Kapayapaan sa Baha
![]() |
||||
|
By Marilyn Frisco Pag ang dagat ay umapaw at dumagundong ang mga kulog Ito ang mga linya mula sa awiting nagbigay ng tibay at kapayapaan sa isang animnaput-pitong (67) gulang na babae sa ibabaw ng kanyang bubongan sa Geneva St. Provident Village, Marikina, nuong panahong nanalasa ang bagyong si Ondoy sa buong Luzon. Asawa ng isang retiradong heneral, si Mary Yoro na mas kilala ng marami bilang “Manang Mary” ay nagluluksa pa rin sa kanyang anak na lalaki na kakalibing lamang ilang araw bago mag-Ondoy. Nasa kalagitnaan sya ng kanyang pagpipighati, nang mabilis na pumasok ang baha sa kanilang bahay. Taranta ang kanyang mga kasama dahil ang mga gamit, karpet, at iba pang mga muwebles na matagal nang naipundar ay nilalamon na ng baha. Di inalinda ang mga ito, tinawag nya ang kanyang mga kasama, “Mga gamit lang ‘yan. Umakyat na tayo sa itaas.”
Ang tubig baha ay patuloy na tumaas hanggang sa pangalawang palapag. Ang lalake na kanilang kasambahay ay agarang tinaggal ang air-con sa kanilang kuwarto upang makalabas at maakyat. Narinig nila ang sigawan at iyakan mula sa mga kapitbahay at napagtantong sila na pala ang pinakahuling umakyat. Narinig nila, “Mommy, paano tayo makakababa rito at kaillan tayo ma-sa-save?” “Wala pang gatas yung apo ko.” “Ang lamig-lamig.” Ang paligid ay puno ng takot habang ang baha ay patuloy sa pag-angat hanggang 20 talampakan, at patuloy ang pag-ngalit ng ulan. “Manahimik” Sa gitna ng pangamba at kalugmukan, minabuti ni Manang Mary na payapain ang kanyang sarili at sinabi sa kanyang mga kasambahay na samahan siyang manalangin. Nanalangin sya na sila’y bigyan ng pisikal, emosyonal, at spiritwal na kalakasan upang malampasan ang unos. Nagpasalamat sya sa Maykapal na ang bagyo ay bahagi ng Kanyang mga nilikha kung kaya’t sila ay Kanyang kayang tulungan. Mayroon siyang naalalang himig, “Ililim mo ako sa ilalim ng iyong mga pakpak, Pag ang dagat ay umapaw at dumagundong ang mga kulog, Lilipad ako kasama Mo sa ibabaw ng unos.” Kaagad-agad ay nakarama sya ng kakaibang kagalakan, kaya’t patuloy syang umawit.
“Parang bigla akong nanahimik at napuno ng kapayapaan. ‘Di ko na pinansin yung cellphone ko.Pinagbulay-bulayan ko na lamang yung “pananahimik.” Wala nang maraming iniisip. Nagkaroon ako ng kapayapaang kayang lagpasan ang aking isip at utak. Sa sobra kong payapa, pati yung anak kong kamamatay lang ay bigla kong nakalimutan.” Naisip pa nga ni Manang Mary na kung may mga “rescuers” na darating, pauunahin niya ang mga bata, mga matatanda at mga sanggol. “Para akong makasarili kung uunahin ko pa ang aking sarili.” Pagpapala sa gitna ng Baha Mga alas dos ng umaga, tumila ang ulan at si Manang Mary at ang kanyang mga kasambahay ay nakatulog sa ibabaw ng bubong. Sa loob ng labing-apat (14) na oras, nanduon lang silang lahat sa bubongan. “Ang paniniwala ko ay sobra pa rin kaming pinagpala,” ngiting-ngiting wika ni Manang Mary. Nang papaliwanag na, dumating na ang rin ang mga rescuers. Pagkababa ng bangka, sa halip na pumunta sa evacuation center, dumiretso sya at naglakad ng 2 kilometro, patungo sa mga kamag-anakan sa Katipunan. “Hindi ako sinisipon, inuubo, nanghihina o nilalamig. Ako ay 67. Nakakapagtaka kasi ang pakiramadam ko ang lakas-lakas ko. Ang bilis kong lumakad at ang saya-saya ko, suot ang aking damit na puro grasa at nakapaa lang. Naisip ko, parang hindi yata magka-match yung ‘energy level’ ko sa nanyayari sa akin. Parang dapat yata lugmok ako at ‘depressed,’ pero hindi eh. Yun siguro yung FAITH. May nagsasabi sa aki’ng magtiwala lang sa Dios.”
