Ang Batang Karpenterong Bayani ng Bagong Silangan
![]() |
|||||
|
Isinulat ni Francis Pasion at JD Buena
Ngunit sa totoo lang, mayroong tutoong mga Bayani ngayon na nilalabas ang kadakilaan nating mga Pilipino. Ang pangalan niya ay si Muelmar “Toto” Magallanes. Ang pangalan niya ay hingango sa pinagsamang pangalan na “Samuel” at “Maria” mga pangalan ng kanyang magulang. Sila ay nakatira sa Barangay Bagong Silangan kalapit ng Batasan sa Commonwealth. Pang-apat sa pitong magkakapatid, si “Toto” ay nakatapos lamang ng unang taon sa High school at hindi na ito pinagpatuloy sa kadahilanan na gusto niya na kaagad makatulong sa kanyang Pamilya. Sa edad ng walo (8) siya ay umaagapay na sa kanyang tatay sa paghahanap-buhay para sa pamilya. Gaya ni Paciano na batang kapatid na si Pepe (Rizal) nais niya ring makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga nakababatang kapatid. Sa halip na gumastos para sa kanyang sarili, ginugugulan nya ang mga pangangailangan ng mga nakababatang kapatid — isa na rito ay ang kanyang bunsong kapatid na babae na ang pangarap ay maging isang duktor. Ang tatay niya ay isang “construction worker” at ang kanyang nanay ay isang housewife.
Noong pumunta ang Brown Raise Team sa lugar kung saan nakaburol si Muelmar para makapanayam ang kanyang pamilya, lumaki ang aming mga mata sa gulat nang makita namin na ang lugar na pinaglipatan ng mga nasalanta, kung saan sila’y kumakain, umiinom at natutulog ay siyang lugar din kung saan nakaburol sa kabaong ang mga namatay sa bagyo. Magkakasama silang lahat sa isang covered basketball court. Mayroong tatlo o apat na kabaong na lamang ang naruruon nuong kami’y dumating ngunit ayon sa aming nakausap, ang ibang mga nakaburol ay nailibing na nuong isang araw pa. Naiisip niyo ba kung gaano pa ito katindi kung nanduruon pa ang mga maraming kabaong sa isang “evacuation center” na punong-puno ng tao. Alam namin na ito ay panahon ng krisis at kakulangan subalit ito din dapat ay magandang pagkakataon upang tratuhin natin ng may paggalang ang ating mga kapwa Pilipino. Ang unang naming nakausap ay ang kanyang nanay.
Kinikuwento ng kanyang nanay na nuong bata pa si Muelmar hindi siya nanghihingi sa kanyang nanay ng pera na lagpas sa dalawang piso. May panahon na pinipilit ni si Muelmar na tanggapin ang kanyang ibinibigay na pera ngunit lagi-lagi itong tumatanggi – sinasabing mayroon pa daw siyang panggastos. Nuong lumaon napag-alaman ng kanyang nanay na tuwing madaling-araw si Muelmar ay nagtratrabaho para mag-kaning baboy sa kanilang kapit-bahay at ibenta ito upang siya ay kumita para sa sarili, sa kadahilanan na gusto niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa at patuloy na tumulong sa kanyang naghihirap na pamilya. Bata pa lamang makikita na natin ang dignidad at kasipagan. Ang mga kapit-bahay niya ay kilala siya bilang napaka-matulungin lalo na sa mga nangangailangan. “May pagkapilyo, pero matulungin” kwento ng kanyang nanay. Kapag inuutusan siya ng kanyang magulang ngunit may napangakong gawain para sa kanyang mga kapit-bahay, agad na pag-tutuunan muna ng pansin ang napangakong gawain.
