Walang nang-aalipin kung walang nag-papalipin Part 1

Blogs, Lipad-Lawin

Walang nang-aalipin kung walang nag-papaalipin. Sinulat ni Rizal ang mga katagang ito higit isangdaan taon nang nakalilipas, ngunit hindi pa rin natin malampasan ang malungkot na katotohanang ito.

Luneta Park, Manila

Liwasang Rizal, Maynila

Kamakailang lang sunod-sunod ang balita tungkol sa nakaraang pagbisita ng Pangulong Gloria Arroyo sa White House, ang kanyang santalaksang “entourage,” o mga alalay, at ang isang milyong pisong hapunan sa isang French restaurant. Hanggang ngayon, di ko pa rin lubos-maisip ang pag-amin ni Senador Lito Lapid sa publiko na personal nyang nilapitan si GMA upang isama sya sa biyahe patungong Amerika dahil matagal na raw nyang pangarap na makamayan at makapagpa-picture kasama ang pangulo ng Amerika. Ayon sa dating action-star, sya daw ay “star-struck” kay Obama.

The White House

Ang Tahanang Puti, Washington, D.C.

Si GMA at Lito Lapid, at maging si Bayani Fernanado ay nagdusa sa mga kamay ng parehong mga bloggers at reporters. Mga “garapal” daw sila at “bootlickers.”  Sa Tagalog, mas masakit ang salin- ibig sabihin ay “mga taga-himod ng talampakan ni Obama.” Ngunit ang pinaka-deretsahang ulat na aking nabasa ay mula sa ni Bobby Reyes. Ayon sa kanya:

“Para sa araw na ito, Hulyo 30, 2009, nakasaad sa Daybook na si Pangulong Barack H. Obama ay makikipagkita kay Pangulong Gloria M. Arroyo sa Oval Office ngayong alas tres ng hapon, ngunit  mayroon pa syang miting pagkatapos nang alas kuwatro ng hapon. Ang dalawang Pangulo, kung gayon, ay magkikita lamang nang wala pang isang oras. Bagama’t sa kagustuhang galangin ng mga lider ng Amerika, si Gloria Arroyo ay di lamang sawi, ngunit lubos na nakakahiya. Imbis na State Visit, o kahit man lang Official Visit, pinagtiyagaan na lamang ni Mrs. Arroyo ang wala pang isang oras na miting at pikchuran kay Pangulong Obama. Pupuwedeng pakakapehin, patsatsaahin, o illibre ng samalamig si Pangulong Arroyo, ngunit malayong imbitahan sa tanghalian o hapunan. Pupuwede ring magpakain ang Philippine Embassy para kay Pangulong Arroyo at sa kanyang santalaksang alalay sa pinakamalapit na “In-N-Out” burger. Dapat syang makilala sa naibasura nang relasyon ng Pilipinas at Amerika, na kauna-unahang Presidente ng Republika ng Pilipinas na tinratong parang basura ng White House.[]

Ang nakapanglalambot na pag-papahiya sa sarili ng ating Pangulo ay isang kahihiyan rin lalo na para sa ating mga Pilipino at sa ating bansa. Kung saka-sakaling nakalimutan na ni GMA, kinakatawan nya ang buong sambayanang Pilipino. Mula sa kanyang speech hanggang sa kulay ng kanyang bestida – lahat ay itinuturing na pananalamin lamang sa mga Pilipino. Malungkot mang sabihin, ni katiting ay di sya nakapagdulot ng kahit na anong pagmamalaki, karangalan, dignidad at kinabukasan sa ating mga Pilipino nang hayaan nyang “tratuhin syang parang basura ng White House.” Una sa lahat, bakit di natin kayang mga Pilipino ang umastang tulad ng mga Asyano – mataas ang tingin sa sarili at di natatakot kahit na sa pinakamakapangyarihang bansa sa mundo? Bakit ba kinakailangang mapansin tayo ng Amerika? Bakit gustong-gusto nating maging alipin ng Amerika? Hayaan nyong isa-isahin ko ang mga garapalang pagkakamali:

Una sa lahat, di lamang isang beses, ngunit apat na beses nang inisnab ni Obama si GMA. Ginawan natin ng isyu at nagmarakulyo nang hindi binalik ni Obama ang tawag ng Malacanang nuong sya ay manalo. Eh ano naman kung di sya tumawag? Ang problema nating mga Pilipino ay ang wala sa lugar nating pagbibigay ng importansya sa ating mga sarili, lalung-lalo na ang ating maling akala na mahalaga pa rin ang relasyon ng Amerika sa atin. Di ba natin nakikitang hindi na nga ngayon magkanda-ugaga ang Amerika sa kanilang mga problemang pang-ekonomiya? Nakakatawang isipin, pero napakaliit ng Pilipinas para gawing “top-agenda” ng Amerika! Siglo na ngayon ng Asya…dapat ay inaayos natin ang ating relasyon sa Asya at pinalalalim ang ating ugat at kasarinlan bilang mga Asyano, imbis na habambuhay tayong naninikluhod sa mga banyang sumakop sa atin.

