Pagtahak ng Panibagong Daan
AlitaptapAko ay papunta na sa ika-apat na baitang sa mataas na paaralan. Hindi ko alam kung ano ang kukunin kong kurso. Nang magpunta ako sa BRYORG, akala ko ay makikita ko kung para saan ako. Iba ang nangyari sa akin. Napagtanto ko na hindi na mahalaga kung para saan ka, kundi saan ka kailangan.
![]() |
Lahat ng nangyari sa BRYORG ay maganda. Naging eye opener ‘yon sa ‘kin. Pagdating ko nga sa bahay hindi pa ko makatulog. Nag-isip muna ako. Bigla kong naisip yung kaklase ko na running for valedictorian sa batch namin. Sabi niya sa akin na kailangan niya ‘yon kasi pag naging valedictorian siya, bibigyan siya ng kotse ng lolo niya. Tinanong ko kung ano ang kukunin niyang course, at ang sabi niya ay nursing dahil may tita siya sa Australia . Matapos ang BRYORG, sinabi ko sa kanya na aagawin ko ang trono niya. Naisip ko kasi na mas malaki ang hamon sa akin ng BRYORG. Kailangan kong maging valedictorian para sa ating bansa para naman hindi na tayo minamata ng mga banyaga. Maging “Liwanag sa dilim” ika nga o maging sagot. |
| Ang pinaka gusto kong parte ay mga kwentong astig. Literature talaga ang hilig ko at pagsusulat. Kaya naman ang kurso na gusto kong kunin ay Journalism o Masscom. Biglang sabi ng isang speaker ng Bryorg, “Hindi na natin kailangan ng broadcaster at journalists. Masyado nang marami tayo niyan sa bansa.” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig no’n. Sabi pa nga niya na abutin natin ang ating maximum potential at itanong sa sarili ano ba ang makakatulong sa aking bansa. | |
| Matapos ang BRYORG ay ang pag-sign up sa mga society. Pinili ko ang Arts at History. Gusto ko talagang mag-literature kaso pinagdesisyonan ko na hanapin kung ano pa ang mga kaya kong gawin. Ang mga bagay na hindi ko nakahiligang gawin. Gusto ko rin sa Music kaso sobrang dami ng pumila. Hindi na ko sumali kasi madami na sila. | |
| Hindi dito nagtatapos ang lakbayin ko sa BRYORG. Para sa akin, ito ay simula pa lamang at pag-udyok ng pagbabago sa akin. Nararamdaman ko sa aking puso na hindi na ito matatapos. Habang buhay nang magkakaroon ng puwang ang BRYORG sa akin at ipapasa ko ito sa mga susunod pang henerasyon. | ![]() |
| From: Jamille Fonclara, 15 years old, 4th yr.HS Holy Family Parochial School, QC, Philippines | |


16/06/2009 at 09:09
grabe nman ung kaklase mo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
16/06/2009 at 15:25
Minsan pa ay nakarinig na naman ang puso ko ng kahanga-hangang mga pananaw at saloobin ng isang kabataang Pinoy. Grabe kayo diyan sa Pinas! Kakaiba na ang kaisipan ninyo at kamalayan, mayroon nang pangkalaliman. Sana sa paglipas ng pahahon ay masaksihan natin ang pagbangon at pagbabago ng Pilipinas tungo sa tunay na kaunlaran na noon pa nasimulan ngunit napurnada dahil sa kasakiman ng mga mala-prayleng namuno noon at magpahanggang ngayon. Masasabi kong ang Espanya ay nananatili pa rin sa Pilipinas. Hindi pa rin tuluyang naialis sa ating sistema. Balang araw kayong mga kabataang Pinoy ang mamumuno, sana ay dumami pa ang mga BRYORGS na kagaya ninyo upang masapawan ang bilang ng mga magiging demonyong liderato sa hinaharap.
Nananalig ako at umaasa na mapapabuti rin ang kalalagayan ng ating inang bayan, Muli siyang kikinang bilang perlas ng silanganan at magsisilbing tanglaw sa kaniyang mga kapit-bansa.