Unang binaha ang Bagong Silangan noong 2003, marami siyang nasagip na buhay at palagay ang kanyang pamilya dahil siya ay mahusay a sa paglangoy. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang mangyayari, anim na taon ang nakalipas ay magbabago ng kanilang buhay. Mula pa nuon, ang kanyang pagtulong nang walang hinahanap na kapalit ay mas lalong tumindi at ito ang kanyang mga naging totoong gantimpala. Siya din ang palagiang kasama ng kanyang nakatatandang kapatid. Si Jufran, na kanyang kuya ay tinuturing ang nakababatang kapatid na isang inspirasyon. Ang tinakdang araw ng Setyembre 26, 2009 ay nagumpisa na parang normal na ulan. Sa kuwento ng mga nakatira sa Bagong Silang, walang nakakaalam na isa palang rumaragasang baha ang paparating ng walang babala. Labing-limang minuto lamang ang lumipas ng balutin ng baha at at putik ang buong barangay, at ang mga tao ay nagsimula nang sagipin ang kanilang mga gamit sa patuloy na pagtaas ng baha. Pagsapit ng 11:30 ng umaga umabot na ang baha sa mga bintana. Animo’y nasasabik si Muelmar ng siya’y utusan ng kanyang ama na dalhin ang buong pamilya sa kaligtasan. Ang nanay niya ang kanyang huling iniligtas sa pamilya, at sinabi ni Muelmar, “Ma, dito muna ako.” May inutos ang kanyang tatay na dalhin ang isang Orocan container at iba pang mga damit sa bubong. Ito’y ginawa niya ng walang hirap, at biglaan siyang umalis. Sabi ng kanyang tatay, “Saan ka pupunta? Tulungan mo muna ako dito.” Ngunit hindi na niya narinig ang tanong ng kanyang tatay dahil nakarinig siya ng sigaw na nanghihingi ng saklolo sa likod ng kanilang bahay—ito’y nanggagaling sa isang kapitbahay na may kasamang pitong-buwan na sanggol na hindi na makababa mula sa bubong dahil sa lakas ng baha. Gumamit sila ng Styrofoam para sila ay lumutang ngunit ito ay lumubog sa baha. Agad-agad na sumisid si Muelmar upang sagipin ang sanggol. Iyon ang kanyang unang pagsagip.
Si Muelmar, kasama ang kanyang kuya na si Jufran ay nagtali ng mga kawayan para gawin itong balsa upang magligtas pa ng mga nangangailangan. Si Muelmar ay lumangoy sa alon ng baha at kung kinailangan ay sumisid sa malabong tubig na puno ng putik para makapagligtas lamang. Punong-puno ng galos ang kanyang braso dahil sa mga lumulutang na yero. Lahat-lahat, nailigtas niya ang 7 pamilya at grupo ng 18 mga bata kasama ang kanilang mga nanay na hindi makaalis sa mga bubungan ng bahay. Kung bibilangin ito, mahigit pa sa tatlumpu ang kanyang nailigtas kontra sa mga balita. Isang kabataan lamang ngunit nagligtas na ng napakaraming buhay. Hindi niya nakalimutan ang kanyang gustong uri ng kabayanihan noong siya ay bata pa lamang – ang magbigay ng sariling buhay para sa ikabubuti ng ibang tao. Ayon sa mga nakasaksi, sa matinding pagkapagod, siya ay nagpahinga sa isang bubungan nang hindi inaasahang nabagsakan siya ng isang pader ng hollow-block dahil sa malakas na alon ng tubig baha. Hindi na siya muling nakita mula noon, hanggang sa bumaba na ang tubig baha. Nahanap ang kanyang katawan na nababalutan ng makapal na putik.