President Arroyo and President Obama

Ang Pangulong Arroyo kasama si Pangulong Obama

Tingin na ng daigdig sa Pilipinas ngayon ay “bansa ng mga alila.” Dati tayong binansagang “ang lumpo ng Asya” – ngunit mas malulunok mo pa ‘yon kumpara sa sunod-sunod na tagos-hanggang-buto na panlilibak ni Chip Tsao at ni Alec Baldwin. Yun nga lang, sa halip na tayo’y mapunit para sa ating bansa, matigas nating kinakaila ang mga nasabing paratang.

Hindi ko makakalimutan ang serye sa telebisyon na pinamagatang Roots, hango sa libro ni Alex Haley’ng: Roots: the Saga of an American Family. Si Haley ay galing sa ika-pitong henerasyon ng mga African-Americans na mga alipin. Ilang beses akong napaluha nuong ito’y pinanunuod ko dahil naalala ko tayong mga Pilipino. Ito’y kuwento ng isang Aprikanong batang lalake na ang pangalan ay Kunta Kinte na dinukot at at dinala sa Amerika upang ipagbili bilang isang alipin. Ang hinding-hindi ko makakalimutan na eksena ay nung si Kunta Kinta ay hinagupit ng ilang beses ng kanyang amo hanggang sa halos mamatay, dahil lamang ayaw nyang sabihin ang “Toby” ang bansag sa kanya bilang alipin. Paulit-ulit, iisa lang ang sagot nya sa tanong ng kanyang amo kung ano ang kanyang pangalan, at ito ay Kunta Kinte. Nang si Kunta Kinte ay halos lumpo na at humihilahod sa pambubugbog ng kanyang amo, naibulong na rin nya ang “Toby,” sabay takbo at yakap sa kanya ng isang matandang itim na alipin, at habang tumutulo ang mga luha mula sa mga mata, sinambit nya kay Kunta Kinte, “Darating din ang araw natin….”

Roots - DVD Cover

Roots – Takip ng DVD.

Marahil tayong mga Pinoy sasabihin pa natin sa ating mga sarili, “Eh talaga naming mas maganda tunog ng Toby kesa Kunta Kinte—syempre Kano yata yun!” Ngunit hindi pangalan ang Kunta Kinte. Ito ay patungkol sa kung sino ka. Ito ay pangalan ng isang malayang tao na tumangging ipagpalit ang kanyang pinagmulan o ugat, ang kanyang komunidad, ang kanyang lengguwahe, kulay – ang kanyang pangalan – upang maging alipin, gaano man ito kasarap.

Minsan ako ay tumungo ng Bohol para sa isang-araw na pag-iikot. Tinanong ko ang aming tour-guide, na paingles-ingles, kung ano ang kanyang apelyido. At ang sagot nya sa akin, “Pangit ang apelido ko. Native.” Siguro’y di sya makapaniwala sa kanyang narining nang sabihin kong, “Sa totoo lang yung native na mga pangalan talaga ang gusto naming malaman at marinig, kasi iyon ang tutoong mga pangalan ng mga Pilipino at iyon ang tutoong maganda.” Tsaka nya lamang sinabi sa amin ang kanyang apelyido.

Malungkot man ngunit tutoo, ngunti di ba’t ikinahihiya naman talaga natin kapag ang ating mga pangalan ay hindi tunog Espanol o Amerikano? Baliw tayo para sa mga pangalang Ayala, Manzano, Lopez, etc., ngunit kinahihiya natin kapag ang ating pangalan ay Batongbakal, Dimayuga, Dimakulangan. Halos wala ka nang marinig na mga pangalang katutubo tulad ng Bituin, Dalisay, Amihan at iba pa. Mas type natin ang Sandra, Michael, Jacqueline etc. (Maging ang mga pangalan naming magkakapatid na binigay ng aming mga magulang ay puro Europeo) Ngunit pakinggan natin ang mga pangalan ng ating mga kapwa Asyano at ito’y pangalan ng mga Malalaya – mga pangalang tulad ng Mahathir, Lee Kuan Yew, Chulalongkorn, Hu Jintao, Gandhi. Masakit mang isipin, ngunit hindi ba nito ipinakikitang sobra na nating nagustuhan na tayo’y mga alipin ng dayuhan, na kahit na ang ating mga  anak ay pinapangalanan natin sa mga pangalan ng ating mga kanlurang mananakop? Ang mga katutubong pangalang Pilipino ay laos at pawala na, kapareho ng identidad ng Pilipino.

Kelan kaya natin maririnig ang ating mga sarili na sasabihin nang may tapang at pagmamalaki, “Darating din ang araw namin….ang mga Pilipino ay gagalangin din sa buong daigdig. Makakatayo rin kami sa aming mga sariling mga paa at hindi na kailanman magiging “star-struck” sa mga banyaga. Darating din ang araw namin….”

Ipagpaptuloy.

