Applied Physics Para sa Bansa

Alitaptap

Ako po ay kakatapos lamang ng high school sa Marcelo H. del Pilar National High School sa Engineering and Science Education Program (ESEP) ng paaralang ito. Noong Fourth Year na ako, nahilig ako sa Advanced Chemistry and Advanced Physics at naging favourite subjects ko ang mga ito. Noong inayos po namen ang pagkuha ng test sa UP, Applied Physics po ang nilagay kong course ko at ako ay nakapasa.

Sa totoo lamang ay wala akong background tungkol sa course na ito. Sabi po ng friends ko bakit daw po Applied Physics ang kinuha ko? Bakit hindi na lang daw po Nursing or MassComm. Mas madali daw pong kumita dun at pede pa daw pong ma-abroad. Ang sabi ko po hilig ko kasi ang Physics. Tapos sabi po nila mahirap yun tapos ang magiging trabaho ko lang daw po ay Professor or sa Lab lang po. Malayo pa daw school ko. Pero sabi ko po Applied Physics talaga ang gusto ko. Ang Playstation Portable
Nagkaroon ng Brown Raise sa Bulacan at bilang bahagi ko sa gawaing ito ay ibinigay ko po ang isang bagay na alam kong masasaktan ako, ang PSP ko. Palagi ko pong kasama ang PSP ko. Binigay ko po ang PSP ko hindi dahil sa pagpupush ng ibang tao, kundi dahil po ito ay maari kong kontribusyon para sa bansa ngayon.
Applied Physics sa mga Misyong Pangkalawakan Tapos dumating na po ang araw ng Brown Raise. Nagpapasalamat po ako na may natutunan po kami tungkol sa aming lahi. After ng Brown Raise, nainvite po kame na pumunta sa BRYORG na gaganapin sa May 5. Bago po mag BRYORG kinausap po muna kame ng ilang manggagawa ng BryOrg at dun ko po nalaman na ang Applied Physics pala ang kailangan ng Pilipinas! Nalaman ko rin po na hindi pala basta basta lang ang course ko, hindi ito pang-laboratoryo o pang-Professor lamang. Nung gabi po na iyon, nakita ko ang pangarap ko.   

Nagpapasalamat po ako sa Brown Raise at BRYORG dahil ito ang nagpakita sa akin ng aking pangarap at kung ano ang magagawa ko para sa Pilipinas. Na ako ang magsisilbing trendsetter sa ating kabataan. Ako ay lalaban para sa bayan. Ako ay magbibigay ng kontribusyon upang baguhin ang Pilipinas. Ako ay isa sa mga kabataang nakakakita ng hindi nakikita ng iba. Sa totoo lang po, date ang plano ko lang po ay mag-aral tapos magtapos ng pag aaral at walang gusting marating pero ngayon po may pangarap na ako.

Ngayon, ang aking pangarap ay makapag-aral sa National University of Singapore (NUS) at pagkatapos mag-aral ay tutulungan ko po ang Pilipinas. Alam ko pong mahirap ang aking pangarap pero alam kong ang lahat ay posible. Walang madaling pangarap. Ano ngayon kung mahirap, ano ngayon kung nagiisa ka lang sa napili mong lakbayin, basta tama ang pangarap mo at seryoso, basta para sa ikauunlad ng Pilipinas. Alamin nating ang ating pangarap at ang ating pinagmulan para sa ikauunlad ng ating bansa at para sa Lahing Kayumanggi.

 
From: John Edrick Mendoza, 16 Years Old, Incoming U.P. LB Freshman, Malolos,Bulacan, Philippines





[Browse More Stories ] See all the stories

Bookmark and Share

Related Posts

  • BLACK RAISE!BLACK RAISE!
    The morning started with a BANG thanks to the strange article in the morning paper. “Cockpit ‘kristo’ going to memory olympics,” the title read.......
  • Entrepreneur Para sa Lahing Kayumanggi
    Sa may kahabaan ng Kamias bago mag EDSA, napansin ko ang isang poster sa dingding ng isang gusali. Dito nakalagay ang mga salitang...Sa may kahabaan n...



34 Responses to “Applied Physics Para sa Bansa”

  1. Philippines adobo_sinigang from Manila, Philippines Says:

    I salute you John Edrick! Ituloy mo lang ‘yang career mo nang may pagsisikap at pagtitiwala sa Kanya…Sama-sama tayong magtulungang mga kabataan para sa ikabubuti ng ating bansa.

  2. Philippines bignay from Masbate, Philippines Says:

    ito ang bryorg todo. wow. sana lahat tayo gaya ni John Erick na naunawaan ang mensahe ng bryorg. sa ating mga kabataan na hindi pa masyadong malinaw ang mensahe sana patuloy lang tayong matuto at pasasaan pa ay lalago din tayo.

