:37
maari nyo po bang isa-publiko o ilatlaha sa isang artikulo ang palawan constellation pati na ang exhibit na patungkol sa mga ito, maganda rin pong ipamahagi din natin ang ating alibata at mga artifacts ng mga sinaunang kaalaman. tunay napakaganda ng pilipinas, hindi mo maikukumpara ang yaman natin sa iba, ang problema sa atin ay hindi tayo marunong magmahal sa ating bansa. wala tayong malasakit sa kalikasan, tapon dito tapon doon sa bawat kalye na lang. kung ang bawat isa sa atin ay may tunay na marubdob na damdaming pahalagahan ang bansa tulad ng ating mga bayani disin sana hindi puro ‘rally’ na wala namang katuturan ang ginagawa ng ating mga sinasabing mga manananggol, hindi pulos proyektong mas malaki pa ang pangalan ng pulitikong nagpagawa nito, walang kalsadang gagawiin at babakbakin ulit para sabihing may proyekto, hindi patalastas sa telebisyon tungkol sa mga pamputi at artistang maganda nga ngunit walang talento. hindi ka ba nasisiyahan sa kulay mo? hindi ka madaling kapitan ng sakit ahit sunog ang balat mo sa araw. ang karagatan natin ay puno ng yamang dagat na di hamak na mas maganda sa dagat ng mga karating bansa. hindi natin iminumulat ang mamamayan sa katotoohang hindi tayo mahirap, hindi tayo kailanman mahirap. ang isang magsasaka ay mayaman, ngunit ang mga kabataan at mga susunod na henerasyon ay hindi marunong magpahalaga sa mga pagkaining pilipino. ikaw na mangingisdang gumagamit ng dinamita, mga quarry na sumisira sa ating mga bindok, ikaw na tinuturing na maliit na mamamayan ano ka sa sarili mo at sa bayang kinalakhan mo. hindi tayo mangmang katulad ng sinasabi ng ibang banyaga sa katunayang tayo ay mga magagaling na mangagawa sa iba’t ibang bansa, o ikaw na nagsasabing may dugong pilipinong tinatalikdan ang lahi mo maging tulad lang ng ibang banyagang walang moralidad at nakasunod sa lahat ng uso. san’y magkaroon ang bawat isa sa atin ng pagkakakilanlan, marunong tumayo sa sarili ang adhikain ay mabigyang karangalan ang bawat pilipino at maging isang ihemplo sa mamayan at ibang bansa na ang pilipino ay tumataktak na marangal, makabayan, at higit sa lahat na nag Diyos ang kinikilala higit sa lahat.
09/04/2009 at 21:07
hahaha…sa 22o lng marami na akong napuntahan simbahan… alang Diyos ang PILIPINAs… ni ambabaw nga ng tingin sa mga Taga hatid ng salita ng Diyos…dun malalamang alang respeto sa BIBLYA…para sakin po un…eh u n po nakikita ko…
11/04/2009 at 03:03
Kudos to your team! Makes me realize how awesome our country is despite of…
12/04/2009 at 22:09
ang sinasabi ko pong pagiging maka-Diyos ay hindi pakitang tao hindi mo masasabing may personal kang relasyon ka sa kanya na naipapamuhay mo. oo maraming nagsasabing may BIBLIYA sila ngunit hindi naman nakikita sa gawa nila; ano nga ba ang may personal na pagkilala hindi ba sa bawat ginagawa mo mas higit bang katutuwa sa kanya matanda na tayo alam na natin ang tama sa mali huwag baluktutin kung ano ang mga regulasyon ng bawat komunidad tatawid sa di tamang tawiran, kalat sa bawat lansangan asan ang pagmamahal mo sa nilikha nya. ang sawayin ang iba ay hindi lang sapat kung ikaw rin naman ay hindi sumusunod sa nakararapat; resptuhin mo kung sino ang inilagay nya para maglingkod hidni puro na lang asa sa gobyernong tayo rin naman ang nag simula ng korupsyon, magsimula ka sa tahanan mo paano mo ba tratuhin ang sarili at mga minamahal mo lumalabas ang tunay mong kulay hindi sa simbahan kundi sa araw-araw hindi porke nagdadasal ka at humihingi ng tawad ay pag babawas raw ng kasalanan; ang paghingi ng tawad ay yung may pagkukusa at may pagbabago gumising ka na pilipino? sino ka bang talaga sa tingin ng iba nagnanakaw ka ba ng kahit kaunti kapag wala ang amo mo; totoo ba ang dasal mong paulit-ulit na lang at walang pagbabago; hindi nakakahiya ka kung ito ang ibibigay mo sa lumikha sa iyo! kung isa kang alabok mabuting ang pagpupuri mo at pasasalamat ay makita sa mga taong nakakasalamuha mo kung paano ka makitungo, paano mo sila mahalin tulad ng pagmamahal mo sa sarili mo. GUMISING na tayo!