~Lipad-Lawin


Bookmark and Share

Related Posts



45 Responses to “Walang nang-aalipin kung walang nag-papalipin Part 1”

  1. Philippines arabelle-joy from Quezon City, Philippines Says:

    i actually agreed. now. just right now.

    i mean, at first i also actually hated my surname. because it is too “filipino”-ish. i started liking it when i ased myself why did i hate my surname.

    and this will be reblog :)

  2. Philippines Habagat from Cavite City, Philippines Says:

    Grabe po. May kilala po akong balikbayan galing America, malayong kamag-anak po namin. Nakasama ko siya ng isang araw sa isang Baguio trip namin. Sa pag-uusap namin, tinanong ko siya kung gusto niya pumunta sa mga Asian countries, ang sabi niya “No, Asians are so close together. Unlike in the states, I’m very independent. I’m irritated whenever our relatives serve me and treat me as if I’m a king.”

    There are no tyrants where there are no slaves.

    whew…

  3. Philippines Buwas Damlag from Manila, Philippines Says:

    Napakasakit po nito. Para bang wala tayong kinabukasan apart from the US. Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit nakatingin pa rin ang liderato natin sa US, samantalang, sabi nga ni Lipad Lawin, marami silang mas importanteng inaasikaso sa kanilang bansa kaysa Pilipinas. Nabalita rin po na bago po ang “state visit” na ito may open letter na ipinalabas ang ilang miyembro ng opposition, warning Obama to be “mindful of Mrs. Arroyo’s legacy of corruption, extrajudicial killings, enforced disappearances, torture, bribery, election cheating and others.” Wala na ba tayong galang sa sarili? Parang mga batang sumisipsip sa teacher sa pamamagitan ng paninira sa ibang bata.

    Buti na lang may Brown Raise na nagtuturo sa atin kung ano ang ibig sabihin ng tunay na kalayaan, at kung ano ang gamit nito. I pray that the day will come when the Philippines will no longer look to other countries for salvation.

    Padayon Brown Raise!

  4. Philippines magsasaka from Nueva Ecija, Philippines Says:

    So sad but true. I just told my mother about this post and she said “Wala namang mali doon. Okay lang sa akin yun (about Lito Lapid). Natural lang naman at celebrity yun. Ako nga nung nakita ko si (an artist) nagpa-picture rin ako eh.” Okay po. Walang mali na humanga tayo lalo na kung yung taong iyon ay karapat-dapat talagang hangaan. Pero bakit kailangan pong palagi na lang tayong nanginginig over them? Kaya po tayo tinatawag na mga alipin eh. Hindi po kasi natin nakikita na ang bawat reaksyon at kilos natin dala-dala natin ang ating pagka-Pilipino. Napakalaki po talaga ng gawain ng brown raise. Maraming salamat po sa post na ito! Muli, isang liwanag sa kadiliman ng ating bansa.

    “Our time will come…”

  5. Philippines Gabino_Garcia from Rizal, Philippines Says:

    After making a research about my name if ever it is a unique Pilipino name..That name being Gabino..Then I found that other people, mostly in Latin America, has this name.

    Even my mother think that my name isn’t pretty, At least in a sort of aesthetics sense. Though I wouldn’t change it to them fancy foreign names or a natural-based Japanese one since my name came from a great grandfather that I never met. But he was a great father to my father and I’m proud to be the second person having a name like that.

    Ang sama naman na kakatapos lang natin magbigay pugay sa umaong Cory Aquino tapos puno nanaman KAGAD ng polikita ulet..mula sa bagong nagnanais na maging pangulo, problema ukol sa mga itatanhal na Pambansang Artist( Di ko alam ang mas tamang salita para dito.), at ngayon ang ginastos ng atin Pangulo sa pinanhapunan nila. Sakit talaga no?

    Siguro heto nalang ang tanong ko. Paano natin matuturuan ang kapwa natin sa gitna ng masyado tayong mapapraktikal at wala na halos pagnanasa sa mga mas mabubuting bagay sa mundo?

  6. Philippines bengeequlit27 from Quezon City, Philippines Says:

    “Our time will come…the Filipinos will one day become a respectable race, able to stand on their own feet and no longer star-struck with foreigners. Our time will come….”

    posible!!
    dadating rin ang gintong panahon ng bansa natin!
    naniniwala ako na kaya nating mga pinoy na lumaban.
    kung may wawasan 2020 ang malaysia, tayo rin meron
    pero hindi pa ngayon mga kababayan..
    pag nagtagumpay na ang ating mahal nating bansa..
    mahalaga ring mahalin ang sariling mga pangalan dahil hindi porket native ang apleyido,
    hindi ibig sabihin na nakakahiya tayo..
    itaas ang ating watawat at itaas ang noo
    buong puso natin tulungan ang bansa nating magtagumpa para sa gintong panahon natin!!

  7. Philippines PilipinoAKO from Quezon City, Philippines Says:

    GALing….”OUR TIME WILL CoME” Tatayo ako bilang Pilipino saan mang ASPETO ng BUHAY… Salamat sa patuloy na pagpapaunawa… Tara na…oras na nten… OUR TIME will COME… Our time…Hinihintay KA nlng…ako rin… Salamat… salamat…

  8. Philippines coolwaterworks from Quezon City, Philippines Says:

    Lipad-Lawin, I believe deeply in my heart that our time will come…

    The other night, I and my friends were discussing about working abroad and love and hope for the Philippines. I do hope I have conveyed the message well: We need to continue to dream, hope and work for the greatness that our country deserves to have. It may not happen in our lifetime but let it be a legacy to our children and our children’s children.