    More power sayo kaibigang John Erick.

  3. Philippines tatak_PALABAN from Manila, Philippines Says:

    Tama! ang mga nagsasabing pangLab at pangGuro lamang ang applied physics ay hindi nakatingin sa malaking larawan! Ang saya dahil nagkakaroon ng direksyon ang buhay nating mga kabataan. Ang ka-BRYORG hindi kumukuha ng course na kinukuha ng karamihan. Salamat John!! itodo mo lang na iangat ang ating lahi!

  4. Philippines Rizal-ista from Quezon City, Philippines Says:

    Ang galing naman. Sana marami pang mga youth na Pilipino ang magkaroon ng seryosong pangarap para sa bansa natin.
    Excited na nga ako sa darating na sem kasi maa-aply ko na yung pagiging PALABAN na youth. :D
    “Aja!” para mga pangarap nating lahat. : )

  5. Philippines Paul from Rizal, Philippines Says:

    John Kendrick, ako ay lubhang natutuwa na sa edad mong yan ay alam mo na kung ano talaga ang nararapat mong gawin.

    Ako rin ay galing sa UPLB at nakatapos ng Computer Science. Pero maraming bagay na pinaghihinayangan sa apat na taon kong pamamalagi doon. Sa unang taon ko pa lamang sa UPLB ay naparbakada na ako at naimpluwensyahan ng “upper batch” sa mga kalokohan. Dahil din dito, dalawa sa mga naging barkada ko na “Applied Physics” noon ay kinailangan mag “shift” sa ibang kurso.

    Maraming bagay sana akong natutunan kung sineryoso ko lang ang aking pagaaral.

    Panalangin ko lang na magkaron ka ng malakas na paninindigan sa gusto mong maabot at gawin lamang kung ano makakadagdag dito at hindi mga bagay na walang saysay.

    Mabuhay ang “Brown Raise” at ang bagong henerasyon ng Kabataang Pilipino.

  6. Philippines magsasaka from Nueva Ecija, Philippines Says:

    Dati ayaw ko ng physics. Sabi ko bakit pa kailangan nito eh pagsusukat lamang ito kung gaano kabilis babagsak ang isang batong hinagis mo sa kalangitan. Grabe, ang babaw! Kaya nagpasalamat pa ako noon kay Lord kung bakit hindi ako nakapag-pasa ng requirements para sa isang scholarship kasi ang nangyari sa mga kaibigan kong nakapasa dun, wala silang choice kung hindi physics ang kunin. Ngayon ko lamang nakita na hindi lang basta ganun ang physics. Tama si john edrick na ito ay kailangan ng Pilipinas!

    Hindi man physics ang kinukuha ko ngayon sa kolehiyo, handa akong ilaan ang mga matututunan ko sa Matematika para sa mga darating pang mga research, para sa Pilipinas, para sa susunod na henerasyon!

    Naniniwala akong may pag-asa pa ang Pilipinas. Hanggang may mga Pilipinong nangangarap at tunay na nagmamahal sa ating bansa, hindi pa tapos ang ating laban.

  7. Philippines Panitikan from Butuan, Philippines Says:

    This story is like flowers from the rubble. In a generation where Pluto is no longer a planet–we have a new physicist. A Filipino one. A brown race.

  8. United States ryndx from New Jersey, United States Says:

    REPOST:
    alang madili sa buhay na ito. lahat pinaghihirapan. pero dahil sa hirap, ang bawat tagumpay ay sumasarap at nakakapagpalaya ng damdamin. Dahil sa hirap, natututunan nating pahalagahan ang bawat tagumpay.

    Magandang simulain yan, John Edrick. Sana’y simulan mo, pagbutihan at tapusin mo ang lakbaying ito. Ito ang kulang sa bansa natin, ang focus sa research and developemnt aspect partikular sa sciences. Halos ala ng ginagawa ang DOST at Intellectual Property Office natin.Nakalimutan ko na kung san parte ng consti ng USA, para noong binuo palang nila ang kanilang saligang batas, nagbigay na sila ng importasya sa intellectual property ng mga tao lalo na sa mga imbesyon. kaya naman na nga na sila ng ilang daang taon dito. Ikaw, kahit nagiisa ka, ituloy mo kung ano dpat para sabayan, ang dapat para sa tao, at pagsunod kung san ka tinatawag.Wag kang makuntento sa apat na sulok na iyong paaralan. wag kang agad maniwala sa mga sinasabi ng mga prof mo. challenge every premise. liquidate every work. validate every answer. do your own research, make it a habit. just think what is right,noble, pure and execellent.studying is a loooong journey, may panahon na aayaw ka na kasi mahirap. wag mong pakinggan yun. you move. believe me, ive been here before, but the promise that “we will never be put to shame”. Kaya mo yan kapatid.