Pagkatapos ng bagyo binisita ni Manang Mary at ng kanyang asawa ang puntod ng kanilang yumaong anak. Batid niyang nahilom na ang kanyang puso, dahil tumigil na ang kanyang pag-iyak. Ngunit ang isa niya pang anak na lalaki di pa rin ayos. “Di pa naka-recover. Malapit kasi sila kaya talagang hagulgol siya. Naiyak lang ako kasi naawa ako sa kanya hindi dahil namatay yung kapatid niya.” Nagpunas ng luha si Manang Mary at nagpatuloy, “Nasabi ko na lang sa kanya, Buti nga ang Kuya mo may bahay na, tayo nga, homeless. Kaya ‘wag ka nang umiyak,” masayang sabi ni Manang Mary. “Napakaganda talaga nu’ng karanasang ito.” Mga Aral ng Buhay sa Bagyo Pagkatapos ng mga nangyari, ibinahagi ni Manang Mary ang kanyang mga natutunan. “Una, dapat mong seryosohin ang iyong pananampalataya.” Sabi ni Manang Mary, ang mga Pilipino, ubod ng madasalin pero nangloloko naman tayo ng kapwa at nagsisinungaling. Siya ay nagbulay-bulay bilang isang ina, at pinag-isipan kung nagabayan nga ba niya ang kanyang mga anak at ano ang kanyang mga pagkukulang. “Kaya ngayon as a mother, dapat pala ituro talaga sa mga anak which way to go. Hindi sapat na alam mong may Dios. Pagkatapos ng bagyo, na-realize ko, talagang dapat malinis ang buhay mo at naka-ready kang parati.”
“Pangalawa, ibabahagi ko ang mga ito sa aking mga anak at apo. Ituturo ko sa kanila na maging seryoso sa kanilang pananampalataya at laging maging handa kapag kinakailangan nang mamatay at harapin Sya.” Narealize ni Manang Mary na ang pinaka-magandang regalo at pamana na maiiiwan niya sa kanyang mga anak at mga apo ay hindi mga mamahaling bagay o bahay—kaya kinuha ng Dios ang mga ito sa baha. Ang pananampalataya at pagsunod sa landas ng Dios, kahit na may hirap, ang tutoong pamana. Kapag tinatanong siya tungkol sa darating na bukas, nakangiting sinasagot ni Manang Mary na siya’y hindi nag-aalala. “In fact, ang daming blessings na dumating pagkatapos ng bagyo. Parang mas marami pa ngayon kung ihahambing dati. Grabe ang Dios. Mayroon ngang tumawag sa asawa ko at sabi, naghahanap na sila ng bahay para sa amin. Walang dapat ipag-alala.” Mensahe sa mga nasalanta ng Bagyo Ang kanyang mensahe sa mga nasalanta ni Ondoy: “Ibahin ninyo ang inyong FOCUS. Huwag manatiling nakatingin sa mga bagay na nasira ng baha, iyon ay mga materyal na bagay lamang. Mag focus tayo sa mga bagay na hindi nakikita ng mata. Tumingin lang tayo sa Dios.” Lumabas ng kuwarto si Manang Mary kasama ang kanyang asawa, kung saan namin sila nakapanayan, na punong-puno ng galak, at pagpapasalamat sa Dios para sa baha. Natangay man ng bagyong Ondoy ang kanilang bahay, ngunit ang bagyo ding yaon ang nagtanggal ng kanyang lumbay, nag-iwan ng panibagong kalakasan at kasiguruhan sa kinabukasan. Ito ay sapagkat natagpuan nya ang mas matibay na pundasyon para sa kanilang pamilya. Ang Liwanag sa Bagyo
|
||||
![]() |
||||






07/10/2009 at 19:42
Grabe ‘to. Kahit hindi kami masyadong na-apektuhan sa tragedy na ‘to, I was so afraid. I stayed home ’cause I couldn’t face the world outside. Hindi ko kakayanin kung ano man ang maaari kong makita. But Ondoy’s name was everywhere. It was in the news, internet and even from everyone I know.
That Saturday, I went outside our garden. It was raining and still windy. I stood up in the middle of the ground and I prayed and the same song came in my mind. I felt the wind that touched my face. I knew that it was God and He was telling me that everything will be fine. He was telling me that whatever happens He will hold us all. There, I found my strength. I placed my trust in Him and reminded myself that He is the awesome God I know and He would never ever let me go.
08/10/2009 at 22:01
i will count this as my life lessons…
MARAMING SALAMAT SA INSPIRASYON AT PAG-ASA. Pagpalain ang pamilya ninyo.
10/10/2009 at 10:21
This is a prime example of how one’s perspective can affect their situation in any tragedy. We must stay calm and strong in those situations. In that way, we not only raise the chances to save our lives but also to save others around us as well.
This is how a relationship with God should be treated as, not as a religion but as a tight bond.
10/10/2009 at 12:24
talagang kawawa sila pero nagtiwala parin sa diyos
10/10/2009 at 22:19
GOD is EXTRAVAGANT!..
I salute our great GOD..
I know that God is always there to help us. The more problems that we will encounter, the more God loves us.
So all these odds are just challenges that test our faith to HIM. This makes us more faithful to HIM.