    And I told them that though I am not closing any doors, I firmly believe my country needs me here, and so I’ll stay…

  9. Philippines vox from Baguio, Philippines Says:

    it is such a shame that we are regarded as such and our government is even pushing our slavery to that point that the word filipino itself becomes equated to jobs so degrading.
    i say someone should file a case for this. practice the check and balance rule applicable to this tripartite government.

  10. United States adayan from Florida, United States Says:

    matagal ko na rin naiisip bakit hindi nalang tayo may sariling identidad. lahat nalang ng meron tayo sa Pilipinas ay kopya sa mga Westerners. bakit ang ibang asian countries, first world na sila kahit na halos ang populasyon nila ay hindi marunong magsalita ng ingles, kahit na ang panunulat nila ay kaiba. nakakagawa sila ng sarili nilang imbensyon na sumisikat sa buong bansa samantalang tayo dito ni hinde man lang makagawa ng matinong expressway ng walang tulong ng ibang bansa.
    minsan naiisip ko nga masyado mayabang at proud ang ang Pilipino. ipinagmamalaki natin ang mga narating natin.. pero ang totoo anu nga ba ang narating na ng Pilipino.. nandito parin tayo.. hinde umuusad, ngbabalatkayo sa likod ng mga banyaga.

  11. Philippines emms from Benguet, Philippines Says:

    Nakakalungkot po ang mga nangyayari po sa ating bansa-lalo na po sa ating gobyerno na wala po talagang pakialam sa bansa. Ngunit, tunay pong may panibagong hangin sa ating bansa’t may brown raise movement! BRYorg laban!!!

  12. Philippines Ibarra from Quezon City, Philippines Says:

    It’s sad that our leaders only care for their personal gains and disregard the Filipino people. The Php1 million dinner is unbearable and shows how these people live lavished lives while thousands of our people die from hunger.
    But I believe that “Our time will come…the Filipinos will one day become a respectable race, able to stand on their own feet and no longer star-struck with foreigners. Our time will come…” as long as we, the next generation, will do our part. The future of our country and our people is truly in our hands. May we not become like our present leaders who are very selfish and ignorant to the fact that we are being treated as slaves.

    Mabuhay ang Lahing Kayumanggi! Truly our time will come….

  13. Philippines brownandgifted from Rizal, Philippines Says:

    This is sad.

    I’ve been reading news articles and books just so I could understand what’s happening but the closer I get to reasons why the Philippines is like this—it breaks my heart even more.

  14. Philippines anna maria from Quezon City, Philippines Says:

    kylangan talaga sa atin makita ang pagba2go tayo ang maging mabuting ehemplo ng mga tao upang hindi nila tularan o pamarisan ang mali bagkus ang mga mabubutin nating mga gawa…wala ng magma2hal pa sa ating bansa kundi tayo rin mga Pilipino…

  15. Philippines ann from Quezon City, Philippines Says:

    nakakapunit naman ng puso ito! ang masakit dun, mga ‘edukado’ na mismo ang nagpapayurak sa lahi natin… mga ‘hindi ordinaryong’ mamamayan. tama, tal pueblo tal govierno. sana’y magkaron ng pagpapalaya ang ating mga kaluluwang Pilipino… buti nalang at may Diyos na Siyang nagtakda ng pagaangat ng mga lahi.

  16. Philippines juan di tamad from Rizal, Philippines Says:

    i have the same sentiments…. about lito lapid. nakaka-awa talaga tayo… bomoto tayo ng senador na ang isang pangarap ay maka-kamay ang isang pangulo ng amerika. pagkatapos ng isang pangulo na nanghihingi ng abuloy sa pangulo ng america… at ng matapos mamalimos ay gumastos ng isang milyon para sa isang hapunan habang milyong kababayan nila ang nagugutom at kumakain ng kanin at asin.
    nung panahon ni Rizal… mga dayuhan ang mga nang-aalipin… ang nakakalungkot sa atin ngayon… kapwa nating pinoy ang nang-aalipin.
    wala akong galit kay GMA… ngunit para sa akin… paano maatin na sumubo ng caviar habang ang kababayan mo e walang makain?

  17. Philippines pusong_mamon from Butuan, Philippines Says:

    kailangan kong amining eto rin mismo ang rason kung bakit ayaw na ayaw kong ma-associate sa mga politico. dahil para sa akin, masakit malaman na ang mga bagay na kinain mo, ipinagbibihis, at ipinang-lalakwatsa ay galing sa pawis ng bawat Pilipino.

    kung minsan, natanong ko sa sarili ko, sino kaya sa ating mga liderato ngayon ang merong puso sa mga tao? na hindi ini-isip ang sarili kundi ang kapakanan ng karamihan?

    Nakakainis isipin na ang ambisyon ng mga eto sa 2010 election ang nag uudyok sa kanila para maglabasan ang mga programa nilang ginawa sa gobyerno… imagine milyon-milyon ang nagasta nila sa political ads na yan. Dinagdag nalang sana nila sa “kunwaring-programa” makakatulong pa sana sa maraming mamamayan… whew!