16/04/2009 at 08:43
ang ganda talaga ng kanta na ito……
at nakita ko kung gano kaganda ang pilipinas……
“aanhin pa ang gawang iwanan ka , PILIPINAS”……
i’m so proud to be…… FILIPINO!
16/04/2009 at 17:10
most of the pinoys abroad, don’t wanna go back to our country because of pride… (kahit wala naman!) ok lang maghirap ang kalooban nila, basta masabi lang na nasa abroad sila nakatira na… though life in abroad isn’t that easy… actually it’s hard… emotionally and spiritually…
17/04/2009 at 00:58
Grabe!!!
I can’t imagine how other people would spend so much money for their vacation abroad just to go swimming and nature hiking…
ISn’t Philippines far more beautiful than those of other countries? We just have to explore and discover the hidden beauties of our country. Why am I saying BEAUTIES instead of beauty? Because there is not only one but countless Virgin paradise all throughout our country…
When it comes to vacation? hindi ko ipagpapalit ang ganda ng ating bansa.
TRUST me, it’s a word of honor. YOu may cut my head if you are not satisfied with it…
*sighing*
17/04/2009 at 13:12
Noong araw ako’y nangarap na mangibang bayan, ako’y naging isang seaman. Nakita ko ang ipinagmamalaking tanawin ng ibang bayan, wala pa rin katulad ang ganda ng Plipinas na mahal kong bayan, Ngayon ako’y nangangarap isang araw mahal kong Pilipinas sana di na iiwanan.
Mga kababayan at pinuno ng aking bayan sana tayo ay magkaisa at pagyamanin muli ang ating inang bayan at isang araw ang mga tulad ko ay di na kailangan lumisan.
Mabuhay ang lahing Kayumangi.
17/04/2009 at 19:11
Paulit-ulit ko na po ito pinapakinggan at kinakanta ….grabe I fell in love with the song because of its meaning..nakakaiyak..
Hananapin ko t’wina
at kundi makita…
aanhin ko pa
ang gawang iwanan ka…..
Philippines , my one and only country, hindi kita makikita sa kung saan pa…dahil nandito ka na.. nag-iisa ka lang…
19/04/2009 at 22:16
Napakaganda! Tugma ang mga liriko at istorya ng kanta sa bansa at sa kasalukuyang pangyayari sa ating mga kababayan na ngingibang-bansa. Tunay na hahanap-hanapin nila ang kahanga-hangang bayang ito. Nakalulungkot mang isipin ngunit wala pa silang magawa sa ngayon sa kadahilanang nais din nilang bigyan ng laman ang mga kumakalam na sikmura ng kanilang mga minamahal dito sa Pilipinas. Ang alam ko lang ay NAG-UMPISA na ang paghubog ng bagong henerasyon na may buong pagmamahal sa Bansa na maihahalintulad sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal, sa pamamagitan ng “thebrownraise.org” site na ito. MARAMING SALAMAT PO SA INYONG GABAY. Sana marami pa ang maka-alam nitong site ninyo. Sana mai-publish ang site for the public to see. MABUHAY BROWNRAISE!!!
20/04/2009 at 22:29
im so Proud to be Filipino..
23/04/2009 at 20:06
ang ganda ng kanta at nang mensahe… and sayang ngayon ko lang ito narinig… Salamat sa inyo!!!
27/04/2009 at 02:13
We must take care of philippines we must not let for other countries to take our golds and sabi pa nga sa ating national anthem na sa manlulupig di ka pa sisiil… this is our country this is not their country we will not let them call us monkies…and we are not slaves we are one of the most richest country..
29/04/2009 at 20:34
kung may theme song o love song po para sa ating bansa…sa akin, ito yun! at malamang ito rin ang binubulong…kun di man sinisigaw…ng bawat punit na puso ng mga Pilipino na nagmamahal o nais na tunay na mahalin ang ating bansa. kay sarap nyang mahalin at pagyamanin! ano pa ang hinihintay natin?
07/05/2009 at 14:13
Im so proud to be a Filipino!
Grabe,..ngaun ko lng narinig tong song na toh,..sana ito nlng lovesong nating mga Filipino,..kaya i love landscape,…kasi mostly pinapaint ko ang sariling yaman ng ating bansa…hindi ako naiingit sa ibang bansa…dahil mayaman tayo! Thanks sa site na to…
Go BRYORG! God Bless!
08/05/2009 at 10:20
Me too. i am sooo very proud to be a filipino .