Isa siyang bayani sa gitna ng unos. Ang kanyang nanay at ang buong pamilya ay ipinagmamalaki ang ginawang kabayanihan ni Muelmar. Ngunit sa aming pakikipanayam sa kanila, isa sa mga hinagpis ng puso ng kanyang nanay ay, “pero kahit hindi na sya itratong hero… basta bigyan lang ng normal at tamang libing.” Ibinahagi ni Ginang Magallanes sa amin habang lumuluha na ililibing ang kanyang anak sa isang patong-patong na kahon na ipinagkaloob ng gobyerno kung saan ilalagay ang mga kabaong, at ang kanyang anak ay nasa tuktok pa. “mahirap, sa taas pa, ang taas taas” dagdag niya. Nakaya pa naming mapakinggan ang mga iyon ngunit ang mga susunod na mga sinabi ni Ginang Magallanes ay talaga namang nakakadurog ng puso. Sabi niya, “at pagkatapos ng 3 years tatanggalin na duon yung kanyang bankay… hindi na namin alam kung saan ilalagay…” ako ay sobrang nagulat at sinabi ko sa aking sarili, “ANO?! Sa mga balita, telebisyon, at diyaryo siya ay pinupuri bilang isang bayani at pagkatapos ganito namin itrato ang isang bayani? Napakahirap talagang maintindihan. Si Mang Samuel ay pumunta sa kanyang asawa at ipinatong ang kanyang mga kamay sa balikat ni Aling Maria para siya’y kumalma. Ibinahagi niya na sa kanilang sariling kakanyahan lamang ay hindi nila kayang ipalibing ang kanilang anak, ngunit patuloy pa din siyang umaasa at naghahanap ng isang bakanteng lote para sa maayos at simpleng paglilibingan ni Muelmar. Si Aling Maria ay hindi naman naghahangad ng pagsaludo ng baril, maraming bulaklak o isang engrandeng libing para sa isang bayani. Hinihiling lamang niya ang simple at maayos na libing. Karamihan ay matatakot na mawalan ng bahay at sariling buhay ngunit si Muelmar Magallanes ay matapang na nagligtas ng walang alinlangan. Ang paglimot sa sarili ng isang batang bayani ay bihira na lamang sa ating panahon ngayon. Gayun pa man ito ay nagpapakita kung ano talaga ang isang Pilipino. Maraming mga pangarap, mga tirahan, at mga buhay ang inanod ng baha ngunit sa mga panahong ding ito lumalabas ang mga totoong hiyas ng ating bansa, ang mga simple, hindi pinapansin—mga totoong bayani na hindi naghahangad ng kasikatan ngunit nagbigay lamang ng kanilang mga Puso sa gitna ng rumaragasang unos para magligtas ng buhay kapalit ng sarili nilang buhay.
|
|||||
![]() |
|||||








06/10/2009 at 13:32
ayan ang tunay na bayani hindi yung mga artista!!
bakit ba talaga ang gobyerno walang pakinabang..
gugustuhin nilang ilibing na hindi decent yung libing nung tao…sobra sila kung umasal..
muelmar ikaw ay ang tunay na bayani at hindi sila..
bigyan naman sana nila ikaw ng kahit simpleng paglibing tapos ayun 3 years after tatangalin nila coffin mo..hay grabe!!
dapat tayo mga kabataan tunay na maging pag-asa ng bayan..
nakakagalit at nakakalungkot…
basta ako sasama ako sa pag-papaangat ng bansa natin..
I’M PROUD TO BE PINOY!
06/10/2009 at 22:26
rather than swarming those celebrities who were caught in the flood,why not give more attention on our poor kababayans plight? they lost not only their livelihood, shelter,namatayan din sila..they are the one’s na kailangan na maging center of attention. the celebrities can return to their muddy and dirty mansions and townhouses.pero yung mga kababayan natin may babalikan ba?a person with a clear understanding would put his effort on helping the needy and not on having a one on one interview with an artist just to share the limelight.
07/10/2009 at 04:47
Saludo ako sa mga taong nagboboluntaryo magsilbi para sa kapakanan at kaligtasan ng ibang tao.. ‘There is no such BRAVER, than the heart of a VOLUNTEER’! Mabuhay ka, Muelbar!
07/10/2009 at 11:23
The Philippines is really poor, plus the corrupt government makes us poorer. There’s no way out but to remove all those in position who are self-centered.
Mahirap din naman kc kung bguhan lahat at walang alam.
