The Brown Raise Movement » Lipad-Lawin

Walang nang-aalipin kung walang nag-papalipin Part 1
Walang nang-aalipin kung walang nag-papaalipin.  Sinulat ni Rizal ang mga katagang ito higit isangdaan taon nang nakalilipas, ngunit hindi pa rin natin malampasan ang malungkot na katotohanang ito.

Liwasang Rizal, Maynila

Kamakailang lang sunod-sunod ang balita tungkol sa nakaraang pagbisita ng Pangulong Gloria Arroyo sa White House, ang kanyang santalaksang “entourage,” o mga alalay, at ang isang milyong pisong hapunan sa isang French restaurant. Hanggang ngayon, di ko pa rin lubos-maisip ang pag-amin ni Senador Lito Lapid sa publiko na personal nyang nilapitan si GMA upang isama sya sa biyahe patungong Amerika dahil matagal na raw nyang pangarap na makamayan at makapagpa-picture kasama ang pangulo ng Amerika. Ayon sa dating action-star, sya daw ay “star-struck” kay Obama.

Ang Tahanang Puti, Washington, D.C.

Si GMA at Lito Lapid, at maging si Bayani Fernanado ay nagdusa sa mga kamay ng parehong mga bloggers at reporters. Mga “garapal” daw sila at “bootlickers.”  Sa Tagalog, mas masakit ang salin- ibig sabihin ay “mga taga-himod ng talampakan ni Obama.” Ngunit ang pinaka-deretsahang ulat na aking nabasa ay mula sa  ni Bobby Reyes. Ayon sa kanya:

“Para sa araw na ito, Hulyo 30, 2009, nakasaad sa Daybook na si Pangulong Barack H. Obama ay makikipagkita kay Pangulong Gloria M. Arroyo sa Oval Office ngayong alas tres ng hapon, ngunit  mayroon pa syang miting pagkatapos nang alas kuwatro ng hapon. Ang dalawang Pangulo, kung gayon, ay magkikita lamang nang wala pang isang oras. Bagama’t sa kagustuhang galangin ng mga lider ng Amerika, si Gloria Arroyo ay di lamang sawi, ngunit lubos na nakakahiya. Imbis na State Visit, o kahit man lang Official Visit, pinagtiyagaan na lamang ni Mrs. Arroyo ang wala pang isang oras na miting at pikchuran kay Pangulong Obama. Pupuwedeng pakakapehin, patsatsaahin, o illibre ng samalamig si Pangulong Arroyo, ngunit malayong imbitahan sa tanghalian o hapunan. Pupuwede ring magpakain ang Philippine Embassy para kay Pangulong Arroyo at sa kanyang santalaksang alalay sa pinakamalapit na “In-N-Out” burger. Dapat syang makilala sa naibasura nang relasyon ng Pilipinas at Amerika, na kauna-unahang Presidente ng Republika ng Pilipinas na tinratong parang basura ng White House.”[]

Ang nakapanglalambot na pag-papahiya sa sarili ng ating Pangulo ay isang kahihiyan rin lalo na para sa ating mga Pilipino at sa ating bansa. Kung saka-sakaling nakalimutan na ni GMA, kinakatawan nya ang buong sambayanang Pilipino. Mula sa kanyang speech hanggang sa kulay ng kanyang bestida – lahat ay itinuturing na pananalamin lamang sa mga Pilipino. Malungkot mang sabihin, ni katiting ay di sya nakapagdulot ng kahit na anong pagmamalaki, karangalan, dignidad at kinabukasan sa ating mga Pilipino nang hayaan nyang “tratuhin syang parang basura ng White House.” Una sa lahat, bakit di natin kayang mga Pilipino ang umastang tulad ng mga Asyano – mataas ang tingin sa sarili at di natatakot kahit na sa pinakamakapangyarihang bansa sa mundo? Bakit ba kinakailangang mapansin tayo ng Amerika? Bakit gustong-gusto nating maging alipin ng Amerika? Hayaan nyong isa-isahin ko ang mga garapalang pagkakamali:

Una sa lahat, di lamang isang beses, ngunit apat na beses nang inisnab ni Obama si GMA. Ginawan natin ng isyu at nagmarakulyo nang hindi binalik ni Obama ang tawag ng Malacanang nuong sya ay manalo. Eh ano naman kung di sya tumawag? Ang problema nating mga Pilipino ay ang wala sa lugar nating pagbibigay ng importansya sa ating mga sarili, lalung-lalo na ang ating maling akala na mahalaga pa rin ang relasyon ng Amerika sa atin. Di ba natin nakikitang hindi na nga ngayon magkanda-ugaga ang Amerika sa kanilang mga problemang pang-ekonomiya? Nakakatawang isipin, pero napakaliit ng Pilipinas para gawing “top-agenda” ng Amerika! Siglo na ngayon ng Asya…dapat ay inaayos natin ang ating relasyon sa Asya at pinalalalim ang ating ugat at kasarinlan bilang mga Asyano, imbis na habambuhay tayong naninikluhod sa mga banyang sumakop sa atin.