    Pause muna.

    ***foreign din sa pandinig ang pangalan ko lipad-lawin. nuon ayaw ko sa pangalan ko dahilan sa palagi akong kinakantahan ng paskong awitin kapag tinatanong ako kung ano ang pangalan ko, kaya sinabi ko sa nanay ko palitan ito kahit sa palayaw lang… Salamat sa nanay dumami tuloy ang naging tawag sa akin, isa na dito ang “Ga” short for “palangga” (loved)

    nais kong ibahagi ang aking pangarap para sa ating bansa:

    1. Magkaroon ng bagong bansag ang Pilipinas, hindi “nation of servants”

    2. Na ang bawat nagtapos ng kolehiyo ay hindi na kailangan umalis ng bansa para magtrabaho

    3. Magkaroon ng isang balansing pamumuhay ang bawat isa. Hindi dapat mangyari na sa bus ka mamamatay dahil sa kakulangan ng pera o pagkain (eto ang pinaka-masakit kong napanood ngayon.. tsk tsk tsk)

    4. Magkaroon ng gobyernong may “bottom-top” approach. hindi yung magsagawa ng programa, hindi naman eto ang kailangan ng mamamayan…ano ba yan!!?

    5. Hindi na aasa pa sa tulong ng ibang bansa para umunlad.

    6. Na ang bawat Pilipina ay magkaroon ng malasakit sa sarili, para hindi na aasang makapag-hanap ng asawang “kanong 100 na ang edad” para umasenso.

    7. wala ng mahirap sa Pilipinas (ni isa!)

    isang matinding pangarapin, ito’y ating abutin…

    Kaya natin yan!

  18. Philippines Maria Clara from Butuan, Philippines Says:

    Oo nga…

    The Philippines is too insignificant to be a top-agenda.

    Nabubulagan na talaga tayo, mga manhid!

    Ni hindi nga natin napapansin na asian century na ngayon
    Still tulo laway parin tayo sa mga former colonizers natin…

    At pati na rin sa mga pangalan natin na ginagaya natin sa west…

    ang problema natin bilang iisang lahi ay ang pag gaya ng gaya sa ibang lahi..

    sana po’y maabot natin ang bawat puso ng mga Pilipino…

    RAISE THE BROWN RACE :)

  19. Philippines HowardRoark from Batangas, Philippines Says:

    Note to Habagat:

    Ading, the response from your distant relative is right on. I do like the response.

    Please understand that in the USA, me and him are “minority”. The attitude he demonstrated is pride and I hope he maintain that as immigrants to the USA are like “islands”. When you consider yourself as “me” in
    the USA, the nationalistic pride of being a Filipino asserts itself and the “taas noo” FIlipino comes to the fore.

    Be proud of him as when he does come home, like I did, he will be a more appreciative of the country he left and be humble and reach out to the indigent countrymen
    of ours.

    I can relate to the attitude as I have gone through it. We are no less and no more than our fellow Filipinos. We
    never lose our FIlipino identity and it is magnified when we are in a foreign land competing with nationalities who thinks they are better than us.

    I know as I did he will represent the country proudly as you would expect him or me to do.

    Perception, Adingko.

  20. Philippines Hansen Wordsmart from Benguet, Philippines Says:

    Sa totoo lang po, talagang nakakabanas po talaga. Nasubukan ko pong hingiin ang mga punto ng mga taxi driver na sinasakyan ko pa papunta sa paaralan ko. Sa totoo lang po, may iba po sa kanila, halos murahin na po nila ang pangulo natin. Higit sa lahat, sino po ba siya para gumastos ng isang milyong pisong hapunan para lamang magsaya?

    Tunay nga pong ito ang ipinaparating niya sa atin. Hindi naman po natin masisi sina Chip Tsao, Barth Suretsky, Jaeyong Kim, San Jip, at James Follows sa mga hinahagis nilang paratang o akusasyong asintado sa atin. Kung baga sa abnormal psychology, pinaparanas niya sa ating ang conversion blindness at conversion deafness.

    Conversion blindness dahil nagsasaya nga po sila pero hindi nila alam na ang mga kababayan nila’y halos nasa binggit ng kamatayan upang maghanap ng liwanag na nais nilang dalhin hanggang sa hinaharap. Conversion deafness naman po dahil hindi nila naririnig ang mga hinaing ng kanyang mga kababayan at pawang palabas lamang ang kanyang pagmamahal sa bayan.

    Tunay nga pong matatalino ang mga Asyano’t hindi tayo kabilang doon dahil hindi pa po tayo nakakalipad sa langit dahil sa ating mentalidad. Ito pa rin po ang ating mga hilatsa!

    Ang ganyang pag-uugali ay nakikita rin po ng mga KABATAANG PINOY! Sa totoo lamag po, ganito rin po ang eksena sa klase po namin. Ito po ang dapat burahing pag-uugali ang pagiging mapagkunwari sa kapwa.