07/10/2009 at 15:29
Sa mga nabalitaan kong pagkakaroon ng BAYANIHAN sa atin sa Pinas pagkatapos ng bagyong Ondoy, nakita ko ang potensyal ng ating mga kababayan na puwede naman palang iusad ang bansa natin kahit wala ang pangkasalukuyang administrasyon. Tutal bale wala naman sila eh, wala rin namang naging silbi dahil bising-bisi sila sa paghahanda para sa darating na halalan. Mayroon akong nakikitang maganda rito, may maliit na ilaw na maaaring lumaki pagdating ng tamang panahon. Maaaring madaliin ito tungo sa pagbabago o maaaring pabagalin. Nasa sa atin talaga kung seseryosohin mabuti. Sana magliyab pa ang apoy sa puso ng mga Pinoy at hindi lamang panandaliang magningas. MALAKI ANG POTENSYAL! MALAKI ANG PAG-ASA! MAAARING MAGBAGO!
07/10/2009 at 20:06
Ito ‘yung totoong Pilipino. Walang ibang katulad ang taong ‘to. Karapatdapat ikarangal ang tulad ni Muelmar. Buhay na ang ibinigay niya at hindi siya deserving sa ganun na burial. GOD PROVIDES. NOTHING IS IMPOSSIBLE. Kaya naniniwala ako na mabibigyan siya ng decent na burial.
Muelmar will remain in my heart and I will tell the whole world the great things you have done.
08/10/2009 at 02:37
I agree Mr. Brown Boy Roy. there is always a rainbow after the rain somewhere during the day and there are stars after the storm somewhere during the night!
08/10/2009 at 16:50
Sir Muelmar salamat sa yo, maraming salamat sa kabayanihan mo. Sana dumami ang katulad mo.
10/10/2009 at 01:38
There is hope for the Philippines. I see the tide turning, with all kinds of people doing their best to contribute towards the victims of this calamity.
We need to make sure that this young hero, and others will not be forgotten. The wishes of his mother and family will be taken care of. Muellmar will have his remains in a private plot so that his family (and admirers) can visit in the future.
Let’s make that happen – PLEASE.
I ask that those of us in PI make sure to get their family’s address so we can start a drive to raise funds for that purpose. I have a group here that will pledge towards this endeavor. That’s the least we can do for our new hero.
10/10/2009 at 10:14
He would care less though about how his corpse is treated. We cannot do much about that issue. Let us focus instead on his dreams, his goals. That principle he died for.
It was to help those in need regardless of our situation. Anyone can help, everyone has the power to do so.
He would rather have the birth of thousands of heroes because of his death than having a fuss over his funeral rites.
11/10/2009 at 00:26
dito natin ipinakita na tayong mga pilipino ay may likas na matulungin dangan nga lamang at nababahiran ng maruruming politiko kaya sana magsilbing aral na sa atin ang nakaraang sakuna.mabuhay at magkaisa na tayong mga pilipino at simulan ang pagbabago.
11/10/2009 at 15:40
this is the true filipino!
ito ang kailangan ng ating bansa!
11/10/2009 at 17:00
sana nga ay mabigay natin ang lahat ng respeto sa kaniya. sigurado na ang mga taong natulungan niya ay di siya makakalimutan talagang ganito nga ang mga pilipino: matatag at matulungin. ngunit mabibigay pa ba natin ito pagdating ng hirap tulad ni muellmar? si muellmar ay totoong pilipino. sana maunawaan nating lahat na tayo ay pilipinong tulad niya. magagamit natin ito para maiangat natin ang ating bansa!!!
11/10/2009 at 20:33
mabuhay ka, Muelmar. You are truly an inspiration.
12/10/2009 at 01:55
A story like this should move us to continue fighting for our country. If a simple young man like Muelmar can make a difference, inspiring many young Filipinos. We too can make a difference wherever we are. As long as we take ownership of this country and take pride of who we are.
13/10/2009 at 09:44
This story is a great encouragement for us to be serious in helping and touching lives of poor people in our country.
13/10/2009 at 13:56
wow. . .amazing story of people that will not be recognize by those who didn’t know them heroes behind those calamity. . .heroes that will die with out recognition. . .heroes that didn’t exist in this world. . .but heroes in the heart of there family and to those people that surrounds them…
14/10/2009 at 09:31
Hearing and reading this story makes me realize that indeed our nation has hope, that it’s not yet too late. Magtulungan po tayo. Kudos to Muelmar!