Keep th fire burning and GOD BLESS!
11/10/2009 at 16:09
what a beautiful story which touch every heart!!!
really God is our peace in the midst of the storm!!!continue to be a blessing to others!!! God bless!!!
12/10/2009 at 08:50
Truly only the hand of God can touch us in all the seasons of our life! This is one inspiring story emerging from a tragic state of the country. All of us have their own stories to tell and may all these stories inspire us to go down on our knees, thank God and pray not only for ourselves but most of all for our beloved country!
13/10/2009 at 09:10
Be STILL in our God and everything will be fine in His hands…
13/10/2009 at 10:50
may we trust the sovereignty of God.
13/10/2009 at 23:33
Dear Tita Mary, how ironic! Your story – it’s so much like the flood waters of old scripture & the old covenant manifested by God’s rainbow? It’s so much like the waters of birth when our cries signals the promise of new life! It’s so much like the salty tears we shed that marks our healing from our heartaches & pain!…The mystery of God’s love … Read Moreonce again breaking open into a renewed life…so much like the waters of Baptism…a revelation of God’s unbroken promise of eternal love, the New Covenant… “For God so loved the world He gave His only begotten Son,for whoever believes in Him shall not perish but shall live forever.” Jn 3:16.
14/10/2009 at 09:16
I’ve heard this story for the third time now but I still can’t help but be inspired over and over again. Indeed, this is one great story of faith. Pinoy pa!
14/10/2009 at 10:18
Focus on the things that the eye cannot see, focus only on God.
God is so great to Manang Mary…
Have strong faith in God my fellow christians…
Be Still in any Circumstance…
God is with us…
Wish ko Dumami pa ung katulad ni Manang Mary sa Pilipinas…
God Is so Good and faithful to you Manang Mary…
14/10/2009 at 20:20
This is a very inspiring story.
“Be still and know that I am God”
Psalm 46:10
17/10/2009 at 21:18
dang da hai fan teng bo tao xiong yong
wo yu ni zhan zhe bao feng chang kong
fu ni re zuo wang zai hong shui zhong
wo yao an jing zhi ni zhi shen
(mandarin version of still: chorus)
19/10/2009 at 10:57
This story has reminded me that when The LORD speaks (rhema) to us, even the fiercest storm can never drown out HIS peace and the blessed assurance that all things will work together for good to those who love GOD and are called according to HIS purpose.(Romans 8:28)HIS wisdom surpasses all human understanding! AT times HE allows such a relentless storm to disquiet and unsettle us, so HE can demonstrate that HE is GOD and we can trust HIM.Thank YOU LORD for the stronger faith that was built in the life of Manang Mary and for all the lives of those who refused to give in and give up.Those who hope in The LORD will rise above the storm until its fury is spent. And then we can praise HIM more…” Our GOD is King even over the flood!”
19/10/2009 at 17:33
nakaka-iyak sa tuwa ang storyang ito…
grabe talaga kapag may Diyos ka nang kinakapitan. nahihiya ako kay Manang Mary dahil ako nga na safe sa bahay nagwawala ako dahil ang lakas ng bagyo at sobrang kabado para sa ibang tao. pero hindi naman dapat talaga tumingin sa baha…tama si Manang Mary, tama si God, we should all be still and know He is GOD.
21/10/2009 at 11:29
be still… have faith in God and you will reside in peace. i agree with Manang Mary. it is how we look at things that will make us either sad or happy, miserable or contented with our lives.:)
23/10/2009 at 16:31
consider youselves LUCKY..
25/10/2009 at 17:29
hay grabe po talaga ang kuwento ni manang mary. super! talagang sobrang nakakabless. Tunay nga naman na napaka babaw ng mga pinoproblema natin sa buhay… napaka babaw at walang halaga.. na realize ko tuloy na ang mga Material na bagay ay kayang mawala ng isang iglap lamang, ngunit ang pinanghahawakan ko sa buhay ko ay hindi kailan man mawawala ilang bagyo pa man ang dumating. pakiramdam ko tuloy napakarami kong kailangan mas tuunan pa ng pansin.. tulad ng aking pagaaral sa eskwelahan, at pakiramdam ko pa na napaka LOSER ko kasi hindi naman ako binagyo eh.. ni daplis ng ulan sa aking katawan walang ng yari.. kaya sguro ang tanging bagay na magagawa ko ay ang pahalagahan ang mga bagay na meron ako at matutong makontento at mag pasalamat sa lahat ng bagay na ipinagkakaloob saakin ng panginoon. Salamat sa buhay ni Manang Mary. Wala man akong bagyong napagdaanan ngunit dahil sa kwento nia nagkaroon ako ng take home galing sa bagyo. eto para saakin ang THE BEST TAKE HOME! galing sa LAHAT ng nakalipas na bagyo sa buhay ko!!! nag papasalamat ako sa Bagyong Ondoy!! panalo ito!!!
-Ka-Bryorg!