  21. Philippines roijamon from Laguna, Philippines Says:

    So sad to hear stories like this, when I first heard the news on the television regarding that 1 million dinner and prior to that, the 700 thousand lunch, I really don’t know what to feel, I realize the millions of Filipinos who does not even have food in their tables to eat. How can we elect leaders like them who will not even have a second thought of spending such a huge amount of money just for their lunch and dinner. Did they already lost their minds and just think of themselves. Nakakalungkot isipin na ganito ang mga leaders ng ating bansa, no wonder that we are called a nation of servant and a mail order bride country. Nakakaiyak minsan panoorin at basahin lahat ng news sa TV,Internet and broadsheets, nakakadurog ng puso, I just hope that Filipinos will somehow realize that we are now a free country, our heroes have fought the fight already from the past that caused there lives. we need to realize that we have our own identity,and culture and we have to be proud of it so that the countries would recognize who we are. Filipinos who came from the roots of Jose Rizal,Apolinario Mabini and Lapu-Lapu, a filipino who have dignity.

  22. Philippines bignay from Tacloban, Philippines Says:

    Why one should change and begin to hate, just because others have lost their selves and their own destiny is too cruel for them to face? The real lesson is to learn to love. He who would walks skate-less through his days must learn this; never use what is done to one as a basis for hatred. Never desire revenge. It requires real strength to love men and to love him despite all the invitation to do otherwise, all provocation and all reasons why one should not. Happiness and strengths endure only in the absence of hate. To hate alone is the road to disaster. To love is the road to strength. To love in spite of all is the secret is the secret of greatness and may very well be the greatest secret in this universe. (L. Ron Hubbard) — Darating lang ang araw natin kung marunong na tayong magmahal. pagmamahal na susi sa tagumpay na hindi pangsarili sa halip ay tagumpay na panglahing kayumanggi.

  23. Philippines jiro from Manila, Philippines Says:

    asteeg

  24. Philippines kny.mshc.30stm from Rizal, Philippines Says:

    Hindi ko mapigilan, Resepect the leaders pero gagastos ng 37 MILYON PESOS!? Pampakain na yun para sa mga mahihirap ah. even pang improve ng school namin. :\

    Hayz, Hintay na lang sa part 2. :\

  25. Philippines Lauradarna from Quezon City, Philippines Says:

    Ang sakit isipin na nangyayari ito sa ating bansa at sa aing mga lider. kaya minsan po ayoko manuod ng mga local news kasi hindi ko po maiwasan na hindi masaktan, lalo na po mainis at magalit sa mga pinuno natin.

    Bulag po talaga ang mga Pilipino, lalo na po ang mga kabataang pinoy. isang beses po naguusap kami ng mga kaibigan ko puro bukambibig nila LOVE, love pagdating sa mga lalake at hindi sa bansa, puro kotse at mayayamang bf, dapat daw po pag magbbf ka dapat may kotse at pogi, dapat mayaman kasi daw po maganda ang buhay at mabibigay nya ang mga gusto mo. ang laki po talaga ng pagkakaiba ng mga kabataang pinoy sa mga ibang kabataan sa asya, habang yung mga kabataan nila nag-aaral at ang pinag-uusapan tungkol sa olympics, agriculture, history, science and technology. ang mga kabataan po natin puro gimmick at pagbbf ang inaatupag, nakakahiya po talaga at nakakalungkot.

    Yung isa ko po n friend gustong-gusto nyang pumunta ng Paris kasi gandang-ganda po sya sa paris. tapos sabi pa nya ang mga nagsasabi daw na mayaman ang Pilipinas mga Tanga daw po, dahil mahirap daw po tayo kasi ganito ang nangyayari sa ating bansa. isip-isip ko kasi puro pabbf at gimmick ang inaatupag mo kaya ganyan ang pananaw at iniisip mo pagdating sa buhay at sa bansa natin.

  26. United States Madapaka from Illinois, United States Says:

    Sanamagan! Kawawa naman ang mga pinoy. Di-na natuto. Parating api.

  27. Philippines LuzViMinda from Cavite, Philippines Says:

    “Our time will come”………….. Salamat Brown Raise sa paninimula ng ganitong gawain…… Mabuhay ka.

  28. United States Brown Boy Roy from California, United States Says:

    A sad reflection of the Philippines as a nation.
    This event simply mirrors the poor leadership of a shameless president whose priorities and engagements were demonstrated in a lowly fashion.

    Nagmukha na naman tayong kawawa sa mata ng daigdig. Hindi ba nila (liderato) alam na pansin ng mga mamamayan ang kabobohang ito? o nagkukunwari na lamang o pakapalan to the max?

    NAPAKA-THIRD WORLD talaga ang asta ng mga liderato natin!
    Naku po! … matagal na ayusan ‘to. Mahaba pa talaga ang biyahe natin bilang bansa. PERO MAY PAG-ASA PA RIN.

  29. United States ateng madapaka from Illinois, United States Says:

    This breaks my heart.