14/10/2009 at 12:16
Grabe… panalo si Muelmar kahit construction worker lang siya…
meron siyang puso para sa kanyang mga kababayan..
yan ang BAYANI…kinakalimutan ang sarili para sa iba…
14/10/2009 at 17:33
thats a true hero!!!!
15/10/2009 at 11:23
GOD Bless you and your family Toto. you’re the real hero.
15/10/2009 at 15:11
Muelmar Magallanes: Bayani
Sa gitna ng kawalang pag-asa, sa udyok ng busilak na loob
Walang pag-aalinlangan sa layong tumulong at maglingkod
Ang bayani ay mapagpasyang tumutugon
sa naghuhumiyaw na tawag ng panahon.
Paano bang ang pagsagip sa sanggol na walang malay,
Ang huling pagtulong sa paulit-ulit na pagkampay
Ay magwawakas lamang sa pag-angkin ng buhay
Ng bayaning pagal ang katawan at sa anod ay matangay?
Paano bang sa gitna ng delubyo, ay naghahanap ng vino
upang magpakalasing ng todo si Mikey Arroyo?
Paano bang tatawaging pagtulong ang pakitang-tao
Ng mga nagkakait nito habang ligtas silang naghihilik sa palasyo?
Muelmar Magallanes, labingwalong taong gulang
Tagapagligtas ng tatlumpong nilalang
Babae, lalaki, matanda at bata
Na tinangay ng rumaragasang agos ng tubig-baha.
Bayani kang sa anakpawis ay nagmula
Sa lupit ng sakuna, panganib ay di inalintana
Sa lipunang walang katarungan ika’y halimbawa
Ng lakas at pag-asang sagipin ang bansa.
*Sa alaala ni Muelmar Magallanes, 18, namatay matapos sagipin ang 30 biktima ng baha noong ika-28 ng Setyembre 2009. ( In memory of Muelmar Magallanes, 18, who died after saving 30 lives during a flood on 28 september 2009)
15/10/2009 at 18:28
Astig naman ni meulmar!!!
kaya ko kaya maging katulad niya?
15/10/2009 at 18:29
awsome MUELMAR ROCKS!!!!!!!!!!
WHO!!!!!!!!!!!!!
15/10/2009 at 18:29
thats a true hero!!!
17/10/2009 at 11:47
Dahil sa kanyang kabayanihan, patuloy siyang mabubuhay sa buhay ng mga iniligtas niya..at sa mga pamilya nila. Tiyak di malilimot ang kanyang katapangan at sakripisyo. But I am certain that Muelmar never saw it as a ” sacrifice”.I can bet that heroism was not his goal. He was just innately bigger than life, courageous,unselfish … marks of a true hero. Sana tularan siya…mga kabataan,heads up!
17/10/2009 at 14:48
Meulmar may not be a rich or a famous person, but what he did for 32 lives is greater than those people who are rich and famous but do not help others….. Muelmar Magallanes is a true hero!
17/10/2009 at 19:34
hi!
his story is very inspiring, indeed… may i ask where can i get in touch with his family? I want to interview them for my final project in my masters degree in environmental communication.
thanks!
18/10/2009 at 14:09
Si Meulmar ay tunay na bayani pero ang mga artista ay hindi mga bayani kundi walang kuwenta. I AM PROUD TO BE PINOY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
18/10/2009 at 14:12
MUELMAR ROCKS FOR REAL!!!!!!!!!!!!!!!!
18/10/2009 at 19:55
Yaan ang sobrang matinding bayani na kailangan ng ating bansa. Bayaning walang takot mamatay at ang misyon lamang ay matulungan lamang ang kailangan ng tulong. sana tayo mismo ay wag matakot at wag intindihin ang sasabihin ng iba, sana intindihin lang natin ang mas mabuting pamamaraan sa pag tulong sa ating mga kakababayan.
Sulong lamang mga lahing Kayumanggi. Iangat ating lahi para sa ating Bansa.
parin sa hinaharap.
19/10/2009 at 17:45
magbubunga rin ang dugo na sinakripisyo mo Muelmar! mabuhay ka! ^^ AWIT NG KAAAAABATAAN!!!
kahit karpintero ka lang, mas mayaman ka pa sa pinaka-mayaman na taong nabubuhay sa panahon natin ngayon!