24/05/2009 at 21:58
hindi pa ko nakakaalis ng bansa.. puro local lng pero whoaw! Tama! Tama! hahanaphanapin ko if ever makarating ako sa ibang bansa. Kahit tumuntong lang.. kakaiba kasi ang Pilipinas talaga.. Ako ay isang Pinoy… Pinay!!
Sana nga sa pagbisita ng iba sa iabang bansa imbis na pagsasaya ang isipin ay ang pagtutuklas ng kasaysayan at paraang makukuha kung paano maiaangat ang sariling bansa, ang Pilipinas.
Ipinapanalangin kong patuloy tayong gamitin at maitaas ang bansa. Maging mature youth Filipino.. MAy pangitain at concern sa sariling bansa. May pasanin. Hindi para sa ating sarili lang kundi para sa bansa, para sa kanya na nag naglikha rin nito, ng sandaigdig.
09/06/2009 at 16:54
Kamusta mga kabayan? Its my first day of membership and this is the very 1st video that i watched from this site. It touched me in a way i couldnt explain. Reading your blogs pinched me even deeper… I was an activist during my highschool and college days and i remembered the movement’s principle na huwag tayong magpaalipin sa mga dayuhan…. pero nasan ako ngayon? nilamon ko na ang prinsipyong yon dahil kailangan kong buhaying mag-isa ang 3 kong anak… nandito ako sa labas ng pinas.. maswerte man ako sa trabaho at amo, ganun pa rin yun…wala pa rin ako sa pinas at malayo sa mga mahal sa buhay. mas gusto ko lalong bumalik ng pinas after watching this video…haaayyyy
22/06/2009 at 20:10
hoy mga dayuhan! Mainggit kayo!!!
13/07/2009 at 20:47
Dito po sa Canada, ang simoy ng hangin ay parang “ice cream”…pero aanhin ko ang sariwang ihip ng hangin kung nagsisikip ang dibdib a pangungulila sa bansang tinubuan. dinala ko lahat dito, init ng araw na Pilipinas, ang halakhak ng mga bata…ang tuwa at galak ng Pilipino spirit. Pero hinahanap hanap ko pa din sa panaginip.Kaya’t isang araw, uuwi ako! Uuwi na ako!
20/07/2009 at 23:14
WOW TALAGA!
28/07/2009 at 16:48
bakit ba hindi natinglahat makita ang kagndahan ng Pilipinas? Mas pinipili pa nila ang iba. Nung una ko itong napanuod, ako ay napaluha hindi ko alam kung bakit siguro gawa ng aking sobrang pagmamahal na ngayun sa aking bansa. sana lahat ng Pinoy mapanuod ito.
26/09/2009 at 14:09
I think it is not a matter of leaving the country. It is a matter of making the Filipino proud of you whereever you are in the world. It is a matter of doing something to the best of your abiity that will make our nation and fellowmen rise up again. I, too, dreamed of seing the beauty of our country again.
08/10/2009 at 09:26
marami pong salamat
at naka pag log in na ako sa brorn raise una ko lang nakita yang video ng hahanapin ko ang ganda talaga habang napapanood ko kusa nalang tumotulo ang luha ko kasi maganda naman talaga ang pinas hindi lang tagala naaalagaan ng husto. marami pong salamat uli mabuhay
03/11/2009 at 02:39
Totoong hahanap hanapin ko ang ganda ng Pilipinas. Isa sa aking mga mithiin ay maikot an gmga tampok at tnayag na lugar ng ating bansa, dangan nga lamang at sa kakulangan ng oportunidad at salapi, hanggang ngayon ay sa aking balintataw ko na muna ninanamnam ang kanilang angking ganda at mapang akit na kapaligiran.
Sa kasalaukuyan ako ay isang manggagawa sa Saudi, at isa sa aking libangan ay balik balikan ang aking koleksyon ng mga matulaing pook ng ating bansa,. Sa ganitong paraan aking sinasariwa sa aking tingin ang yaman at ganda ng Pinas.
Harinawang ang gandang ito ay mapanatili pa natin upang masilayan pa ng mga susunod na salin lahi.
Sulong Pilipino !
Wild Sober
Al Khobar, KSA
24/11/2009 at 21:19
Napaka gandang pag masdan ang dating Pilipinas. Kumpara ngayon. Tao ang nag sira ng magandang nilikha ng Diyos.Dahil sa kakulangan ng disiplina sa saili at disiplina mismo sa ating sariling BAYAN. Nakaka lungkot.
02/12/2009 at 20:14
sana ang bawat Pilipino
wag magbulag bulagan
sa kagandahan ng ating bansa
dahil mayaman ang ating bansa!
Ipagmalaki natin ang ating
bansang sinilangan ang Pilipinas!