  30. Philippines Migo from Benguet, Philippines Says:

    grabe po talaga tayo no wala na po talaga ang ating pag-galing sa ating sarili at wala na po tayong paki elam kung anung sabihin ng ibang lahi sa atin at na paka baba po talaga ng ating pangarap at hindi po tayo marunong tumayo ng tama at tuwid at umaasa lang po tayo sa ibang lahi

  31. Philippines kingchulalongkorn from Manila, Philippines Says:

    ang inisip ko lang..bakit pa siya pumunta o bakit pa nya pinilit yung presidente ng U.S.kung nireject na sya ng 3 beses..hindi ba halatang ayaw na sya dun sa white house?..tsaka hindi ba sya nahiya sa suot nya?masyadong maikli ung skirt nya and it represents our country pa naman..hay..sana magkaroon tayo ng matinong presidente balang araw..our time will come…:D

  32. Philippines partolin christopher from Nueva Ecija, Philippines Says:

    Mabuti na ang lahat ng nakusalat sa pahayag sa itaas ay naihahayag sa ating mga Filipino.Tayo nga ay masasabing nakakulong parin sa dilim ng nakaran at patunoy na napapaalipin ang isip kahit na sa pisikal ay tayo ay malaya na. Ngunit lagi nawa nating tandaan na mabuti rin na punan natin ang baul ng magagandang nagawa at ginagawa ng mga Filipino. Iilan lamang ang mga Filipinong nakakaramdam ng patuloy na pagpapaalipin ng mga Filipino sa kanilang sarili. Ipakita natin kahit sa payak na paraan na tayo ay isang mabuting Filipino na may pagmamahal sa bayan. Ikaw mismo ang dapat na magpasimula nito. Hindi mababago ang isang tahanan kung hindi nagbabago ang mga miyembro nito. Mangarap ka hindi lamang para sa iyong sarili kung hindi para rin sa iyong bansa. Huwag kang maging makasarili.Huwag maging dayuhan sa sariling bansa.Mabuti ang mga Filipino at dadagan mo ang mga kabutihang ito. Mag isip ng malalim. Makialam.Huwag maawa sa sarili bagkus ay baguhin ang mga kamaliang hayag. Punahin ang sarili.

  33. Philippines ayoko_na from Nueva Ecija, Philippines Says:

    haaaay!

  34. Philippines donibbara from Quezon City, Philippines Says:

    I agree sa mga sinabi ng article. We must change for a better future. But this should start within ourselves.

  35. Philippines KUBING from Quezon City, Philippines Says:

    Dadating din ang ating panahon. If, if we live correctly!!
    IF WE LIVE CORRECTLY

  36. Philippines kabataang Pilipino from Quezon City, Philippines Says:

    gaaaaaa!!!!!

    T_T

    magaaral na talaga ako!

  37. Philippines tinubuanglupa from Quezon City, Philippines Says:

    our time will come!
    darating din ang panahon at tayo’y babangon..bilang isang bansa!bilang isang LAHING KAYUMANGGI..darating ang panahon na hindi na tayo tatawagin pang mga alipin kundi tayo’y taas noong makikipagbaka para sa ating lahi..sa ating pagka-PILIPINO..handa akong maging “kunta kinte” para sa ating bansa..hangang-hanga ako sa ipinakita ni kunta kinte na dignidad..hindi lamang para sa kanya kundi para na rin sa kanyang bansa at lahi..
    kung ang bawat isa lamang sa atin ay magiging “kunta kinte” para sa ating bayan ay aangat ang ating bansa at kailanman hindi na tatawaging “nation of slaves”..sa tulong ng ating Panginoong Hesus ay magagawa natin ito..hindi ito imposibleng mangyari kung ating gugustuhin..

    ang pagbabago ng isang malaking bagay ay nagsisimula sa isang maliit na bagay..kaya’t kailangan muna nating baguhin ang ating mga sarili sa tulong ng ating Panginoon at hingin natin sa Kanya ang isang pusong may marubdob na pasanin para sa ating bayan..

    bago tayo igalang at irespeto ng iba ay kailangang ipakita natin sa kanila na mataas din ang ating respato at dignidad natin sa ating mga sarili..upang hindi na tayo magkaroon ng iba’t ibang bansag na talaga namang nakakahiya..
    nawa ay magkaisa tayong lahat,lalong-lalo na ang mga kabataan bilang pag-asa ng bayan,upang maiangat ang ating bayan..magkaroon nawa tayo ng masidhing pasanin para sa ating bayan..kaya’t kailangan nating pagigihan ang ating pag-aaral upang may maipagmalaki tayo sa ating mga sarili at upang maging kagamit-gamit tayo sa ating bansa..

    nais ko lamang ibahagi sa inyo ang aking karanasan..ako ay sumali sa isang kompetisyon na sabayang pagbigkas na kung saan kami ay magpapahayag ng isang piyesa na kung saan ito ay nagpapakita ng pag-ibig sa bayan.. ang piyesa na pinagamit sa amin ay ang akda ni Gat. Andres Bonifacio na “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”..ng mga panahon na inaaral ko ang piyesang ito,hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil grabe ang mensahe ng tulang ito..sa tuwing kami ay nageensayo, patago akong umiiyak madalas dahil hindi ko talaga mapigil ang aking sarili dahil sobrang nababasag ang puso ko at ganun na lamang ung pasanin ko para sa ating lahi..sa biyaya at pabor ng Panginoon ay nanalo kami at tinaghal na Champion kahit na ito ang unang pagkakataon na sumali ang aming paaralan sa ganitong kompetisyon..