  9. Philippines Abubot from Caloocan, Philippines Says:

    Go Edrick!!!
    na iingit ako sau kasi ikaw.. ma22pad mo na ung gusto mo..
    d 2lad ko na kahit may sarili pangarap, d ko naman ma2pad dahil na rin sa mga magulang ko, naiintindihan ko naman sila, naiintindihan ko na gusto nilang masiguro ung kinabukasan ko, pero ako kung ako masusunod mas gugustuhin ko prin na sundin ung napili kong course eh..(BS biology), kaso sabi ng nanay ko wala daw akong makukuhang pera dun….
    pero kahit ganun ung sitwasyon ko nag iisip pren ako kung paano ko magagamit ung Accountancy para maka2long ako sa pilipinas na maki sabay sa Asian Century
    so Go Edrick…..
    dapat maka pag pa launch ng misyon sa exosphere ah!!

  10. Philippines dayyuman from Baguio, Philippines Says:

    John Edrick, ipagpatuloy mo!
    Mga katulad mo ang kailangan ng bansa para umunlad.
    There’s this article in one of my highschool books (I unfortunately forgot who the writer is and have no way of finding that book, much less that article and therefore cannot give credit to the author) which said that science is indeed what the Philippines needs to rise up from its sorry state. The author proposes that TECHNOLOGY is the key to a better economy, as opposed to the reigning philosophy that agriculture is what we need. There’s some food for thought.

  11. Philippines pinay from Nueva Ecija, Philippines Says:

    KUYA edrick! tama po yan sir!applied physics ang kailangan ng pilipinas! matatalino ang mga pinoy!someday A filipino wil be like Albert Einstein! diba?:) — keep it up!GodBless po sir!

  12. Philippines Ms. Laong Laan from Manila, Philippines Says:

    …kua john edrick…

    …just keep ung maganda mong adhikain for our country…

    …ahmmm… khet poh ako medyo nahihirapan na poh sa physics… kung ito poh ang kelangan ng PILIPINAS…

    …I PROMISE to help OUR COUNTRY using Physics kung di man poh through Physics maybe through law or economics…

    …keep it up…

    …GOD BLESS POH!!!…

  13. Philippines pusong_mamon from Butuan, Philippines Says:

    PADAYUN! John Edrick!

  14. Philippines Budz from Tacloban, Philippines Says:

    maxado naman pong nakaka pressure yung sitwasyon niya. :(
    -hi-hi… sana di siya mag shift pag kuha nya ng majors niya kasi di biro yung hirap :(

    -nakakainis lang kasi kahit maka graduate ka d2 sa pinas, di rin sinusuportahan ng gobyerno yung mga may potential na studyante.. -kailangan pang magaral sa ibang bansa para matangap sa magagandang companya.. haay… kakalungkot..

  15. Philippines Sinag from Quezon City, Philippines Says:

    Astig! ituloy mo po yan! Salamat po at naibahagi mo sa amin ang iyong kwento, at sana’y maging inspirasyon din ito para sa ibang kabataang pilipino!
    :D

  16. Philippines AE_Moreno from Benguet, Philippines Says:

    Ituloy mo po yan!
    Physics:
    Pioneered from the West, Amazing in the East!

  17. Philippines angela from Quezon City, Philippines Says:

    nakakatuwa ka Erick..ipagpatuloy mo iyan..tunay na kailangan talaga ng applied physics ng ating bansa lalo na sa pagtutuklas ng sustainable source of energy..this is one of the problems of our country because we greatly depend on petroleum as source of energy..we import most of our petroleum and that costs us a lot..applied physics can greatly help in solving this problem..for example in finding a better way in transmitting geothermal energy because i have read that 17% of electricity is lost during transmission..physics can really help here..at marami pang ibang magagawa ang applied physics para sa bansa..gogogo Erick!!!!

  18. Philippines elaine from Laguna, Philippines Says:

    hi edrick.. pareho tayong BS applied physics ang napiling kurso ngunit ako’y papasok sa UP-Diliman. sa totoo lang ndi ko rin alam kung bakit applied p6 ang aking napili. pero tama ka ndi iyon natatapos sa pagtuturo at lab works. Endangered nga ang kurso natin at alam ko na tayo ang susi sa nanganganib na sitwasyon ng bansa. God Bless!

  19. Philippines Nicole from Nueva Ecija, Philippines Says:

    Nakakatuwa ang iyong desisyong Edrick! Alam mo ganyan din yung mga sinabi ng mga kamag-anak ko sa akin nung kinuha ko ang European Languages. Sabi nila ano daw ang mapapala ko dun at gaya ng karamihan pilit nila akong inuudyok na kumuka ng nursing. Nakakalungkot. Imbis na sila yung mag-encourage parang baliktad pa. God bless sa first day mo Edrick at sana magkita tayo sa school.