JBGprincess=)
06/12/2009 at 04:16
ano pa ba ang gusto nating paraan para makita ang kagandahan ng bayan natin? ano pa?
ika nga ni Gat Andres Bonifacio..ano pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila..wala na nga..wala na nga..
08/12/2009 at 23:36
Noong nakaraang araw, sa unang pagkakataon sa aking 30 taon dito sa mundo, ay nakapunta ako sa wawa dam sa montalban 1hour drive or less from manila at napakaganda sobra! naglalakihang puting bato na hinulma ng tubig at napakarami ring kweba. Kung tutuusin ay napaka lapit lang nito sa siyudad subalit hindi mapuntahan…..nais kong irekomenda sa brownraise team na puntahan at i-feature din po ang lugar na ito dahil bukod sa napaka gandang lugar ay historical din po. Yun nga lang napaka kawawa ang wawa dam dahil sa hindi pangangalaga dito. Napagtanto ko na talagang nasa paligid lang natin ang mga magagandang bagay na mula sa Diyos, kailangan lang ng mga matang maghahanap nito…Pagpalain ang bansa!
13/12/2009 at 19:44
Habang pinapanood ko po ung video, hindi ko mapigilang umiyak. Ang sarap yakapin ni LuzViMinda. Nakakalungkot talaga na sa kabila ng maraming bagay na meron ang bansa natin, patuloy at nananatiling bulag ang nakararami sa atin.Lalo na ang mga namumuno sa atin.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito patuloy pa rin akong lalaban ,mag-aaral muli at magsusumikap. upang matulungan ang ating bansa.Upang iangat ang lahing kayumanggi.
Magsisilbing pong liwanag sa dilim ang bawat nakakakita.
“Iangat ang Lahing Kayumanggi”
05/01/2010 at 00:07
Ang ganda nang mensahe ng vedeong ito panooring nyo po.pinapahiwatig ng LUZVIMINDA hwag daw natin ipamigay sa mga dayuhan? remember almost 25% na po ng ating lupa pag mamay ari na ng mga dayuhan.
11/02/2010 at 09:34
Hintay ka lang mahal kong Pilipinas, ang mga Pilipinong kabataang tulad ko ay ngayo’y unti-unti ng nagigising..
Itataas namin ang pangalan mo!
11/02/2010 at 23:33
na iiyak ako toloy!..
28/02/2010 at 07:32
i miss my country
18/03/2010 at 12:02
What a great song and a great message…very appropriate for like us now leaving outside our mother land…things that filipinos overseas should never forget how great our country is….let us all be proud of who we are because we came from great race of people…they are know in the world as FILIPINOS!
Zaldi
18/03/2010 at 12:05
What a great song and a great message…very appropriate for like us now leaving outside our mother land…things that filipinos overseas should never forget how great our country is….let us all be proud of who we are because we came from great race of people…they are know in the world as FILIPINOS!Mabuhay tayong lahat!
10/04/2010 at 20:10
Magandang araw po sa inyong lahat!
I will not mention my real name anymore.
Gusto ko lang pong ishare that this song really inspires me everytime I listen to it. By the way, I am one of the Filipino students who passed the 2010 Korean Government Scholarship. We are 5 Filipinos who passed the program, but I am the only Christian kaya sobrang na burden po ako sa bansa natin. I just came here in Korea last March 29. I am now currently enrolled in a university, to study 1 year Korean Language Course, and after that I will be studying in another university for my major, Life and Food Science, my goal is to study hard for this major para madiscover ko pa at mapagyaman yung mga natural resources ng bansa natin. Nakakalungkot nga lang kasi, yung ilang Filipino dito na nauna sa akin na batch, nakalimutan na yung bansang pinanggalingan nila same with my batchmates, ang unang pinuntahan pagkadating sa Korea, bar para magparty, sobrang nakakalungkot. Kaya po ngayon, I am very thankful to God that He gave me this kind of burden in my heart. I am not just here to study but to fight for my country. I am not only carrying my name but the name of our God and LuzViMinda. Kaya nga po, hindi po nasayang yung ilang Saturday Sessions na I was able to attend Shire. It really helped me so much. I believe we Filipinos can do it. We should be proud of who we are. MABUHAY TAYO! LAHING KAYUMANGGI
03/06/2010 at 14:54
sobrang napakaganda po talaga….at dapat lang ma-appreciate ng mga Pilipino…. napakaganda rin po nung kanta, napaka-meaningful po talaga.
19/06/2010 at 17:27
si LuzViMinda ay ang hininga na nagbibigay ng ating katauhan bilang isang pilipino….ang sinomang hindi nagmamahal sa kanya ay patay na hindi pa man dumating ang tunay na kamatayan!!!!
07/08/2010 at 19:00
I truly liked this post, this one goes right into my stumble upon webpage