16/06/2009 at 17:17
Maganda yan Jamille!
4th year na din ako ngayon… Pero ako’y nalilito sa kukunin kong kurso…
Pero nang dumating ang brown raise… nakita ko ang maliwanag na lakbayin para sa ating bansa…
Noon ako ay nangangarap kumuha ng kurso na makapag payaman sa akin…
Pero ngayon ang nasa puso at isipan ko lang ay ang kapakanan ng ating bansa… hindi na ang sarili ko… Kundi ang kapakanan din sa susunod na henerasyon…
16/06/2009 at 20:05
umpisa na ng eskwela, todo tayo sa pag-aaral mga ka-Bryorg =)
16/06/2009 at 20:09
Sana ay makita mo ang iyong hinahanap Jamille.:) Sama-sama tayong abutin ang ating mga pangarap para sa bayan. Ibigay talaga dapat natin ang ating maximum potential sa bawat bagay na ating ginagawa. Mag-aral tayong mabuti para sa bansa at sa kapwa Pilipino.
To God be the glory!:)
17/06/2009 at 17:15
grabe, talagang nakakatuwa ito.. ito ang mga bagay na alam mong hindi imbento sapagkat may pinaghuhugutang lalim.. the Brown Raise is really a movement, a movement that starts from within and brings forth immeasurable results! sulong Lahing Kayumanggi!
19/06/2009 at 00:26
magandang ispirasyon ito sa ibang kabataang pilipino. ako rin ay isang 4th year high school student tulad mo jam, at ganyan din ang mga naririnig ko sa aking mga kaklase. kailangan talaga nating manalo sa labang ito! kaya Tumodo at maging PALABAN tayo Jamille!
19/06/2009 at 19:10
follow your dreams and help the people as well our country to boom.,
21/06/2009 at 07:31
sobra akong natutuwa sa iyo jamille.
ako naman rin ay may tinatahak na daan.
maski ako gusto ko din talagang lumaban para sa bansa natin. kaya natin ito! todong-todo nga dapat tayo at maging liwanag sa dilim ng sa gayong mabago nating ang mga pangarap ng mga kapwa kabataan natin dito sa pilipinas.
go brown raise!!!
27/06/2009 at 11:01
“Gusto ko talagang mag-literature kaso pinagdesisyonan ko na hanapin kung ano pa ang mga kaya kong gawin.”
There are so many ways of getting “trapped” in this maze called literature hook, line and sinker. There are many great novelists and poets in the HIStory of literature who were engaged in different callings before they decided to risk their lives into this roller coaster ride called literature. Twain, Tolstoy, Dickens, Rizal, GGMarquez, Kafka, Soyinka, Updike, F.S. Jose, Tagore, Eliot, Cervantes, Dalisay, and the list goes on and on.
And once these great men decided to write for the rest of their lives–they gave up a lot. Well, I think it’s sound to say they gave up their lives. They gave up their everything not merely for the sake of putting their names on the covers but to impart this God-given ideas to humanity, to leave a legacy, and perhaps a lesson. Their writings are like mirrors of the past, present, and future all said.
“Literature is the record of the struggles and aspirations of man in the boundless universe of thought.” (Hurst) Hint: WHO owns this boundless universe of thought?
May your desire for literature grow deeper and deeper because our national hero is a novelist and he died because he decided to write those two great novels. Mantakin mo ‘yun. Grabe di ba? And Philippines owns a long list of literary heritage from Darangan to Noli to Dusk and to only God knows what’s next for us.
28/06/2009 at 13:20
Tulad mo, literature, journalism, masscomm, broadcomm rin ang gs2 kong kunin. Oo naalala ko ung sinabi dun sa bryorg..kaya ngaun piangiisipan ko pa kung ano kukunin ko para makatulong sa bansa natin.
