Ang Pilipinas Ngayon

The Philippines Today

Humigit kumulang sa 880,000 na mga Pilipino ang nangingibang bayan taun-taon upang humanap ng mas malaking pagkakakitaan. Sila ay naglalatag at nag-aayos ng mga tubo sa Siberia, nagmimina ng mga diyamante sa Angola, at naglalayag sa mga barkong nagkalat sa lahat nang mga karagatan sa daigdig.

• Nililinis at sinisinop rin nila ang libu-libong mga tahanan – mula sa Hong Kong hanggang sa Dubai at maging sa London. Sa katunayan, ang punong ministro ng Bahrain ay may 50 empleyadong Pilipino na nagtatrabaho sa kanyang kabahayan. household (Philippines: Workers for the World, Newsweek, Oct.4, 2006)

• Sa kasalukuyang panahon, ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa pagpapadala ng mga nars upang magtrarbaho sa iba’t ibang mga ospital at nursing homes sa mundo. 85% nang mga nars sa Pilipinas ay pawing nangibang bayan na. Marami rin sa mga doctor ng bansa ay muling nag-aaral para maging nars. 

• Humigit kumulang sa 200 ospital sa buong bansa ang nagsara na dahil sa kawalan nang mga doktor at nars habang may 800 pa sa buong kapuluan ang nanganganib nang isara dahil sa kakulangan ng mga kwalipikadong propesyonal na maglilingkod at mangangasiwa sa mga ito.

• Noong taong 2006, lumabas sa resulta ng National Career Assessment Examination na sa loob ng 1.3 milyong estudyante na kumuha ng eksamin, 3.7% o 49,066 na estudyante lamang sa mataas na paaralan  ang may sapat na kaalaman upang pumasok sa kolehiyo.

• Ika-41 ang Pilipinas pagdating sa kaalaman ng mga mag-aaral ng bansa sa Agham habang ika-42 naman sa Matematika, sa loob ng 45 lamang na bansa.

• Isa sa mga pinaka litaw na katangian ng isang tipikal na Pilipino, ayos sa isang banyagang ekonomista na nakabase sa Maynila, ay ang marubdob na hangarin nito na umalis ang bansa at mangibang bayan. (Philippines: Workers for the World, Newsweek, Oct.4, 2006)