WOOOOOO!!!!
20/10/2009 at 05:38
Swerte ng Nanay nya, may anak syang naging bayani. I just hope the youth of today in the Philippines will learn from his life, hindi puro gimmick lang ang alam. Unfortunately, there are some people who capitalized typhoon Ondoy. Many people who were in the evacuation center does not want to leave the center anymore. Kasi nga naman daming nagbibigay ng grocery bag, they dont need to go to work anymore. So again, paano ba mababago ang takbo ng buhay sa Pilipinas. Not to mention the election is coming and so many politicians are using and capitalizing poor people again. Pls, to all the readers of this blog, pls dont forget to pray for our country and it’s people. We dont need CHACHA as Charter change but we need CHACHA as CHARACTER CHANGE.
25/10/2009 at 02:38
sana matauhan naman kahit konti ang mga lider natin..na hindi lang “pakikipagkamay” at mga “ngiti” ang kailangan ng mga Pilipino ngunit kabayanihan na ipinakita ni Muelmar…hindi lang puro SALITA ngunit may GAWA…
25/10/2009 at 22:42
awesome
29/10/2009 at 21:26
That’s a real hero. Not Richard Gutierrez!
10/11/2009 at 19:38
mwellmar is a true hero kaesa sa mga artista!
11/11/2009 at 00:48
I’m currently working abroad with OFWs, and Muelmar’s story is continually inspiring the Young Pinoys who were born and raised abroad. His sacrifice is teaching a new generation of Pinoys what it truly means to be a Filipino. Let the seed of his fallen life bring forth a new beginning among the second generation living overseas! Thanks BrownRaise!!!
27/11/2009 at 08:58
Napaka-inspiring ng kwento ng kabayanihan ni Muelmar. Isa nga siyang tunay na HERO. Hindi ko makakalimutan ang kanyang istorya.
02/12/2009 at 20:00
i love this story grabe…
nakakagaan ng loob
very inspiring…
sana marami pa ang kagaya ni kuya
Muelmar…
31/12/2009 at 06:15
Mabuhay ka, Muelmar. You are truly an inspiration.
16/01/2010 at 22:20
Anthony corbilla
Dear our heroes,
Thank you for helping our country rise from dark side.Dont worry some day i `ll be also like you help country even I`ll go to america,when I grow up i`ll comeback here to unite us and change Tondo into a museum.Thank you for the writers We`ll miss you
Joshua corbilla
16/01/2010 at 22:40
Muelmar isang pag-asa
na di mababasa
Isang bituin
sa talang madilim
Maraming sidang lumalangoy
ngunit bakit ang iba ay tinataboy?
isang magaling na guro
bakit ang iba`y mali ang tinuturo
Isang dagat na mayaman
isa lang palang paliguan
Marami tayong ginto
pero bakit ganito
Pinatay ang sa balita
nalunod ang sa radyo
tayo`y tinubos
ngunit unting-unti inuubos
maraming salamat po kay Bb. Cavalida na tinuro niya sa amin kung panu gumawa ng tula.Ito`y pang habang buhay saakin
21/01/2010 at 18:44
yan ang tunay na pilipino!a true real hero!!!!!you can always count on muelmar!he is more than a megastar!
he is so cool!he knows true sacrifice and he loves to help others!i wish i coul be like him!!!totoong pilipino yan!wwwooooohhooooo!!!you rock muelmar!!!!!maraming salamat kay teacher francis pasion(one who made this article and is my advisor) and thanks to teacher mary (our pe teacher) for teaching 4-a about dangal!you rock!!!
21/01/2010 at 18:47
god bless this website to help raise up our country and to find hidden REAL heroes of our philippines!
15/02/2010 at 09:54
paano ba maging bayani sa loob ng bahay,labas ng bahay sa paaralan ,sa trabaho, sa mga mahal sa buhay,sa kapaligiran, saloob ng sasakyan,sa kapitbahay….eto ang mga tanong na aking sinisiyasat sa aking puso at isip pwede ba akong maging bayani???