29/06/2009 at 21:39
first time ko pa lang makabasa ng mga story sa site na ito, and napatunayan ko na worthy ung time ko para bashain ang mga nabasa ko, dahl ngkaroon ako ng inspirasyon na ipagpatuloy at pagbutihin kung ano ang nsimulan ko bilang studyante, tnx
01/07/2009 at 14:23
labo ng classmate no, kotse!??
tell him or her na kaw na magbibigay ng kotse sa kanya dahil gagawa na tayo. :[
sobra …
nakakatuwa po kasi, koknti nalang tayong nangangarap sa bansa.
sa dami ng pangarap ko, kahit un man lang maibahagi ko sa mga kapwa ko kabataan kasi mga wala na silang pangarap kundi maging nurse at call center agent .. waaa!!
07/07/2009 at 20:23
Hindi ko talaga maintindihan yang kaklase mo. Nag-aaral siya dahil pinangakuan siya ng kotse! At yung tungkol naman sa kurso niya, ginagawa niya iyon dahil meron siyang tita sa Australia! Hindi man lang niya naisip ang kanyang tunay na potensyal na maaari pa niyang isanay.
Nakakalungkot na may mga taong isusuko ang pagiging makabayan para sa pangarap ng iba.
Nakakatuwa rin kasi tulad ng may akda, gumagawa siya ng pangarap na maguunlad sa sarili niyang bansa.
06/09/2009 at 16:30
maganda rin kung tuturuan mong mangarap ng mas malawak yung kaklase mong nangangarap magkakotse.
turuan mo syang magsikap sa pag-aaral para sa bansa, at tulungan mo rin syang hanapin talaga kung ano ang gusto nyang kuning kurso sa kolehiyo. kesa naman hayaan mo syang mag-nursing nalang dahil nasa australia.
ipakita mo ang site na to sa kanya. para mamulat ang mata nya. at least diba, nailigtas mo rin yang kaklase mo sa pagiging ignorante.
saka dalawa na kayo sa klase nyo na may bagong pananaw sa bansa.
malay mo lalo pang lumaki yung bilang nyo sa school nyo kapag nakilala mo pa yang kaklase mo ng maigi
14/09/2009 at 23:12
Hanga nman ako… sa edad nyong yan eh, nag isip na kayo kung ano ang magagawa nyo sa ating Bayan…subalit bago ang lahat nasubukan nyo na ba ang mga mumunting bagay na ito?Pagkatapos nyong kumain sa restaurant eh.. inililigpit nyo ang inyong pinag kainan o hahayaan lang sa lamesa total trabaho nman ng weyter/weytres.nagbibigay ba kayo ng tip bilang pasasalamat sa pagsisilbi nila o pinipintasan pa?marunong ba tayong sumunod sa batas trapiko o wina walang bahala natin kasi ala namang pulis na nakakakita?Ang payo ba ng ating mga magulang higit nating sinusunod o ang sarili natin? Sa aking pananaw ang paninilbihan sa bayan ay magsisimula una, pagsunod sa Diyos at pagtalima sa mga alituntunin nya at pagsimula sa mmunting bagay bago sa malalaking bagay……
30/10/2009 at 09:24
grabe po talga noh! kapag mahal mo ang bansa mo, magagawa mo ang kahit ano para dito at mamahalin mo rin ang ginagawa mo!
03/11/2009 at 19:56
this so moved me
16/11/2009 at 19:49
Ituloy mo lng yan! yan ang tunay na Pilipino! . .
01/12/2009 at 15:50
Nagkaroon ng pagdidilig sa aking puso.
14/12/2009 at 15:44
wow!!!!
gravehhh
sana ikaw ang maging validectorian
para sa ating bansa
proud talaga ako sayo=)
–bonnavie Alison
14/12/2009 at 15:46
–bonnavie
sana lahat ng mga kabataan ay katulad mo=)
—–
I LovE mY oWn couNtRy=)
03/03/2010 at 11:03
Na inspire ako sa kwentong to…kasi till now I really can’t decide kung anong course ang kukunin…I really wanted to be a stewardess someday…. but it’s expensive to study in Letran (where I passed my BS tourism) in the other hand..naipasa ko din ang UP baguio…but I am only a slot…I’m planning to take up BS Econ… naispire ako dito….”d na tlga mahalaga kung anong gusto ko…ngunit pipiliin ko kung saan ako “kailangan”