  20. Philippines emms from Benguet, Philippines Says:

    go ser eric! nakaka encourage naman ang iyong pangarap! lalo na’t ang pangarap mo ay nakadikit sa malakihang larawan ng buhay at para sa ikabubuti ng pilipinas! tayo ay tunay na magkakasama sa galawin na ito. at sa course ko ding education,ako din ay mangangarap! wala na itong urungan! todo na sa klase!

  21. Philippines Maria Clara from Butuan, Philippines Says:

    Pagpatuloy mo yan! Dahil sa pangarap mo ay marami ring susunod… lalo’t lao na tayong mga kabataan…

    Hindi ka nag-iisa sa pangarap mong yan… Pero marami tayo at mapaparami pa natin to… mga KABATAANG PILIPINO!!

    :D

  22. Philippines Tinig from Batangas, Philippines Says:

    nainspire ako:)

    go!go!go!
    ipagpatuloy mo ang pangarap mo at tulungang mkabangon ang ating bansang PILIPINAS..

    Godbless..

  23. Brunei Darussalam Denncio from Brunei Darussalam Says:

    Pinabilib mo ako. Ituloy mo yan at ipagdadasal ko na makamit mo at iyong pangarap at pangarap para sa ating bansa. Ikaw ang tinatawag na tunay na Pilipino. God Bless

  24. Philippines 6915141 from Rizal, Philippines Says:

    Hello edrick!
    hindi mo man ako kilala ngunit ako’y lubos na nagagalak para sa iyo at sa pagbabago ng iyong pananaw. Mainam at naiintindihan mong mahirap ang iyong landas na tatahakan. Mainam na ngayon palang ay nauunawaan mong sakripisyo, matinding sakripisyo, ang kakailanganin mong gawin upang maisakatuparan ang iyong pangarap. Mahirap ang physics ngunit maganda ang physics at higit na maganda kung ang paggagamitan natin nito ay para sa kapakanan ng ating bayan. Naway mapagbuti mo ang iyong pag-aaral at mabuksan ang iyong isip sa kung ano ang siyang tunay na physics. parati ka naming aalalahanin maging sa aming sariling pagbabata.

  25. Philippines Ava from Manila, Philippines Says:

    nakakabless talaga ang batang si jed..
    mabait na anak at kapatid..
    pagpatuloy mo lang yan jed..
    suportahan ka namin..

  26. Philippines tawagngbayan from Quezon City, Philippines Says:

    grabe po! talagang hindi na nga nakikita ng karamihan sa atin ang ating bansa ngunit ang pera na ang nakikita. tulungan po natin ang ating bansa… go go go!!!

  27. Philippines DakilangLiwanag from Manila, Philippines Says:

    grabe po anoh? yung may nakikitang liwanang at pag-asa lang talaga ang may mapupuntahan. yung ibang kaklase niya nursing at masscomm pa rin ang nasa utak.sana rumami pa po ang ating mga brownraise youth!!! kaya natin yan!!!

  28. Philippines Gabyrielle from Rizal, Philippines Says:

    Mukhang applied physics pala ang kailangan ng ating bansa. This article is telling us that we should not choose what we don’t like just because many are going for it or your friends are there, we choose what we like and what we feel like it is the right thing for us. He chose the right course for him because he likes it, not because his friends are there. It’s just like choosing the right path… there are only 2 paths to choose from. It is the good and the bad. In his case, he chose the right path. Sige go lang kuya John Edrick!!!

  29. Philippines Gabyrielle from Rizal, Philippines Says:

    It’s just like choosing the road: the narrow road or the wide road. For me, i’ll be choosing the narrow road because it is the road where you will be cheered by the first people who went before us.

  30. Philippines rawr from Quezon City, Philippines Says:

    tol,panu mo nasabi na applied physics ang kailangan ng pilipinas?

  31. Philippines Geneses from Puerto Princesa, Philippines Says:

    saludo ako sayo john edrick….ipagpatuloy mo yang kursong applied physics…itayo natin ang pilipinas nating mahal….

  32. Philippines GABRIELA from Quezon City, Philippines Says:

    I salute u!

  33. Philippines lyka_tot ^^ from Baguio, Philippines Says:

    i was amazed..
    go phyisics lover.. i salute you..
    thats the true spirit of nationalism..
    Take the high road.
    Some battles are not worth fighting for.
    Fix your eyes on what your heart really desires.
    “oble” is waiting 4 a student like you..
    go mga UPian.

  34. Philippines Lou from Nueva Ecija, Philippines Says:

    Go Go bro, galingan mo. Applied Physics din ako nung undergrad 2004-2008. Masaya ang applied physics basta seryoso lang lalo na sa thesis at focus sa goal mo.

Mag-iwan ng Sagot

  Gumawa ng sariling Gravatar!

 characters available