    “aling pag-ibig pa ang hihigit kaya,
    sa pagkadalisay at pagkadakila,
    gaya ng pag-ibig sa sariling lupa,
    aling pag-ibig pa?wala na…

  38. Philippines Non-an from Rizal, Philippines Says:

    It will come into reality if we
    Filipinos will stop to become cruel to our own race!

    God has never freed us to be tyrants to our own land.

    Brown Raise will Rise Up to Regain
    its Glorious Heritage!

  39. Philippines diding from Pasay, Philippines Says:

    maraming salamat po sa ating lahat na may tamang puso at pagmamahal sa bansa.sama sama nating harapin at gawin ang isang napakalaking responsibilidad na naghihintay sa atin.kaya kabataan lumaban tayo!bilang tinawag at pinili.

  40. Philippines Jbgprincess from Bulacan, Philippines Says:

    Salamat po dahil binigyan nyo ng kahalagahan ang Ating bansa…BAwat Pilipino magsumikap at Abutin ang ating mga pangarap…magtiwala tayo sa ating sarili at higit sa lahat magtiwala tayo sa ating mahal na Panginoon…
    salamat sa pagkakaisa…

  41. Philippines Migo from Benguet, Philippines Says:

    sobra po talagang nakakainis kasi tayong mga Pilipino ay walang paki alam sa ating bayan, wala man lang pumigil sa ating pangulo na hindi makakabuti kung lalapit pa tayo sa amerika at hindi naman tayo papansinin at ibaba na rin natin ating lahi, ang banasang Pilipinas kpag tayo ay lumapit pa sa bansang amerika. Sobrang tama nga si Rizal walang nangaalipin kung walang nagpapaalipin.sana umahon at magising na tayo sa katotothanan na ang bawat isa sa atin ay susi sa pagunlad ng ating bansa.

  42. Philippines ra_056 from Benguet, Philippines Says:

    Tunay ngang ang tatak ng ating pagkapilipino ay unti-unting nang nilalamon ng impluwensiya ng mga bansang kanluranin. Marahil, ito ay epekto ng kanilang pananakop noong unang panahon. Ngunit, ang pananakop ay noon nga lang ba?Hindi. Dahil maging sa kasalukuyan tayo ay kanilang alipin- ng kultura, ng paniniwala, ng lahat. Ngaun ay noon sa makabagong anyo. Hindi natin maitatanggi na kahit nakawala na tayo sa gapos ng mga nasabing tirano, ay patuloy pa rin ang ating pag-samba sa kanila.Nakakalungkot isipin!Hanggang kailan tayo magpapaalpin.Hanggang kailan tayo sasamba. Aminin man natin sa hindi…ang kanilang gapos ay patuloy na nabubuhay sa ating mga diwa.

  43. Philippines Mark Martin from Manila, Philippines Says:

    tama po lahat ng inyong ibinahagi…sana nga lang po nakikita at nauunawaan ito ng ibang mga pilipino…salamat po sa mga ganitong mga lathalain, lalo ko pong nauunawaan ang aking sarili bilang isang pilipino at nais kong maibahagi ito sa iba…salamat po ! God bless you all…

  44. United States Salipawpaw from Alaska, United States Says:

    Truly Inspiring!
    God Blessed Philippines!
    Maraming Salamat

  45. Philippines ald_maligsa95 from Butuan, Philippines Says:

    GMA both does not respect herself and her country for acting such shameful acts! Let me tell you something, USA’s top priority is not us because we are not worth it! Looking by the way you treat yourself is a huge blow to our country, and so what if the US does not call back to our congratulations? That never is a big deal! We have depended ourselves so much on the West that we are blinded from the reality that the East is now rising, the ASIAN CENTURY is now rising! I too was once a victim of this Eastern dream today’s Filipino dream of until I was introduced to the Brown Raise, this movement has opened my eyes to reality that it’s not about them anymore, it’s about US now. So what if USA saved us from the Japs? Yes that may be a good thing to do, but right now, the only war we are facing is the war of the minds! That war you are talking about was like the time of the dinosaurs! EXTINCT! We have looked up so much on the Americans and Spanish that we tend to forget about our own race – the Filipino race. Also, the names that we were once proud to have of was now also being turned to ash, the more babies are born the more Western names are made! My name is German yet for me, the local names are much better, it shows our real identity, of who we really are, and what we were made of. All our problem is, we photocopy other countries, we don’t have ORIGINALITY in us. And the ones we are “photocopying” are not the good ones but the opposite. We only see the negative side of every foreigner and not the good ones. Like an American, all Filipinos see in them is that, they drink, smoke, use girls, dress like bums, and so much more! What they don’t see in Americans is that they have a habit of reading, and that is what we mostly (or always) miss! If only we can reach out to those Filipinos which treat themselves or their children this way then things will always be a little better. I have been to the Ayala Museum and when we were there, we were like the ONLY FILIPINOS THERE. Mostly were Americans! See that! Even Americans learn to love our country and we don’t? Hello? Open your eyes Philippines because what your dreaming is not true! Rise up and see reality for a change!

Mag-iwan ng Sagot

  Gumawa ng sariling Gravatar!

 characters available