Ang Pangulong Arroyo kasama si Pangulong Obama

Tingin na ng daigdig sa Pilipinas ngayon ay “bansa ng mga alila.” Dati tayong binansagang “ang lumpo ng Asya” – ngunit mas malulunok mo pa ‘yon kumpara sa sunod-sunod na tagos-hanggang-buto na panlilibak ni Chip Tsao at ni Alec Baldwin. Yun nga lang, sa halip na tayo’y mapunit para sa ating bansa, matigas nating kinakaila ang mga nasabing paratang.

Hindi ko makakalimutan ang serye sa telebisyon na pinamagatang Roots, hango sa libro ni Alex Haley’ng: Roots: the Saga of an American Family. Si Haley ay galing sa ika-pitong henerasyon ng mga African-Americans na mga alipin. Ilang beses akong napaluha nuong ito’y pinanunuod ko dahil naalala ko tayong mga Pilipino. Ito’y kuwento ng isang Aprikanong batang lalake na ang pangalan ay Kunta Kinte na dinukot at at dinala sa Amerika upang ipagbili bilang isang alipin. Ang hinding-hindi ko makakalimutan na eksena ay nung si Kunta Kinta ay hinagupit ng ilang beses ng kanyang amo hanggang sa halos mamatay, dahil lamang ayaw nyang sabihin ang “Toby” ang bansag sa kanya bilang alipin. Paulit-ulit, iisa lang ang sagot nya sa tanong ng kanyang amo kung ano ang kanyang pangalan, at ito ay Kunta Kinte. Nang si Kunta Kinte ay halos lumpo na at humihilahod sa pambubugbog ng kanyang amo, naibulong na rin nya ang “Toby,” sabay takbo at yakap sa kanya ng isang matandang itim na alipin, at habang tumutulo ang mga luha mula sa mga mata, sinambit nya kay Kunta Kinte, “Darating din ang araw natin….”

Roots – Takip ng DVD.

Marahil tayong mga Pinoy sasabihin pa natin sa ating mga sarili, “Eh talaga naming mas maganda tunog ng Toby kesa Kunta Kinte—syempre Kano yata yun!” Ngunit hindi pangalan ang Kunta Kinte. Ito ay patungkol sa kung sino ka. Ito ay pangalan ng isang malayang tao na tumangging ipagpalit ang kanyang pinagmulan o ugat, ang kanyang komunidad, ang kanyang lengguwahe, kulay – ang kanyang pangalan – upang maging alipin, gaano man ito kasarap.

Minsan ako ay tumungo ng Bohol para sa isang-araw na pag-iikot. Tinanong ko ang aming tour-guide, na paingles-ingles, kung ano ang kanyang apelyido. At ang sagot nya sa akin, “Pangit ang apelido ko. Native.” Siguro’y di sya makapaniwala sa kanyang narining nang sabihin kong, “Sa totoo lang yung native na mga pangalan talaga ang gusto naming malaman at marinig, kasi iyon ang tutoong mga pangalan ng mga Pilipino at iyon ang tutoong maganda.” Tsaka nya lamang sinabi sa amin ang kanyang apelyido.

Malungkot man ngunit tutoo, ngunti di ba’t ikinahihiya naman talaga natin kapag ang ating mga pangalan ay hindi tunog Espanol o Amerikano? Baliw tayo para sa mga pangalang Ayala, Manzano, Lopez, etc., ngunit kinahihiya natin kapag ang ating pangalan ay Batongbakal, Dimayuga, Dimakulangan. Halos wala ka nang marinig na mga pangalang katutubo tulad ng Bituin, Dalisay, Amihan at iba pa. Mas type natin ang Sandra, Michael, Jacqueline etc. (Maging ang mga pangalan naming magkakapatid na binigay ng aming mga magulang ay puro Europeo) Ngunit pakinggan natin ang mga pangalan ng ating mga kapwa Asyano at ito’y pangalan ng mga Malalaya – mga pangalang tulad ng Mahathir, Lee Kuan Yew, Chulalongkorn, Hu Jintao, Gandhi. Masakit mang isipin, ngunit hindi ba nito ipinakikitang sobra na nating nagustuhan na tayo’y mga alipin ng dayuhan, na kahit na ang ating mga  anak ay pinapangalanan natin sa mga pangalan ng ating mga kanlurang mananakop? Ang mga katutubong pangalang Pilipino ay laos at pawala na, kapareho ng identidad ng Pilipino.

Kelan kaya natin maririnig ang ating mga sarili na sasabihin nang may tapang at pagmamalaki, “Darating din ang araw namin….ang mga Pilipino ay gagalangin din sa buong daigdig. Makakatayo rin kami sa aming mga sariling mga paa at hindi na kailanman magiging “star-struck” sa mga banyaga. Darating din ang araw namin….”

Ipagpaptuloy.

~Lipad-Lawin